WARLOCK'S POV
"Acckk! Nasasakal na ako!"
Agad na niluwagan ni Erin ang necktie ko kaya naman napaubo ako, at hinabol ang aking paghinga.
"Pikon na pikon na ako sa'yo," gigil nitong sambit at inayos na ang damit ko.
"Bakit ba kasi kailangan ko pang magsuot ng ganito. Tignan mo nga ang hitsura ko, mukha akong bilyonaryong drug lord," reklamo ko naman sabay tinignan ang repleksyon ko sa salamin.
Ilang araw narin ang lumipas at marami na akong natutunan sa kaniya. Kaya heto kami ngayon, pupunta sa kabilang bayan upang kumuha ng entrance exam kahit na late na kami, ngunit pumayag naman ang mga guro doon dahil kilala nila si Erin.
"Dapat ay mukha kang presentable. Atsaka bakit ba kasi hindi mo suklayin 'yang buhok mo para magmukha ka namang young CEO, oh diba taray."
Suminghap nalang ako at mas lalo pang ginulo ang magulo ko ng buhok. "Hindi bale na. Mas gusto ko pang maging bilyonaryong drug lord," anas ko na tinawanan nito.
"Tara na nga."
Naglakad na kami palabas ng bahay at sumakay ng bus paalis ng bayan. Ilang minuto lang ang biyahe hanggang sa makarating na kami sa aming paroroonan. Tama nga ang sinabi ni Tielo, malaki at malawak nga ang eskwelahang ito, nakakalulang tignan.
"Erin, pwede bang tanggalin ko na itong tie? Sakal na sakal na talaga ako," bulong ko kay Erin, kaya naman bumuntong-hininga ito at hindi na nakaangal. Tinanggal ko na iyon at ipinasok sa loob ng bitbit niyang bag.
"Kuya, kukuha po kami ng entrance exam," pagkakausap ni Erin sa gwardiya ng eskwelahan.
Tumango ito at binuksan ang gate kaya naman pumasok si Erin. Akmang hahakbang na rin ako papasok pero hinarangan ako ng gwardiya.
"No pets allowed," malamig niyang sambit.
"Ah kuya, kasama—"
"Kaya naman pala narito ka sa labas," panunumbat ko sa kaniya na ikinasama ng tingin nito sa akin.
"Warlock?"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Tielo. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Namiss mo ba ako kaya ka nagpunta rito? Hindi ba sapat na umuuwi ako ng Friday ng hapon kaya pinuntahan mo na ako?" pagdadrama nito na nginiwian ko.
"Asa. Nandito ako para kumuha ng entrance exam, pero ayaw akong papasukin nitong si Manong Bulldog," sagot ko na sininghapan ng gwardiya.
"Ah kuya, pagpasensyahan mo 'yan. May saltik talaga ang lalaking 'yan," singit ni Erin at hinila na ako papasok sa loob habang sumabay naman sa amin si Tielo.
"Sigurado kang mag-aaral ka na? Sakto, kulang kami ng isa sa dorm kaya pwede ka na roon," hayag ni Tielo na nginusuan ko.
"Kung makakapasa ako."
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na bumuntong-hininga. Naglabas ako ng lollipop at isinalpak iyon sa bibig ko habang naglalakad. Tignan nalang natin kung hanggang saan aabot ang swerte ng katawan ko.
"Bakit nila tayo tinitignan?" tanong ko nang mapansing lahat ng estudyanteng nadaraanan namin ay napapatingin sa direksyon naming tatlo. "Nagaguwapuhan ba sila sa akin?"
"Aish, yabang talaga. Hindi ko ba nasabi sa'yo na sikat ako rito?" saad ni Erin at kinawayan ang mga estudyante.
"Sikat ka lang naman dahil sa kapangitan mo," sumbat ko na ikinahinto ito at sinamaan ako ng tingin.
"Maniwala ka sa kaniya. Pagpasok ko rito ay hinahanap-hanap na agad ng mga estudyante at guro si Erin. Nakita ko narin ang mga picture niya at maganda talaga siya." Pagkampi naman ni Tielo rito kaya tumaas na ang noo ni Erin.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...