CHAPTER 36: Back Story

98 15 0
                                    

WARLOCK'S POV

Agad na nagliyab ang mga bahay. Mabilis na kumalat ang apoy at tinupok lahat bahay sa lugar na ito. Walang nilagpasan at walang kinaawaan ang apoy.

"Ngayon, isunod naman natin ang munting palasyo ni Wyatt," anunsyo ko at nagsimulang humakbang. Lahat sila ay nakasunod sa akin habang naglalakad. Tinungo namin ang bahay ni Wyatt at agad na nakita ang mga bantay sa labas. Nagtaka ang mga ito sa nangyayari pero hindi na sila nakatanggap pa ng kasagutan, dahil agaran silang binaril ng mga kasamahan ko.

Binuksan ko ang malaking tarangkahan at pinagmasdan ang malaking bahay nito.

"Patayin silang lahat," usal ko na mukhang narinig ng lahat dahil agaran silang nagsigawan at tumakbo papasok.

Lahat ng kanilang nakakasalubong ay kanilang binabaril kaya naman muling nabulabog ang napakatahimik na gabi ng Lockwood City.

Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay, at agad na hinanap si Wyatt habang nakabuntot sa akin si Tielo.

Napuno ng ingay, nagsidanakan ang mga dugo, at umalingawngaw ang mga pagputok ng baril sa malapalasyong bahay ni Wyatt. Ilang saglit lang ay itinulak ko ang pinto, at tumambad sa akin si Wyatt na nakaupo sa silya niyang nagmumukhang trono, habang nakaluhod ang tatlong tao sa harapan niya, ang mag-asawa na nakilala ko sa eskwelahan, maging si Erin.

"Hindi ka parin nagbabago, ginagamit mo parin ang mga taong malapit sa akin para masakal ako," sambit ko at naglakad papasok upang magkaharap kami ng malapitan.

"Si Sieena?" tanong ni Tielo rito kaya naman natawa si Wyatt.

"Ang anak ko ay nasa malayong lugar kung saan walang nakakaalam," sagot niya naman habang pinaglalaruan ang baril sa kaniyang kamay.

"Sa study room." Natigilan ito sa sinabi ko. "Pumunta ka sa kwarto niya at tanggalin ang larawan ng bayan natin na nakadikit sa pader."

"Hah, sa tingin mo ba ay matalino ka na niyan?" nakangising sambit ni Wyatt at humalukipkip. Talagang hinahamon niya ang katalinuhan ko.

"Bigatan mo ang katawan mo sa pag-apak sa sahig at bubukas ang pader. Dumiretso ka lang at bahala ka na sa buhay mo," dagdag ko pa na ikinapawi ng ngisi sa labi ni Wyatt kaya naman ako ang ngumisi. "Hindi ako nakapag-aral pero matalino ako sa ibang bagay."

"Salamat, Warlock," bulong sa akin ni Tielo at tumakbo na paalis. Bumuntong-hininga naman si Wyatt at ihininto ang paglalaro nito sa hawak niyang baril.

"Hindi ko akalaing darating ang araw na ito. Nakakalabanin ako ng taong pinakapaborito ko at halos ituring ko ng anak," aniya at nginitian ako na para bang siya ang ama ko.

"Pasensya na, ama, pero hindi mo na pwedeng ipagpapatuloy pa ang pamumuno mo. Kung sabagay, wala ka ng pamumunuan dahil sa mga oras na ito ay nasusunog na ang buong bayan, ihuhuli ko lang itong palasyo mo," tugon ko naman bilang anak niya.

Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan at naglakad palapit sa akin. Hinarap niya ako at diretsong tinignan sa mata.

"Hay, grabe, hindi kita kayang kalabanin dahil ako rin naman mismo ang nagturo ng mga galaw mo," aniya at inilahad sa akin ang kaniyang kamay. "Ikulong mo nalang ako kaysa patayin. Mas gusto kong maging hari ng kulungan kaysa makita sa impyerno si Roman."

Natawa ako nalang ako at kalauna'y niyakap ito. "Bibisitahin kita paminsan-minsan," bulong ko at tinapik-tapik ang likod nito.

"May isa lang akong kahilingan. Pwede mo bang ikwento kay Sieena kung gaano ako naging Ama sa'yo? Tanggalin mo sana sa kaniya ang pagkamuhi niya sa akin na itinanim ng Roman na iyon," nito na tinanguan ko. "At ayusin mo rin ang pamilya mo." Napatingin ako sa mag-asawa at suminghap.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon