WARLOCK'S POV
"Wow naman!"
Nakatingin lang kaming lahat sa pader kung saan nakadikit ang unang medalya na natanggap ko, bilang isang estudyante.
"Nagtagumpay ka. Proud na proud ako sa'yo," sambit ni Erin kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa kaniya at napangiti.
"Nagtiwala ka sa kakayahan ko kahit na alam mong wala akong pag-asa. Hindi ka tumigil kahit na sakit ako sa ulo, kaya naman para sa'yo 'yan," sagot ko.
"Pa'no naman ako?" sabat ni Tielo, kaya naman tinignan ko siya na nakatayo sa tabi ko kasama si Sieena. Nasa likuran rin namin ang mga magulang ko, maging ang lalaking tagahakot lang ng bangkay na ngayon ay iba na ang trabaho.
"Inaalay ko sa'yo 'yung tali tutal wala ka namang itinulong sa pag-aaral ko, kundi ang asarin ako. Akala mo ba ay nakalimutan ko na 'yun?" sagot ko na ikinanguso niya. Natawa naman ako at inakbayan siya, pero agarang pinalo ni Sieena ang kamay ko kaya agaran akong bumitaw. "Grabe namang selosa ito."
"Hoy babae, 'wag ko ngang pinapalo ang anak ko," sita sa kaniya ng principal na ngayo'y Mama ko na.
Ngumiwi ito at yumuko sa kahihiyan.
"Tita naman!" sita pabalik sa kaniya ni Tielo.
"Hoy lalaki, sinisigawan mo ba ang asawa ko?" sabat sa usapan ni Manong Bulldog na ngayo'y Papa ko na, pero walang nagbago dahil mukha pa rin siyang bulldog.
"Lalaking bulldog, 'wag mo ngang pagalitan ang kaibigan ko," saad ko pabalik sa kaniya, at napangiwi nang kurutin ako ni Erin sa tagiliran.
"Respetuhin mo ang Papa mo," aniya kaya naman tumango ako.
"Grabeng pamilya ito, nagkasama-sama ang mga siraulo."
Lahat kami ay masamang napatingin sa direksyon ng lalaking tagahakot ng bangkay, kaya naman ngumiwi ito at napakamot sa kaniyang batok.
"Ang sabi ko ay oras na para lumabas, hinihintay na kayo ng mga tao sa labas," palusot niya kaya naman nagsitanguan kami, at naglakad na habang magkakaakbay ang magkakasintahan, at siya? Naglakad palabas na yakap-yakap ang kaniyang sarili.
Sumakay si Tielo at Sieena sa isang kotse, sa isang van naman sina Mama at Papa, at ibang sasakyan rin sa amin ni Erin.
Muli naming ibinangon...ah mali, bumuo kami ng panibagong Lockwood City at heto na ngayon. Sariwang hangin ang malalanghap ko. Maraming halaman sa paligid. May mga establishimento narin, at hindi mawawala ang eskwelahan.
Naramdaman ko ang kamay ni Erin na humawak sa kamay ko kaya naman napatingin ako roon. Ngumiti ako at pinagsiklop iyon kaya napatingin rin siya sa akin.
"Ng dahil sa pagdating mo ay nabago ang lahat. Alam kong puno ng kamalasan ang buhay mo, pero swerte ang idinulot mo sa lugar na ito," hayag ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Lumipat lang naman ako rito para takbuhan ang ginawa kong pagpatay sa sarili kong Ama, ngayon ay heto na ako, nakaupo katabi ang lalaking kapitbahay ko, at bida na sa isang kwento. Paniguradong magiging alamat ang kwento natin at sisikat ang kagandahan ko," lintana niya na ikinatawa ko at ipinikit na ang aking mata.
"Oh, si Wyatt."
Muli kong iminulat ang aking mata at tumingin sa bintana. Nakita ko mula sa labas si Wyatt na may kausap na mga bata, kaya naman pinahinto ko sa pagmamaneho ang driver. Lumabas ako sa kotse kasama si Erin at sabay namin itong nilapitan.
"Ayos, magaling ang ginawa mo, munting sundalo," sambit nito sa isang batang lalaki at itinayo naman ang nadapang batang babae. "Ayos lang 'yan, isa ka paring prinsesa."
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...