CHAPTER 18: His confession

92 19 1
                                    

WARLOCK'S POV

Ramdam ko ang malambot na kamay na humahaplos sa buhok ko, gumagaan ang pakiramdam ko sa ginagawa nito. Iminulat ko ang aking mata at napagtantong nasa hospital ako, pero walang tao sa paligid ko. Ibig sabihin ay panaginip na naman iyon.

"Warlock, ayos ka lang ba?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Erin na kakapasok lang sa kwarto, imbes na si Sieena. Hindi ko siya inimikan.

Iniangat ko ang aking kamay at pinagmasdan iyon. Malinis na ito. Walang bahid ng dugo. Napakadaling tanggalin ang dugo sa balat, pero naiipon ang lahat ng iyon sa loob ko. Ramdam ko na napupuno na ako, at kapag sumabog na ang nararamdaman ako ay baka maging mas masahol pa ako sa kalagayan ko ngayon. Magiging mas malala pa ako kaysa kay Wyatt.

Bumangon ako at napahawak sa ulo ko nang makaramdam ng pagkahilo. Bumalik sa akin ang mga ala-alang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Si Tielo.

Umalis ako sa ibabaw ng aking kama at naglakad palabas ng kwarto. Pinigilan ako ni Erin pero hindi ko siya pinakinggan. Mula sa isang kwarto sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga gwardiya ni Sieena, kaya naglakad ako palapit sa kwartong iyon sabay pumasok.

"Tielo," bulalas ko at agaran itong nilapitan. Iniangat ko ang kaliwa kong kamay pero nagsimula iyong nangingig kaya naman ikinuyom ko iyon. Ginamit ko ang kanan kong kamay upang hawakan ang kamay nito.

Wala itong malay at may nakakabit na kung anong aparato sa katawan niya.

"Hanggang ngayon ay wala parin siyang malay," pamamalita ni Sieena at suminghot. Gamit ang nanginginig kong kaliwang kamay ay inakbayan ko siya at ipinasubsob ang mukha nito sa dibdib ko.

"Ayos lang, magiging ayos lang siya," bulong ko sa kaniya na tinanguan nito hanggang sa maramdaman kong gumalaw ang kamay nito kaya naman binitawan ko na si Sieena.

Unti-unting nagmulat ang mata ni Tielo at agarang dumapo iyon sa akin. "W-warlock," nanghihina nitong bigkas sa pangalan ko na tinanguan ko at nginitian ito. "Nauuhaw ako."

Natatarantang kumuha ng tubig si Sieena kaya naman inagaw iyon ni Erin upang hindi matapon. Binuhat ko naman ito paupo at pinainom siya ni Erin ng tubig.

"Sieena, umuwi ka na at magpahinga," wika ko nang makitang nakatakip ang magkabila niyang palad sa kaniyang ilong at labi, na halatang natataranta ngunit inaantok.

Tumango lang ito at huminga ng malalim. Lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking pisngi.

"Alagaan mo siya," habilin nito bago naglakad palabas ng kwarto kaya naman ibinalik ko ang aking atensyon kay Tielo.

"Anong nangyari?"

Tanging pagngiti lang ang isinagot ko sa katanungan ni Tielo at naupo sa tabi niya, sabay ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Huwag mo ng alalahanin iyon," sagot ko at ipinikit ang aking mata. "Pwede bang manatili muna akong ganito?" Hindi naman ito umangal na sinabi ko.

"Erin, nagugutom ako. Pwede mo ba akong bilhan ng pagkain?" Rinig kong saad ni Tielo at pumayag naman si Erin kay naman naiwan kaming dalawa sa loob. "Anong meron at naglalambing ka? Masyado ka bang nag-alala?"

Iminulat ko ang aking mata at bumuntong-hininga.

"Noong makita kong bumagsak ang katawan mo ay nabuhay ang demonyo sa loob ko, at pinatay ang anim na lalaking nagplano nu'n sa'yo. Ang sabi ng isa ay napagkatuwaan ka lang daw dahil madamot ka sa sagot," lintana ko at muli na namang bumuntong-hininga.

"Napakababaw ng dahilan nila para pagtangkaan akong patayin," usal naman nito na tinanguan ko. "Pero, ayos ka lang ba?"

Lumayo ako sa kaniya at tinignan siya. "Kailan pa ba ako naging hindi maayos?" sagot ko at nginitian siya ng labas ang ngipin...gaya ng parati kong isinasagot sa kaniya.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon