WARLOCK'S POV
"Warlock? Warlock!"
Nag-angat ako ng mukha at napatingin kay Sieena. Sunod ko namang tinignan si Erin at Tielo na masama ang tingin sa akin.
"Ano 'yun?" inosente kong tanong kaya naman tumaas ang kilay nito.
"Nakikinig ka ba?" hayag ni Sieena, kaya naman napatingin ako sa notebook ko at ngumiwi.
"Pasensya na, hirap parin kasi akong magbasa kaya kailangan kong itutok ang atensyon ko sa binabasa ko," sagot ko at napakamot sa aking batok. "Ano ba 'yun?"
"Ang sabi ko ay magkakaroon ng birthday party bukas sa bahay at iniimbitahan ko kayong tatlo," aniya kaya naman tumango ako.
"Sinong may birthday?" sunod kong pagtatanong.
"Ni isa ba sa sinabi ko ay wala kang pinakinggan?" iritable nitong sambit na tinanguan ko kaya napairap siya sa hangin. "Birthday ko," inis niyang sagot kaya naman napatayo ako. Napatingin sa akin ang lahat kaya naman dahan-dahan akong bumalik sa kinauupuan ko.
"Advance happy birthday," bati ko sa kaniya at nginitian siya, pero ibinalik ko agad ang atensyon ko sa libro kaya naman kinutusan nila akong lahat.
"Ah nga pala, ibig sabihin ba ay uuwi ka na sa bahay niyo mamaya?" tanong ni Erin na tinanguan naman ni Sieena.
"Kung ganu'n ay uuwi narin kami para makapaghanda," saad ni Tielo, habang ako ay walang-imik.
Ilang saglit lang ay tumunog na ang bell tanda na uwian na kaya naman iniligpit na namin ang aming gamit.
"Tielo, isama mo na si Erin sa pag-uwi. Maiiwan muna ako dahil ipapasa ko pa ito," habilin ko na tinanguan ni Tielo habang kumunot naman ang noo ni Erin.
"Edi sabay nalang tayong umuwi."
Umiling ako at nginitian siya. "Sumabay ka na kay Tielo para hindi sayang ang pamasahe."
Ngumiwi ito at hindi na nakasagot. Sumama na siya kay Tielo habang ako naman ay nagtungo sa faculty room upang ihatid ang natapos kong gawain sa aming guro. Marami kaming araw na naliban kaya naman humahabol kami, mas nahirapan ako dahil problema ko pa ang pagsusulat at pagbabasa, idagdag pa na lagi akong tinatamad.
"Aba, mabuti naman at natapos mo agad. Ganado ah," sambit ng aming guro kaya naman nginitian ko siya.
"Syempre po. Sige, mauna na po ako," turan ko at nagpaalam narin sa ibang mga guro na nasa loob.
Lumabas na ako at naglakad na palabas ng eskwelahan. Nadatnan kong wala na si Manong Bulldog at Principal, maging ang mga sasakyan nila kaya naman paniguradong sumabay na sila kila Tielo. Habang naghihintay ng masasakyan ay may humintong van sa harapan ko, at bumukas ang pinto nito. Agaran kong namataan sa loob si Wyatt kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob.
"Ngayon ka lang ulit lumabas sa bahay mo, kung ganu'n ay may araw ka ng napili?" tanong ko na tinanguan nito at napatingin sa akin.
"Bukas, sa kaarawan ng pinakamamahal niyang anak," tugon nito at suminghap. "Pero hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako. Hindi ko alam kung paano siya nagkaanak gayong nalaman kong baog siya."
Natigilan ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.
"Ibig sabihin ay hindi niya anak si Sieena?" Nagkibit-balikat lang ito. "Aish, sinabi ko na sa inyong kunin niyo si Simon dahil paniguradong may alam siya!"
"Sinubukan namin pero nakapasok na siya sa loob ng Lockwood kasama ang kasintahan niya, kaya naman wala na kaming nagawa. Alam mong kaya kong paikutin lahat ng tao dito, pero hindi ko na hawak sa loob," usal niya kaya naman suminghap ako at humalukipkip.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...