WARLOCK'S POV
"Pasensya na kung ngayon lang ako." Naupo ako sa isang silya at isinandal ang aking likod roon.
"Ang importante ay dumating ka," sagot ni Wyatt at inalok ako ng juice, kaya naman kinuha ko iyon at walang sabi-sabing ininom. Kilala ko siya. Hindi siya 'yung tipo ng tao na maglalagay ng kung ano-ano sa pagkain o inumin. Gusto niya ng madugong labanan at patas ang lahat.
"So, ano? Nagbago na ba ang isip mo?"
Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang baso na wala ng laman at mariing lumunok. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papano ay nakatulong ang juice na iyon na maibsan ang uhaw ko.
"Payag na ako. Ibabalik kita sa pagiging Mayor mo sa Lockwood, pero ibigay mo ng buo sa akin ang kasalukuyang Mayor nila roon," sagot ko na ikinangiti nito.
May dumating na katulong at sinalinan muli ng juice ang baso ko, kaya naman muli ko iyong ininom.
"Anong nangyari at nagbago ang isip mo? Paniguradong konektado ito sa babae mo," aniya at uminom sa baso niyang may laman na wine. Malamang ay alam niya ang ganitong bagay, gawain niya rin kaya ito.
"'Yung Mayor nila, muntik niya ng magahasa si Erin at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang iyon," malamig kong saad at ihinampas ang hawak kong baso sa kanto ng mesa, dahilan upang mabasag iyon at kumalat sa sahig ang mga bubog.
Natawa ito at sinenyasan ang katulong niya na linisin ang kalat na ginawa ko.
"Ayos, gumawa sila ng hakbang na ikapapahamak nila. Hayst, sulit rin pala ang matagal kong paghihintay."
Malamig kong tinignan si Wyatt at humalukipkip. "Magtakda ka ng araw na sisimulan iyon at darating agad ako."
"'Yan ang gusto ko sa'yo, hindi ka mahirap hanapin at madali kang kausap," usal pa nito at inilabas ang kaniyang cellphone. "Masyado pang maaga kung ngayon. Manatili ka muna bilang estudyante habang ihahanda ko palang ang tauhan natin."
Tumango naman ako sa naging sagot nito at nanatili muna roon. May binanggit na siya sa aking plano na pinakinggan ko ng maigi upang alam ko ang aking gagawin.
Hindi ko namalayan ang oras kaya naman gabi na ako nang makauwi sa bahay, at kutos agad ang ibinungad sa akin ni Erin.
"Saan ka galing at bakit kailangan mong umuwi ng ganitong oras?" bungad nitong sermon habang hila-hila ang ilong ko, kaya napipilitan akong sumunod sa kaniya.
"ARAY! Ahhh! Bitawan mo na ako!" reklamo ko kaya naman binitawan niya na ang ilong ko at hinarap ako. Napahawak ako sa aking ilong at nakahinga ng maluwag dahil nakakabit parin naman iyon kahit papano.
"Sabihin mo, saan ka galing?"
Napatingin ako kay Erin at nakita itong nakahalukipkip habang nakaharap sa akin, kaya naman patago akong ngumiwi at nag-isip ng idadahilan ko.
"Aish, umayos ka nga ng pagkakatayo," tangi kong wika. Hinampas nito ng malakas ang ulo ko kaya naman ngumiwi ako at napahawak roon.
"Saan ka galing?" pag-uulit nitong tanong kaya naman bumuntong-hininga ako.
Mula sa aking bulsa ay inilabas ko ang mamahaling kwintas at isinuot iyon sa kaniyang leeg. Niyakap ko ito mula sa likuran at ipinatong ang aking baba sa kaniyang balikat.
"Nag-isip ako ng pwedeng iregalo sa'yo kaya pinadeliver ko nalang 'yung bulaklak, 'yung cake, maging 'yung pagkain ni Sammy. Natagalan ako sa pamimili kaya naman ngayon lang ako," paglalambing ko sa kaniya at ipinikit ang aking mata. Patawarin mo ako, Erin, pero kailangan ko talagang magsinungaling sa'yo.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...