WARLOCK'S POV
Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso at agaran iyong tinungga. Narinig ko ang mga yabag na nagmumula sa likuran kaya naman hinarap ko ito. Naibuga ko mismo sa mukha niya ang tubig na nasa bibig ko nang makita ang hitsura ni Erin.
"Ahhh! Napakadugyot ko talaga!" inis nitong sigaw sa akin at pinunasan ang nabasa niyang mukha maging ang hindi pantay nitong bangs.
"G-grabe," usal ko at humaglapak sa tawa. "NAPAKAPANGIT MO!!!"
Suminghap ito at pinagsasabunot ang buhok ko, doon na naman kami nagsimula ng gulo.
"Hoy, tumigil na kayong dalawa."
Binitawan na namin ang isa't isa dahil sa paglabas ni Tielo. Inilapag nito sa ibabaw ng mesa ang isang bag at binuksan iyon.
"Teka, napakaraming baril niyan ah. Para naman kayong sasabak sa digmaan," hayag ni Erin.
"Sasabak naman talaga kami." Kumuha ako ng isang baril sabay isinuksok sa gilid ng sapatos ko.
"Ano?!"
Kumuha pa ako ng isa pang baril at ipinahawak iyon sa kaniya. "'Wag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako," anas ko pero hindi parin ito makapaniwala sa narinig niya.
Aangal pa sana siya pero hinila ko na siya palabas ng bahay at tumingin sa paligid. Walang katao-tao.
"Seryoso? Isang baril lang ang dadalhin natin?" impit nitong sermon sa akin kaya napatingin ako sa hawak niyang baril.
"Kapag nagsimula na ang laban ay magkakalat na ang mga baril sa daan. Pumulot ka nalang at gamitin mo. Magtipid ka dahil mahal ang mga baril rito."
Hindi na ito muling nagsalita, kaya naman tahimik na naming tinahak ang madilim na parte na hindi kalayuan sa kalsada upang alam namin kung saan kami tutungo.
"Hindi ba sasama sa atin si Tielo?" biglang tanong ni Erin.
"Sa kabilang partido siya. Huwag mo ng isipin ang mokong na 'yun dahil ilang labanan na ang pinagdaanan niya ngunit nakatayo parin siya," turan ko hanggang sa matanaw ko ang Mayor kasama ang ilang mga alagad niya kaya nakisali na kami sa kumpulan nila.
"ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY MAKIKITA SA TUWING MAY BARILAN! LUMABAN PARA SA MAYOR!"
Nagsigawan silang lahat at inulit-ulit iyon kasabay ng pagtaas nila ng hawak nilang baril.
"Anong klaseng kasabihan 'yan?" nakangiwing komento ni Erin.
"Hayaan mo silang magmukhang tanga at manood ka nalang," usal ko at napatingin sa kaniya. Inilahad ko sa kaniya ang palad ko na ikinataas ng kilay nito. "Hawakan mo para hindi ka mahiwalay sa akin."
"Siraulo ka ba? Ang sabihin mo, tumatyansing ka lang. Nasa kalagitnaan na nga tayo ng krisis pero umiiral parin 'yang kalandian mo," sumbat nito na nginiwian ko at ibinaba ang aking kamay.
"Edi 'wag. Madali naman akong kausap."
Inilabas ko ang baril ko at ikinasa na iyon.
"Paalam."
Matamis ko pa itong nginitian bago nakipagsiksikan upang makarating sa gitang bahagi. Binigyan ko siya ng pagkakataong manatili sa tabi ko upang maging ligtas siya, subalit umiral ang pagiging babae niya. Sana nga'y makaligtas siya rito.
Ilang saglit lang ay natahimik na ang paligid kaya pinakiramdaman naming lahat ito. Walang lumitaw na grupo ng mga Bise-Mayor, at mukhang wala na silang balak magpakita...siguro.
Naalarma ang lahat nang magsilitawan sa itaas ng mga gusali't bahay ang ilang mga tao, at doon lang namin napagtantong napapaligiran na nila kami. Isang napakadelikadong sitwasyon ito para sa grupo ko, dapat sa Bise-Mayor nalang ako umanib para hindi ako naiipit rito.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...