CHAPTER 23: Principal's House

78 19 1
                                    

WARLOCK'S POV

Ng dahil sa nangyari ay napilitan kaming magtungo sa bahay ng Principal, maging si Manong Bulldog ay sumama sa amin dahil wala narin siyang matitirhan, at wala siyang kasama.

"Wow, ang ganda," bulalas ko habang pinagmamasdan ang malaking bahay na nasa harapan ko.

"Meow."

Agaran akong napatingin sa hawak na bag ni Erin. Inialis ko ang kamay kong nakaakbay kay Sieena at binuksan ang bag ni Erin, kaya napatingin sa akin ang lahat.

"Sammy!" usal ko at agaran itong inilabas sa bag. "Namiss mo ba si Papa?" pagkakausap ko rito at sinamaan ng tingin si Erin. "Bakit mo naman inilagay sa bag si Sammy? Pa'no kung mamatay siya dahil wala siyang hangin na malalanghap sa loob?" sermon ko sa kaniya at lumayo na.

"Sinisira mo ba 'yung deal natin?" malamig na sambit sa akin ni Sieena kaya naman ngumiwi ako.

"Sorry na sa nagawa ko kagabi." Nagpacute ako sa kaniya, kaya naman wala itong nagawa kundi ang bumuntong-hininga sabay hinaplos ang balahibo ni Sammy, pero kinalmot siya nito kaya naman agaran siyang napaatras.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya na sininghalan nito.

"Aish, pasalamat ka at wala akong hawak na nakakamatay na bagay ngayon kung hindi ay kanina pa kita napatay."

Nagpeace sign nalang ako hanggang sa bumukas ang malaking pinto at lumabas ang isang magandang babae.

"Wow." Naglakad ako palapit sa kaniya upang harapin ito. "Amo ka po ba ng pangit naming Principal?" tanong ko pero bigla akong binatukan ni Tielo.

"Siraulo ka, siya 'yung Principal natin," bulong niya na ikinatigil ko at nanlaki ang mata.

Patay.

"Ah, sorry po sa nasabi ko. Hindi ko po alam na ikaw iyon. Bakit mo ba kasi itinago ang mukha mo, nalait tuloy kita," hayag ko na nginitian lang nito at hinaplos ang ulo ko, na agaran kong ikinatigil.

Ang haplos na ito. Ito ang haplos na nasa panaginip ko.

"Ayos lang. Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa lugar niyo," aniya at tinignan si Manong Bulldog at suminghap. "Bakit ba kasi mas pinili mo pang sumama sa siraulong lalaking 'yan?"

"Okay lang, siya naman ang tinamaan at hindi ako," tugon ko at nginitian ang Principal.

Ibinaba na nito ang kamay niya pero ramdam ko parin ang mahina niyang paghaplos sa aking buhok. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman siguro ako in love sa ganito katandang babae. Isa pa ay namomroblema pa ako kay Erin at Sieena, 'wag naman sana siyang dumagdag.

"Tara na sa loob at nang maihatid ko na kayo sa magiging kwarto niyo," aniya at pinangunahan ang daan, kaya naman sumunod na kaming lahat sa kaniya.

Gaya ng sinabi nito ay inihatid niya na kami sa kani-kaniya naming kwarto. Si Tielo at 'yung gwardiyang mukhang bulldog ay sa guestroom lang, habang sa isang kwarto naman magkasama si Erin at Sieena, habang ako?

"Woah." Halos matulala ako nang makita ang napakalawak na kwarto. "Dito talaga ang kwarto ko? Mag-isa lang ako dito?" hindi makapaniwala kong tanong, na tinanguan niya naman kaya humakbang na ako papasok. "Pinaghandaan mo ba ang pagpunta ko rito, o may ibang may-ari ng kwartong ito?" tanong ko ulit at naupo sa ibabaw ng kama. Natuwa ako dahil sa lambot at init nito.

"Ang totoo niyan, kwarto ito ng anak ko," sagot niya, kaya naman agaran akong umalis sa ibabaw ng kama at pinagpagan iyon. "Anong ginagawa mo?"

"Baka kasi magalit siya sa akin kapag ginulo ko ito." Hinipan ko pa iyon upang matanggal ang dumikit na alikabok, pero bigla nalang tumalon sa ibabaw ng kama si Sammy at nahiga roon.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon