CHAPTER 34: Revelation

71 15 0
                                    

WARLOCK'S POV

Tahimik lang ang paligid at pinapakiramdaman ang bawat panig. Isang maling galaw lang ay paniguradong aalingawngaw na ang mga putok ng baril.

"Warlock," puno ng diin na sambit ni Manong Bulldog, kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Nakipagsabwatan ka kay Wyatt?" pabulong nitong tanong sa akin.

"Hindi ko sila pwedeng kalabanin ng sabay kaya umanib ako sa isa," kampante kong sagot at natawa ng mahina. "Sa kaniya ang pwesto ng pagiging Mayor, sa akin naman ang buhay ng kasalukuyang Mayor."

Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang panga niya sa sobrang galit. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya dahil labas naman siya sa lugar namin.

"Wyatt," bulalas ng kasalukuyan naming Mayor at natawa ng mahina. "Buhay ka pa palang siraulo ka."

"Hindi mo ba alam na maraming buhay ang demonyo?" asumbat naman sa kaniya nito at natawa, gaya ng lagi niyang ginagawa, ang tumawa upang mang-asar o kahit na naasar na siya.

Sumunod naman na natawa ng Mayor namin at humalukipkip. "Tama, matagal daw mamatay ang masamang damo."

"Kung ako ay masamang damo, ikaw naman 'yung peste."

Umirap ako sa hangin dahil sa sumbatan nilang dalawa. Para silang mga bata. Nangangati na ang kamay ko na mapatay ang taong ito, kaya bakit hindi palang sila magsimula?

"Hindi ko alam kung birthday party ba ito o isang reunion."

Natigilan ako sa narinig at napatingin sa Mayor na nakatingin sa direksyon namin, sa tingin ko ay nakatingin siya kay Manong Bulldog. Nginitian niya pa ito kaya naman napatingin ako sa kaniya, masama lang siyang nakatingin sa Mayor.

Magkakilala sila?

Kung ganu'n ay konektado rin siya, at hindi lang ang Principal.

"Hayst, ang dami mo paring satsat," usal ni Wyatt at itinaas ang kaniyang kamay, kaya naman naghanda na ang mga tauhan niya. Kaniya-kaniya sila ng kasa ng hawak nilang mga baril at kulang nalang ang kalabitin ang gatilyo nu'n.

Isinarado nito ang kaniyang palad at nagsilitawan mula sa kung saan ang ilan pang kalalakihan. Pinaghahampas nila ang likuran ng mga gwardiya ng Mayor, at wala ni isa ang natirang gising. Napakatagal na pinaghandaan pero ganito lang ang kalalabasan, ayos narin iyon upang walang madamay na mga bisita.

Gulat na gulat ang Mayor sa nakita pero kahit na ganu'n ay nagawa pa rin nitong ngumisi. Mula sa kinatatayuan nila sa hagdan ay itinulak nito si Tielo, at hinila si Sieena sabay tinutukan niya ng baril ang sentido ng dalaga.

"Tielo!" sigaw ni Erin at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya.

"Dito ka lang. Kapag nagkataon ay magtago ka sa ilalim ng mesa," saad ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mata niya. "Ako na ang bahala kay Tielo. Hindi ko siya pababayaan. Magtiwala ka sa akin, okay?"

Tumango naman ito at pumikit.

"Mag-iingat ka."

Ngumiti ako at hinalikan ang kaniyang noo, sabay inabutan siya ng baril.

"Teka, pa'no mo naipasok ito?" gulat niyang tanong at agaran iyong itinago upang hindi makita ng iba.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang tricks ko," tangi kong sagot na ikinataas ng kaniyang kilay.

"Warlock, kung ano man ang binabalak mo ay 'wag mo ng ituloy," sabat ng Principal kaya naman napunta sa kaniya ang atensyon ko.

"Sino ka naman para pigilan ako?" sumbat ko na ikinasinghap nito.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon