WARLOCK'S POV
"Warlock, wake up."
Napaungol ako at mahigpit na niyakap ang katawan na nasa tabi ko. "Let's just stay in bed," tugon ko sa walang kabuhay-buhay na boses. Inaantok pa ako pero heto siya't nanggigising. Wala pa akong lakas para bumangon.
"Hoy, magluluto pa ako ng agahan mo."
Agad na nagmulat ang aking mata at bumungad ang pangit na mukha ni Erin, kaya agaran ko itong naitulak, dahilan upang mahulog siya sa ibabaw ng kama.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong at napatingin sa katawan ko, sabay tinakpan iyon ng kumot. "Nirape mo ako no?!"
"Aray ko." Bumangon ito mula sa kaniyang pagkakabagsak, at napahawak sa kaniyang likuran, sabay suminghap. "Anong nirape? Ikaw nga itong magdamag na nakayakap sa akin. Ikaw rin ang nagsabi na matulog sa tabi mo. Siraulo ka talaga," sermon niya sa akin at sinubukang tumayo pero hindi niya kaya.
Nilapitan ko ito at bigla siyang binuhat na ikinagulat niya.
"Hoy! Ibaba mo nga ako!" sigaw nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at dinala sa kusina. Pagkarating roon ay ibinaba ko na siya at pinagpagan ang aking kamay.
"Magluto ka na." Tinalikuran ko na siya pero muli ko itong hinarap. "Ah! Maghilamos ka muna, may tuyong laway ka pa sa pisngi," dagdag ko at naglakad na paalis.
Hihikab-hikab akong bumalik sa kwarto at muling ibinagsak ang aking katawan sa kama. Ipinikit ko ang aking mata pero ilang segundo lang ay iminulat ko iyon at napatingin sa kisame.
Kagabi.
Nag-usap kami tungkol sa buhay niya at natulog na. Pero 'yun lang ba ang nangyari? Ngumiwi ako nang makaisip ng malalaswang bagay na posibleng nangyari.
"Aish, ano ba?! Napakabastos ng isipan mo," sermon ko sa aking sarili, at pinaghahampas ang aking noo.
Hindi na ako nakabalik sa pagtulog ng dahil lang sa pag-iisip nu'n. Masyado pa akong bata para magahasa ng katulad niyang mukhang manang. Atsaka ang pangit niya. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok, hanggang sa dumating si Sammy at nahiga sa tiyan ko.
"Meow," usal nito at marahang kinalmot ang damit ko.
"Good morning, Sammy," bati ko rito at hinaplos ang malambot niyang balahibo. "Saan ka ba nagpunta kagabi? Bakit ka umalis? Kung hindi ka sana umalis ay hindi na ganu'n kadikit ang katawan namin," malambing kong panenermon sa kaniya.
Naglakad ito sa dibdib ko hanggang sa makalapit siya sa mukha ko. Bigla niya nalang dinilaan ang aking pisngi na ikinatawa ko. "Loko loko, manang-mana ka sa amo mo, rapist kayong pareho," saad ko at muling natawa sa muli niyang pagdila sa pisngi ko. "Hoy pusa! Hindi tayo talo!" tatawa-tawa kong sita sa kaniya.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan at iniluwa nu'n si Erin. Agaran naman itong natigilan nang makita ang posisyon namin ni Sammy.
"Warlock," anas nito na halos magsalubong na ang kilay na naglakad palapit sa amin. Binuhat nito si Sammy at sinamaan ako ng tingin. "Wala ka na bang mapatulang babae kaya pusa ko ang pinagdidiskitahan mo?" sermon nito sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya, at napa-iwas ng tingin kasabay ng pamumula ng aking mukha. Bakit iba ang naisip kong ibig sabihin ng pusa na tinutukoy niya?
"Namumula ka, ayos ka lang ba?"
Lumpit ito sa akin at sinalat ang noo ko. Iniangat ko nalang ang aking kamay upang takpan ang nag-iinit kong mukha na umaabot sa aking tainga.
"A-ayos lang ako."
"Sigurado ka? Patingin nga." Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakatakip ko sa aking mukha pero hindi ko hinayaang matanggal niya iyon.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...