WARLOCK'S POV
"Anong ginagawa mo?" taka kong tanong kay Erin nang simulan itong kunin ang mga baso namin, at inilipat ng pwesto.
"Bored ako kaya aayusin ko ang bahay niyo," sagot naman nito.
Pinabayaan ko nalang siya at uminom sa juice ko. Ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan kung saan naroon ang nakabukas na telebisyon. Naramdaman ko namang may pumatong sa hita ko at nakita si Sammy, buhay pa pala ang pusang 'to. Hinayaan ko nalang siya roon.
Nilagyan ko ng popcorn ang bibig ko at mabagal iyong nginuya, habang pinapanood isang kriminal na papatayin na ang bida sa drama. Maganda na ang pangyayari—pero bigla nalang lumitaw ang isang balita kaya naihagis ko sa ere ang popcorn at nagsibagsakan ang lahat ng iyon sa katawan ko.
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" sunod-sunod kong sigaw habang nagwawala at lumupasay pa sa sahig. Dahil rin sa ginawa ko ay tumakbo na palayo si Sammy.
"Oa," komento ni Erin na kadaraan lang.
Ngumiwi ako at kinuha ang remote. Akmang ililipat ko na iyon hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na pangalan, Wyatt.
Ibinaba ko ang remote at seryosong nakinig sa balita.
"Ngayong araw ay pinakawalan na si Wyatt Arevalo, dahil sa kakulangan ng ebidensya na nagpapatunay na isa siyang serial killer. Marami ang nagprotesta kaya naman nagkagulo at sampung mga sibilyan ang nasugatan..."
"Oh, bakit parang natigilan ka? Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni Erin na tinanguan ko ng hindi siya tinitignan.
Wyatt Arevalo.
Nakalaya na ang dating Mayor ng lugar na ito. Ang Mayor na pinakamasahol sa lahat. Isang malupit na Mayor na kahit na isang segundo ay hindi hahayaang magkaroon ng kapayapaan ang lugar na ito. Hindi lang iyon, pati ibang mga lugar ay kinakalaban niya.
Mukhang magiging masama ang mga susunod na araw kapag nakita ko siyang umaaligid sa lugar na ito.
"Ayos ka lang?"
Tumingala ako at nakita si Erin. Tumango naman ako at sinuklay paitaas ang aking buhok.
"Pero namumutla ka," ani pa niya at naupo sa tabi ko. Sinalat nito ang noo ko maging ang leeg ko, "hindi ka naman nilalagnat."
"Ayos lang ako, pero ikaw hindi," sagot ko at sa pagkakataong ito ay hinarap ko na siya. "Umalis ka na sa lugar na ito habang may oras pa. Bumalik ka na sa inyo o di kaya'y manirahan sa ibang bayan. Basta lumayo ka na rito."
Kumunot ang noo nito at humalukipkip.
"At bakit ko naman gagawin 'yun, aber?!" mataray nitong sambit.
Sininghapan ko siya hanggang sa may maisip akong paraan para mapalayas siya. Lumuhod ako sa kinauupuan kong sofa sabay hinarap ito. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya dahilan upang lumayo siya, pero humawak ako sa batok nito at inilapit siya sa akin.
"Lalayas ka o rereypin kita?" pananakot ko rito na ikinanlaki ng mata niya, pero kalaunan ay natawa ito.
"Hindi mo kaya," aniya at pinisil ang ilong ko. "Kahit na ano pa man ang dahilan mo ay mananatili ako. Nangako ako sa sarili ko na tuturuan kitang magbasa at magsulat, hindi lang iyon, hindi ba't sabay rin tayong mag-aaral ng kolehiyo? Tutuparin ko ang mga iyon kaya hindi ako aalis."
"Kahit na magkakaroon ng patayan sa lugar na ito? Mananatili ka parin?" tanong ko pa sa kaniya, na nakangiti niyang tinanguan sabay hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Kahit na bumaha pa ng dugo sa lugar na ito, at mga bangkay na ng tao ang tatapakan ko ay hindi ako aalis. Wala si Tielo, wala kang kasama rito. Alam ko ang pakiramdam ng mag-isa at ayokong maranasan mo 'yun," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...