CHAPTER 27: Bangungot

67 16 0
                                    

WARLOCK'S POV

Lumipas ang mga araw at maayos naman ang takbo ng lahat ng pangyayari. Para akong isang normal na estudyante na may abnormal na babaeng palaging kasama, si Erin. Hindi ako nahirapang gustuhin ulit siya, pero nahirapan ako sa parteng ligawan siya.

Naglakad palapit sa akin si Erin, agad akong sinalubong nito ng pamamatok niya kaya naman ngumiwi ako at napahawak sa aking ulo sa sobrang sakit.

"Ano ka ba naman?! Anong klaseng sagot ang sinabi mo roon?!" sermon nito sa akin na halatang galit na galit.

"Ang paalala mo sa akin ay sabihin ko ang gusto kong sabihin kaya ayun," pagpapainosente ko naman, na ikinataas ng kamay niya kaya naman ihinarang ko ang kamay ko, pero inapakan naman nito ang paa ko.

"Anong klaseng sagot iyon? I don't know what the question was talking about, but without a doubt, my answer is I DON'T KNOW. Aish, pinasasakit mo talaga ang ulo ko!"

Ngumuso nalang ako at lumapit sa kaniya sabay niyakap ito upang maglambing. "Sorry na. Wala akong maisip na sagot kanina kaya iyon ang nasabi ko," palusot ko at ipinatong ang aking baba sa balikat nito.

Bumuntong-hininga naman siya at tinapik ang likod ko. "Sorry rin kung nasaktan ko ang katawan mo at ang damdamin mo. Hindi ko inisip na ito ang unang beses kong sumali sa ganitong klaseng paligsahan, mas hinangad ko ang pagkapanalo kaysa intindihin ka."

Tumango-tango naman ako sa sinabi niya at ginamit ang oras na iyon upang makalusot. "Tama ka. Napakabait ko sa'yo at napatunayan ko ng hindi na ako mambababae o papatulan ulit si Sieena. Kaya...sagutin mo na ako." Pagbabakasali ko pero wala akong ibang natanggap sa kaniya kundi ang mariin niyang pagkurot sa likod ko.

"Hoy, itigil niyo na 'yang kalandian niyo at magtungo na sa backstage," sita sa amin ng isa naming kaklase, kaya naman naglakad na kami palabas habang panay ang pag-aalalay ko sa kaniya.

Nang tawagin na kaming mga kalahok sa paligsahan ay nagsilabasan na kaming lahat, at tumayo sa entablado. Kapwa kami nasa harapan ni Erin habang nasa tabi naman namin sina Tielo.

"Hindi ko akalaing magagawa ko ang bagay na ito sa buhay ko," bulong ko at sinulyapan si Tielo na napatingin rin sa akin.

Kapwa kami natawa dahil pareho naman kaming unang beses sa ganitong bagay.

Ilang saglit lang ay napatingin ako sa ibaba at nakitang may tumayong babae sa tapat namin. May inilabas ito mula sa kaniyang tagiliran at nanlaki ang mata ko nang makitang isa iyong baril. Itinutok niya iyon kay Erin kaya naman agaran ko itong niyakap.

Ramdam ko na may tumama sa likuran ko kasabay nang tilian ng lahat. Hindi doon natapos ang lahat dahil muling umalingawngaw ang malakas na pagputok ng baril hanggang sa tatlong bala na ang pakawalan nito.

"W-warlock."

Bumagsak ang aking katawan sa entablado kaya agad nila akong pinagkaguluhan. Rinig ko ang pagbigkas ni Erin sa pangalan ko pero hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Mabilis akong tinatakasan ng sarili kong lakas na kahit na anong gawin kong pagpigil ay hindi ito natitinag.

Hindi ko na kaya ito.

•|||•

"Ah! Walang magulang!"

"Mahirap ka lang."

"Inutil!"

"Salot ka!"

Ginulo ko ang aking buhok habang paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isipan ko. Mga boses na nagmula sa mapanlait na bibig ng mga tao. Mga taong hindi ako kilala pero grabe manghusga.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon