CHAPTER 21: Sweetness Overload

90 19 0
                                    

WARLOCK'S POV

"Pawisan ka ah."

Pinunasan ni Sieena ang tagaktak kong pawis, at inabutan ako ng tubig kaya naman agaran ko iyong ininom at hinabol ang aking hininga. Napakagulo ng eskwelahang ito, madalas ay nag-aaral kami, minsan may mga contest, at mayroon ring mga physical activity na pinapagawa. Hindi ko talaga matukoy kung ano ba talagang layunin ng mga iyon at bakit kailangang pa naming pag-aralan, pero ang pinakaipinagtataka ko ay kung ano ang kinalaman ng mga square root na 'yan sa pagbili namin ng asin.

"Ah, pagod na ako!" sigaw ko at ginawang unan ang hita nito, sabay nahiga sa kinauupuan naming damuhan.

"Sa tingin ko gumagana na ang relasyon natin," usal ni Sieena kaya naman tumingala ako upang tignan ang mukha nito.

"Aish, halos dalawang linggo na kaya tayong ganito kaya malamang gagana talaga," saad ko at inirapan siya, pero napangiwi ako at nag-peace sign sa kaniya, ayaw niya kasi nang iniirapan at baka tanggalin niya ang mga mata ko.

"Pero sa tingin ko ay nagkakamabutihan narin ang dalawa."

Napansin kong may tinitignan ito kaya naman napatingin ako roon, at natanaw si Tielo at Erin na nagtatawanan.

"Aish, hindi 'yan," sagot ko at ibinalik ang mga mata ko kay Sieena, sabay pinaglaruan ang dulo ng mahaba nitong buhok. "Atsaka 'wag mo na nga silang pakialaman. Hindi pa ba sapat ang kaguwapuhan ko sa'yo ha?" Tumawa ito at yumuko upang tignan ako.

"Nagseselos ka ba?"

Agaran akong bumangon at hinarap siya. "Ako? Magseselos? Kanino, saan, paano, kailan, bakit?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya na nginitian nito, at naglabas ng bubble gum. Binuksan niya iyon at inilagay sa bibig ko.

"Sabi ko nga hindi," aniya.

Suminghap nalang ako at nginuya iyon. Abala ako sa pagnamnam sa bubble ko ng bigla itong lumapit at hinalikan ako. Natigilan ako sa ginawa niya at mariing napalunok. Agad ko siyang naitulak at naubo dahil nalunok ko ang bubble gum.

"Bakit mo ba kasi ako hinahalikan dito? Alam mo bang ilang beses na tayong dinala sa Principal's Office dahil sa kahalayan mo?!" sermon ko sa kaniya, at hinampas ang sarili kong dibdib pero mas lalo lang akong naubo. Ramdam ko na bumara ito sa lalamunan ko, ayaw lumabas at ayaw ring pumasok. Inabutan niya ako ng tubig kaya naman kinuha ko iyon at dire-diretsong ininom, hanggang sa kumalma na ang pakiramdam ko.

Narinig namin ang pagring ng bell, tanda na uwian na kaya naman naghiwalay na kami upang linisin ang aming katawan, at nagpalit ng damit. Muli naman kaming nagkita sa labas ng gate ng eskwelahan upang sabay ring umuwi gaya ng nakasanayan.

"Bakit wala pa sila?" tanong nito sa kaniyang sarili at napatingin sa wristwatch niya.

"Warlock."

Napatingin ako kay Manong Bulldog nang hinihingal itong lumapit sa amin. Ipinakita nito ang phone niya, at nakita ang larawan ng mga gwardiya ni Sieena na patay na sa larawan.

"Papa? Opo ligtas po ako," rinig ko namang saad ni Sieena kaya napatingin ako sa kaniya. Napatingin naman ito sa akin at inabot ang phone niya, kaya kinuha ko iyon at itinapat sa tainga ko.

"Hello, Papa?" sagot ko at sinuklay paitaas ang aking buhok.

"Warlock, pwede bang bantayan mo muna ang anak ko? Diyan muna siya sa'yo manatili. Ipapadala ko nalang ang mga gamit niya," wika ng Mayor namin na siyang ama ni Sieena.

"Sige po." Saglit akong natigilan. "Nagkakagulo ba diyan? Dapat na ba akong umuwi?"

"Hindi. Mas kailangan ka ng anak ko diyan at mas ligtas kayo riyan. Hihigpitan ko na muna ang seguridad rito kaya walang makakalabas o makakapasok sa bayan natin. Mag-iingat kayong pareho."

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon