YB: There's one reader who predicted the happenings should we change-
A: No!
YB: How about we just let Kace and Coby-
A: *This person is unavailable in messenger*
3RD PERSON'S POVTuluyan ng lumubog ang araw. Ilang oras na ang lumipas mula nun pero hanggang ngayon ay umaasa pa ring naghihintay si Gun sa condo niya. Nakapako lang ang tingin niya sa pinto, umaasa na bubukas 'yon at darating ang taong hinihintay niya. Umaasa siya na siya ang piliin ni Coby.
Gun still can't move on about the fact that his shorty is still inlove with his twin and the image of them kissing breaks his heart everytime. That's why he took a break from everyone. He took a breather because the happenings has been suffocating him.
Kahit na malabo ay gusto niyang siya ang piliin ni Coby. Marami na silang napagdaanang dalawa. Nagkalimutan, nagkitang muli, nagmahalan, ipinaglayo at muli na namang pinagtagpo. Magkasama na sila since day one kaya hinihiling niya na sana kasama niya pa rin ito hanggang sa huling araw niya.
Pero sino nga ba siya para utusan si Coby na siya ang piliin? Hindi napag-uutusan ang puso kaya kung sakali mang si Kace ang gugustuhin nito na makasama ay magiging masaya nalang din siya.
Please come to me please…
Buong buhay niya ay ngayon lang niya naghangad ng sobra. He is Gunther Kurt Buenavista. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya kaagad pero sa pagkakataong 'to parang napakahirap makuha ng taong gusto niya.
Hindi mapakali si Gun at hindi maialis ang tingin sa nakasiradong pinto.
Tatlumpong minuto, isang oras, dalawang oras…
Nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi pa rin siya pinupuntahan ni Coby. Naghintay pa siya ng isang oras hanggang sa tuluyan na niyang tinanggap ang katotohanan.
Ang katotohanang hindi siya ang pinili ng taong mahal niya.
Muli niyang tiningnan ang orasan.
10: 35
"It looks like I'm not the one for him." huminga siya ng malalim, kinakausap ang sarili. "You don't have to be sad, Kurt. Like what Kace said, he wasn't yours from the very start." gumaralgal ang boses niya, pilit na pinipigilan ang luha niyang nagbabadya. "You've stolen him and now he's coming back to the person who originally owns him." napatungo siya sa nakatiklop niyang palad. "But why the fuck.." nanginginig ang muli niyang paghinga. "Why does it hurts this m-much..?" ang pamumuo ng luha niya ay hindi na niya napigilan. "I-It hurts.. I could d-die.."
Ilang minuto din siyang nasa ganong sitwasyon, nakaupo at nakatungo sa sofa. Pinipikit nalang ang nananakit niyang dibdib.
All the bullets that he received during his Dark Battles are nothing compared to the sharp knife that was hit and got stuck in his heart right at this moment. Gun knew that it will take more than a year for this wound to be healed.
He loves Coby so much. More than his own family, more than his own life. He could receive a thousand of bullets for him. Coby is not just his world but his entire universe. He knew it sounds cliche for some, but if you experience what true love really is, this cliche will all be meaningful to you.
I never imagined I could say this motherfucking nonsense things to myself but here I am..
Tumayo siya at dinala siya ng mga paa niya papunta sa kwarto ni Coby noon. Binuksan niya 'yon at bumati sakanya ang pikachu theme ng kwarto. Kahit saan ka lilingon ay puro kulay dilaw ang makikita mo.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...