Slight mature content ahead! 😉
COBY'S POV
Pagbukas ko sa mga mata ko ay kaagad kong naramdaman ang kakaibang sakit sa batok ko. Idinilat ko ang mga mata ako at lubos akong nagtaka nung puro itim lang ang nakikita ko. Ilang segundo ang lumipas at dun ko napagtantong may kung anong tela ang nakatakip sa mga mata ko.
Sinubukan ko ding ikilos ang mga kamay at paa ko at mas nadagdagan pa ang inis ko nung naramdaman kong pareho itong nakatali sa kalasukuyang kinauupuan ko.
Tangina sinong gago ang gumawa nito sakin?!
"Mukhang gising na siya, girls." nangunot ang noo ko nung makarinig ako ng boses ng isang babae.
"Finally, Gising na ang baklang si Rodriguez." ibang boses na naman ang narinig ko at galing na naman 'to sa isang babae. Narinig ko ang tatlong iba't ibang tawa.
"Sino kayo?! Bakit ako nandito?! Anong gagawin niyo sakin?!" galing ko ani. Nakarinig ako ng mga hakbang papunta sa gawi ko at bago pa ako makapagsalitang muli may kung sinong kamay ang sumabunot sa buhok ko dahilan para mapatingala ako.
Pakshet ang sakit nun!
"Tinatanong mo kung bakit ka nandito?" rinig kong sabi ng ikatlong boses ng babae. Galit ang tono niya na para bang may nagawa akong isang malaking kasalanan sakanya. "Inagawan mo lang naman ng minamahal si Aya! 'Yun ang dahilan kung bakit ka nandito!" marahas niyang binitawan ang ulo ko dahilan para mapadaing ako sa sakit.
Baliw ata 'tong mga babaeng 'to eh!
"Ano bang sinasabi niyong inagawan?" nagsalita ako. "Hindi ko inagawan ng minamahal 'yang Aya na sinasabi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung may dumapo na malakas na palad sa pisngi ko dahilan para tumabingi ang ulo ko.
Shet nakakadalawa na siya ah?!
"Kunwari ka pa!" ibang boses na naman ang narinig ko. "Kung hindi mo nilandi si Gun ay hanggang ngayon patuloy pa din ang paghahanap niya sa nawawala niyang girlfriend pero nung dumating ka itinigil na niya ang lahat ng paghahanap niya!" dagdag niya sa mismong mukha ko.
Hinahanap pala ni Baril si Aya? Nawawala ba 'yong babaeng 'yon para kailangan siyang hanapin? Tangina! Wala akong alam tungkol dun!
"Kasalanan ko bang pinatigil niya 'yon? Anong alam ko dun?" pilit kong hindi masyado lakasan ang boses ko dahil na in sa respeto ko sa mga babaeng 'to. Babae pa rin sila, lalake ako. Nirerespeto ang mga babae pero kapag lumagpas na sila sa linya ay baka mawala na 'yon.
"Hindi na importante kung alam mo hindi." rinig kong sabi ng ikatlong babae. "Ang tanging gagawin mo nalang ngayon ay hihiwalayan mo si Gun at walang pag aalinlangan ka naming papakawalan ng walang paghihirap pero kapag nagmatigas ka hindi ka namin papakawalan." banta niya pa.
Ganun ba talaga nila ka gusto si Aya para kay Baril na umabot pa sila sa punto na kailangan nila akong saktan? Lupet naman nila.
"Magdesisyon ka na, Rodriguez." sambit nung isang nagsabunot sakin kanina. Alam ko dahil na rin sa boses niya.
"Hindi ko siya hihiwalayan dahil lang gusto niyo." sambit ko ng walang pag-aalinlangan. Iniisip ko kasi yung mission na ibinigay niya sakin. Hindi ko pa tuluyang naisakatuparan 'yon. Nasa panganib ang kinabukasan ko. Ayokong isugal 'yon.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...