COBY'S POV
Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko pa ba si Baril at gawin ang mga bagay na nakasanayan ko pagkatapos kong maalala ang ginawa kong kagaguhan nung malasing ako sa party.
Nahihiya akong harapin siya pagkatapos ng ginawa kong paghalik sakanya nun. Mariin akong napapikit at napabuntonghininga.
Gago ka kasi Coby! Bakit mo ba kasi ginawa 'yon sakanya?! Bat mo siya hinalikan tangina!
Napapaisip din ako kung bakit hindi niya sinabi ang mga nangyari nung gabing 'yon. Himala na hindi niya ako inasar tungkol dun. Baka ang iniisip niya ay hindi ko naalala ang halik kaya hindi niya nalang sinabi.
Ngayon, ang tangi mong gagawin ay magpanggap na wala ka talagang naalala para hindi na rin maging akward.
Tama! Ang talino ko talaga!
Pinindot ko ang password niya sa condo at pumasok. Pagkatapos kong magluto ng sinangag, itlog at bacon ay naglakad ako papunta sa kwarto ni Baril para gisingin siya. Hindi na ako kumatok at nakita ko siyang himbing na himbing na natutulog sa kama. Lumapit ako sakanya at umupo sa gilid niya.
Ang amo amo ng mukha kapag natutulog tas paggising akala mo pinagsuklaban ng langit at lupa
Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya. Mula sa nakapikit na mata, papunta sa matangos niyang ilong hanggang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako. Naalala ko kung pano gumalaw ang mga 'yon sa labi ko.
Shit! Ano ba 'tong pinaggagawa ko!
Mabilis akong napabalikwas ng tayo nung unti unting dumilat ang mga mata niya at lumitaw na naman ang nakakaloko niyang ngisi.
"You're staring at me again." aniya gamit ang namamaos niyang boses. "Beware, you're gonna fall, shorty." umupo siya galing sa pagkakahiga at sumandal sa headboard.
"H-Huy Baril! Ang kapal kapal naman talaga niyang mukha mo! Bakit naman kita titigan ha?! Asa ka naman!" nauutal kong ani habang hindi mapakali kung saan titingin.
Nakita ko siyang nagkibit balikat at hindi napaniwala sa mga sinabi ko. Hindi siya sumagot at tumingin lang sakin habang hindi pa rin napapawi ang ngisi. Nagtss ako at binato siya ng unan. "I-Ikaw nga 'tong titig ng titig ,eh. B-Bumangon ka na diyan!"
Tangina Coby bakit ka na naman nauutal? Ano bang nangyayari sayo?! Nakakahiya putangina!
Walang lingon lingon akong dumiretso sa pinto at lumabas.
Hindi niya pwedeng malaman na na-aakwardan ako baka asarin na naman ko ng depungal na 'yon.
Nakita ko ang tatlo pang Dark Angel na nakaupo na sa mesa at hindi pa kumakain. Hinahantay yata ako.
"Magandang umaga Coby!" T-Rex
"Goodmorning ,cutie." InZane
"G'morning." Shawn.
"Goodmorning guys." bati ko naman sakanila pabalik at nagsimula na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Genç KurguMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...