WARNING: Mature scenes ahead! Skip the chapter if you're not open minded or it isn't your thing.
3RD PERSON'S POV
Lumalim ng lumalim ang gabi hanggang sa matapos ang party. Ang mga estudyante ay nagsiuwian na. May mga ngiti sakanilang mga labi at ang iilan ay mapupungay na ang mga mata. Hindi mo rin mabibilang sa kamay ang mga mag-aaral na lasing na inaalayaan ng mga kasama at kabilang na dun ang dalawang binata na sina Coby at Blake.
Hawak hawak ni Zane si Blake sa braso at inaalalayan itong tumayo. Malakas na ang tama ng alak sakanya dahil sa naging inuman nila ni Coby.
"I'll take him to the private room. Dun ko nalang siya ihahatid." ani Zane sa mga kaibigan pero bago pa man siya makahakbang ay hinarangan na siya ni Shawn.
"Ako na, Zane. I'll take him. You're a bit tipsy too baka mapano kayo sa daan papuntang private room." rekomenda niya. Hindi lang 'yon ang dahilan ni Shawn. Alam niya kung anong klaseng tao ang kaibigan niya baka hindi ito makapagpigil at may gawing masama sa lasing na si Blake.
Tiningnan ni Zane ang hawak hawak niyang si Blake na namumungay ang mga matang nakatingin sakanya. Nag-aalinlangan siyang ibigay ito pero wala na siyang nagawa nung kusa ng kinuha ni Shawn ang binata sakanyang pagkakahawak.
"Rex, you go take Caden to the Private Room, okay?" ani Shawn sa kaibigan at parang aso itong tumango.
"Ang sakit ng tiyan ko. Samahan mo muna ako sa CR, Rex." sabi ni Caden habang nakahawak sa kamay at napapangiwi.
"Ang dami mo kasing kinain. Akala mo naman mauubusan ,eh. Mag-isa kang pumunta dun." giit naman ni Rex.
"Sige na kasi! May mumu dun na nangangain ng tutut! Samahan mo na ako!" nakangusong ani Caden.
"Kalalake mong tao naniniwala ka sa mga ganun?"
"Malay mo ano.. Malay mo totoo."
"Walang ganun. Gawa gawa lang 'yon"
"Eh samaan mo nalang kasi ako!"
"Oo na oo na!"
Itinulak tulak ni Caden ang napapailing habang tumatawa na si Rex at pinanood lang sila ng kanilang mga kaibigan na lumayo.
Hinarap muli ni Shawn si Zane na hindi maalis alis ang tingin sa pumipikit pikit na si Blake."Gotta go now. Sumunod na kayo pagkatapos makipag usap kay CK." hindi na hinintay ni Shawng ang pagtango ng kaibigan at tumalikod na ito pero bago pa man makahakbang si Shawn ay pinigilan siya ni Zane.
"Take care of him." sambit ni Zane at bahagyang nagtaka naman si Shawn.
"Don't worry, I will."
Nagsimula ng maglakad si Shawn habang nakalagay sa batok niya ang kamay ng lasing na lasing na si Blake na nagsasalita ng kung ano ano na siya lang ang nakakaintindi.
Ano kayang pumasok sa isip nito at nagpakalasing?
Napailing na lamang si Shawn.
Binuksan niya ang isa sa limang kwarto ng makarating na sila sa Private Room. Dinala niya ito sa kwarto na pag mamay-ari niya. Isinara niya ang pinto at bago pa man siya makakilos ay bigla nalang siyang sinandal ni Blake sa nakasiradong pinto at marahas siyang hinalikan.
Itinulak ni Shawn si Blake at hinihingal itong nakatingin sakanya. Mapupungay ang kanyang mga mata at may luhang namuo dun.
"Ano bang iniisip mo ha, Blake? Are you insane?!" bulyaw nya rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ni Blake.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Novela JuvenilMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...