A/N;
Next chapter na pala talaga 'yong mature scene! Heheheh. Stay hooked Yobea'sCOBY'S POV
Kasalukuyan kong inaayos ang sarili ko habang nakatingin sa salamin dito sa kwarto ko. Naisuot ko na ang puting suit na napili ko kahapon. Bagay na bagay sakin ang suit ko.
Makakaattract ako ng chicks nito mamaya sa party! Ayos!
Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng buhok ko nung biglang tumawag ang Dean. Ngumiti ako nung maalala ko ang price na pinaka hihintay ko.
"Hello, Dean?" bati ko sakanya ng nakangiti.
"I can't believe that you actually succeeded the special mission, Coby. I'm more than happy seeing my son wearing a suit for a party in school for the very first time." halata sa boses ni Dean na masaya talaga siya sa dahil napagtagumpayan ko ang misyon na ibinigay niya. "Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang pinili ko."
"Oo naman, Dean. Wala akong hindi nagagawa." pabiro kong ani na may halong pagmamalaki. "Yung price ko po ah? 'wag niyong kakalimutan 'yon." pagpapaalala ko sakanya.
Kaya lang naman kasi ako ginanahan na gawin ang pinag-uutos niya dahil excited ako sa matatanggap kong premyo. "Matatanggap mo ang price mamayang gabi, Coby. I hope you will like it." napangiti ako. "Mag-enjoy kayo mamaya sa party ah? There will be lots of surprises." may nahimigan akong ibang pakiramdam sa huling sinabi niya pero hindi ko na 'yon binigyan pa ng pansin.
Pagkatapos makapagpaalam ay binaba ko na ang tawag. Habang inaayos ang tie na wala akong ka ideya ideya kung paano gawin ay biglang may kumatok sa pinto at sumilip.
Pumasok ang kuya ko na poging pogi rin sa suit niyang black suit na may white shirt sa loob at walang suot na tie. Bahagya siyang natawa nung makitang nahihirapan ako sa tie.
"Poging pogi ang datingan natin kuya ah?" biro ko sakanya nung lumapit siya at ayusin ang tie ko.
"Dati na akong pogi, Coby." aniya.
"oo nga naman. Saan pa ba naman ako magmamana kundi sayo." sambit ko naman at muli siyang natawa.
Pagkatapos niyang maiayos ang tie ko ay tiningnan niya ako ng may pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sakin ng ganoon.
"Kuya, hindi mo pa pinapakilala sakin 'yong girlfriend mo." ani ko para basagin ang katahimikan. "Ni pangalan hindi ko alam."
"Makikilala mo rin siya. Personal kitang ipapakilala kapag bumalik na siya dito sa Pilipinas." tumango tango ako sa sinabi niya.
"Pero kuya, paano si Ate Christy? Akala ko nung una siya 'yong jowa mo. Alam mo naman sigurong may gusto sayo yung tao 'di ba?" ani ko. Bukod kasi kay mama ay wala na akong makitang ibang babae sa buhay ni Kuya Ck kundi si Ate Christy lang na kaibigan niya mula noong pagkabata.
Nanlaki ang mga mata ni kuya at makikita mo rin sa mukha niya ang pagtataka. "'wag mo sabihing hindi mo alam?" kumurap kurap siya at hindi sumagot. "Hindi mo nga alam. Ang manhid mo Kuya. Magkaibigan na kayo mula nung pagkabata tapos hindi mo alam na may gusto siya sayo?" hindi makapaniwalang ani ko.
Ang tanga din ni kuya,eh. Ang manhid, parang bato
"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano ano. Guni guni mo lang 'yan, Coby."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Fiksi RemajaMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...