CHAPTER 2: Mission?

3.5K 192 28
                                    

COBY'S POV

Walang ka gana gana kong pinasok ang bahay naming walang ibang tao kundi ang Kuya ko. Kami nalang ang magkasama 
dito dahil ang mga magulang namin ay nasa ibang bansa. Inaasikaso at abala sa negosyo. 

"Oh bat ganyan ang mukha ng mahal kong kapatid?" sinalubong ako ni Kuya at kinuha niya ang bag ko.

Pagkatapos kong tanggalin ang sapatos ay kaagad akong sumalampak sa upuan kaharap ang lamesang may limpak limpak na pagkain na hinanda ng mga katulong.

"Tinatanong mo pa talaga ha, Kuya?" asik ko sakanya at natatawa itong umupo sa harap ko. "Iniwan mo ko kaninang umaga. Hindi ko pa kabisado ang napakalaking paaralan na 'yon. Muntik na akong maligaw." dagdag ko pa ng nakasimangot.

"Ang tagal mo kasing gumising." natatawa niyang dahilan. "Pero may tumulong naman sayong hanapin ang daan papuntang Dean's office diba?" tanong niya.

"Oo, meron. Mukha nga lang adik adik." napapailing siyang natatawa at nilagyan ng kanin ng plato ko.

Nagsimula na kami nagsimulang kumain.  "Pero Kuya ganoon ba talaga 'yong IUSA? Ang weweirdo ng mga tao." tanong ko habang inaalala ang mga ka weirduhang nangyari kanina.

"What do you mean weird, Coby? May mga nangyari ba kanina? May nakilala ka ba?" sunod sunod niyanh tanong. Hindi man niya ipahalata ay alam kong kinabahan siya. Nakatingin siya ng deretso sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Tumango ako na ikinalaki ng mata niya sa gulat. "M-Meron?"

"Hhm." tango kong muli. "May nakilala akong kaibigan. Blake daw pangalan niya." para siyang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag.

Pati si kuya naging weird na rin.

Habang kumakain ay patuloy pa rin ang pag-uusap namin. Nakwento niya rin sakin ang tungkol sa girlfriend niya. Nung una ay hindi ako makapaniwala na 'yong kuya kong walang ibang ginawa kundi mag-aral ay nagkajowa. Ang kilala ko lang kasing babae sa buhay niya maliban sa mama ko ay si Ate Christy na siyang bestfriend niya. Bukod dun ay wala na.

"May pumatol sa'yo, Kuya?" hindi makapaniwalang ani ko.

"Oo naman!" tango niya. "Sa gwapo kong 'to!"

Ngumiwi lang ako na ikinatawa niya.

Pagkatapos kumain ay nagpaalaman na akong pupunta na sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko ay isinalampak ko ang katawan sa kama. Nilagay ko ang dalawang kamay sa likod ng ulo para gawin itong unan.

Tumitig ako sa bubong at muling naala ang nangyaring usapan namin ni Dean kanina.

FLASHBACK..

"I have a mission for you, Coby."

Nanlaki ang mga mata ko.

Buong akala ko'y ipinatawag niya ako dito para pagalitan dahil inaway ko ang anak niya.

Bakit may pa mission mission na?

"Ano hong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong. "Anong mission po ba?"

"Ang patinuin ang Dark Angels." Nakangiti niyang sambit at naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko.

'Dark Angels? Isa pang korni 'to'

Tumayo ako galing sa pagkakaupo. "Pasensya na po, Dean pero hindi ko pa maisasagawa ang misyong sinasabi niyo. Pumunta ako rito sa paaralang 'to upang mag-aral at hindi para patinuin ang mga tinatawag niyong Dark Angels." Pranka kong sambit sakanya.

Tamad akong tao! Wala akong panahon sa mga misyon misyon! Ang gusto ko lang ay manood ng Pokemon buong araw!

Matunog siyang nagbuntonghininga at inabot ang kamay ko.

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon