Sorry for the delays Yobea's nagkasakit lang si author! Happy Reading 😘
COBY'S POV
"Can you be my boyfriend?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
A-Anong sabi n-niya? Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinanong niya ako kung pwede niya akong maging boyfriend?!
Hindi ko alam kung anong isasagot ko at nanatili akong nakatingin ng nanlalaki ang mga mata sakanya. Napatigil ako sa pagkain sa ice cream ko.
"A-Anong sinabi mo, Baril?" tanong ko sakanya dahil baka mali lang ako ng pagkakarinig.
Nagkibit balikat siya bago sumagot. "You heard me right." lumingon siya sakin at nakikita ko sa mga mata niya na seryoso talaga siya sa sinabi niya.
Tangina! Binabaliw na naman ako sa kakaisip ng walangyang bastardong 'to!
Huminga ako ng malalim at hinugot ang lahat ng lakas ng loob na meron sa sistema ko bago ako nagsalita. "Gusto mo ba ako, Baril?"
Dahil wala na talaga akong mahanap na ibang dahilan kung bakit gusto niya akong maging boyfriend kundi 'yon lang.
Parang may kung anong kurot akong naramdaman sa puso ko nung umiling siya. "No, why would I like you?"
Sabi ko na nga ba,eh! Bakit ka pa kasi nagtanong, Coby?! Tangina ka rin, eh. May saltik din ata ako. Tinanong ko pa 'yong obvious naman na!
"Tangina! kung ganun bakit mo ko gustong maging boyfriend ha?!" hindi ko na maiwasan na taasan siya ng boses.
Tumingin siya sa kung saan bago nagsalita. "Because I want to."
'Yon lang? Tangina niya!
"Tanginang dahilan 'yan, Baril!" angil ko naman.
"So what do you say, you'll agree to it?" tanong niya sakin sabay kuha ng ice cream ko. "The ice cream is melting." napamaang ako nung kinain niya 'yon. "What?" Inosente niyang tanong nung ayaw pa rin maalis ng gulat na tingin ko sakanya.
Tumikhim ako. "Bakit naman ako aagree na maging boyfriend mo ha?! Lalake ka, lalake ako. Hindi mo ko g-gusto... at hindi rin kita.. g-gusto.."
Tangina bakit pahina ng pahina 'yong tono ng pananalita mo, Coby?!
"Because we'll gonna have a deal." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Anong deal naman kaya ang sinasabi ng isang 'to? napapagod na ako sa mga deal deal na 'yan tapos ako 'yong lugi sa huli.
Malakas akong nagbuntonghininga. "Anong deal naman 'yan ha?! Siguraduhin mong hindi ako 'yong lugi diyang gago ka." angil ko pa.
Ngumisi naman siya. "Once you agree to be mine, I will do anything that you want me to do." sinimot niya ang ice cream ko at pati sa kadulo duluhan ng cone ay kinain niya.
Napaisip ako sa sinabi niyang kasunduan.
Pag pumayag ako na maging boyfriend niya lahat ng sasabihin ko ay gagawin niya?
Pumasok sa isipan ko ang misyon ni Dean na patinuin ang Dark Angels. Pwedeng pwede kong gamitin ang kasunduan na ibinigay ni Baril para mapasunod silang apat! Dahil base sa mga obserbasyon ko napapasunod ni Baril ang tatlo! Tamang tama! Sakto ang opurtunidad na 'to!
Pero ano nalang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang boyfriend ako ni Baril? Baka pagalitan ako ni Kuya. Baka kung ano nalang ang sabihin ng mga magulang ko. Sigurado naman akong suportado ako ni Caden at Blake pero papayag ba ako? Papayag ba ako na makipagrelasyon kay Baril samantalang alam kong hindi niya ako gusto at hindi ko rin naman yata siya gusto.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...