(For better reading please play the song on the media: Blue and Grey by BTS)
COBY'S POV
Tuluyan ng lumubog ang araw at bumati na ang kadiliman ngunit hanggang ngayon wala pa ring dumadating na Baril.
May pa sabi sabi pa siya ng I'll be there with you in less than a minute tapos ilang oras na ang lumipat at wala pa rin siya hanggang ngayon! Tangina lagi niya nalang talaga akong pinaghihintay!
Inilibot ko nalang ang aking paningin sa kabuuan ng park upang kahit papaano ay maaliw ang mga mata ko habang naghihintay. Nagkalat na ang mga magagandang lights. Nagsiuwian na ang mga naglalarong bata at nagsisidatingan na ang mga ka edad ko upang tumambay.
Ang atensyon ko'y napunta sa mga lalakeng nagkukumpulan at nagkakatuwaan sa malapit. Sa tiyansa ko ay mga highschool lamang sila. Ang maingay nilang pagbibiruan ay nakaani ng mga tingin mula sa mga tao.
"Uwaaaaahhhhh huhuhuhu." Sa gitna ng pagtitingin tingin ko ay may bigla akong narinig na umiiyak na bata. Sa katapat kong bench kung saan pinagigitnaan ng isang railway ay nakita ko ang isang bata na nakaupo at walang tigil ang pagtulo ng luha niya. Siya 'yong batang laging kasama ang kuya niya.
Si Charlie!
Kaagad akong lumapit at lumuhod sa harap niya upang makatapat ang kanyang mukha.
"Bakit ka umiiyak, Charlie?" Taka at nag-aalala kong tanong sabay hawak sa magkabila niyang balikat.Nasa lumuluha niyang mata ang kanyang isang kamay. "Si Kuya T-Tyson ko poooo huhuhuhu." Umiiyak niyang tugon.
"Bakit, Anong nangyari sa Kuya Tyson mo?" Kuryos kong tanong.
"Sumakay po s-siya ng aiypwane (airplane)" yumuyugyog ang kanyang mga balikat.
"Saan daw siya pupunta?" Tanong ko ulit.
"Sabi ni Mommy po... P-Pumunta daw po siya sa kwawds (clouds) huhuhuhu."
Nagitla ako ng konti, nagtataka.
"'Yon naman pala, eh. Pumunta lang naman pala siya sa clouds. Babalik din 'yong Kuya mo wag ka mag-alala." Malumanay kong saad sabay haplos sa likod niya.
"Ehhh kasii naman poo kasii ehh.." napalunok ako nung biglang mas lumakas ang paghikbi niya. "Sabi niya kasi po.. s-sabay kaming p-pupunta sa kwawds.. pero po.. pero sabi ni Mommy po.. hindi daw po kami kasya sa aiypwane po kaya si Kuya lang daw muna po.." mahaba niyang saad habang pinipilit na huminga sa gitna ng mabibigat niyang pag-iyak.
Mukhang pumunta sa ibang bansa ang Kuya niya.
Ba't ko alam? Binasa ko 'yong Wrong Love at the Wrong time! dejoke lang!
Gamit ang hinlalaki ko ay pinunasan ko ang mga pisngi niyang basang basa na dahil sa kanyang walang tigil na pagluha.
"Babalik din 'yong Kuya mo, Charlie. Hindi naman siya habang buhay na andun sa clouds,eh. Lab na lab ka ni Kuya Tyson ko kaya babalikan ka niya." Malumanay kong pagpapaintindi at dahan dahan naman siyang tumahan.
"T-Talaga po..?" Napuno ng pag-asa ang mga mata niya.
Ngumiti ako. "Talagang talaga." Tatango tango kong ani at bahagya siyang ngumiti pero kaagad namang 'yong mawala nung may biglang pumasok sa isip niya.
"Pero k-kasi po.. wala na pong makikipagplay sakin po..." Malungkot niyang saad, ng hindi na siya umiiyak.
Nag-isip ako.
Oo, nag-iisip din ako minsan 'noh!
"Wala ka bang ibang kapatid, Charlie?" Tanong ko na nakanguso niyang inilingan. "Eh ano.." nag-isip ulit ako, ubos na ubos braincells ko sa batang 'to. "Pero may mga pinsan ka ba?" Dahan dahan siyang tumango kaya nakahinga ako ng maluwag. "Meron naman pala,eh. Pwede mo silang yayain na makipagplay sa'yo."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...