COBY'S POV
Nagdaan ang tatlong linggo at paulit ulit lang ang ginagawa ko. Gigising ako ng maaga kasabay si Kuya CK magbreakfast, pupuntahan si Baril sa condo niya, gigisingin siya at pipiliting pumasok.
Nag improve na ang studies ni Baril dahil sa pagtatalak ko. Pinipilit ko siyang papasukin sa morning classes pero dahil hindi kami magkaklase sa period na before ng lunch time ay nababalitaan ko nalang na umalis siya ng university at pupunta sa kung saan. Ni hindi pa nga kami nagkakasabay kumain ng lunch.
Siguro ipagpapasalamat ko nalang na pumapasok siya ng umaga kesa naman lumiban ng buong araw. Pag 'yon ang nagyari sigurado akong tigok ako sa Dean.
Nabalitaan ko rin sa bulong bulungan ng mga estudyante ang pagkakaalis ni Mrs. Terius sa school dahil nalamang may sakit ito sa pag-iisip. Tama nga naman pala 'yong sinabi ni Baril noong araw na 'yon pero nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman.
Nabasa ko rin sa billboard ng school ang expulsion ng apat na 4th Year na mga estudyante at base sa mga pictures na isinama doon sa board ay alam kong sila 'yong mga lalake na muntik ng manrape sakin.
Sino kaya ang may gawa ng lahat ng 'to? Lupet naman niya.
Sa mga lumipas na araw ay nakikita ko ang pagbabago ni Baril. Hindi na siya kasing sungit nung una kong makilala. Nagagawa na rin niyang ngumisi. Minsan nalang siyang galit sakin. Papunta na 'yon sa ngiti. Kadalasan ay wala siyang pinapakitang emosyon ngunit may nababasa ako sa mga mata niya. Isang malaking improvement na din yon noh.
Tang-ina ang galing galing ko talaga!
Habang nakasakay ako sa elevator ng condo ni Gun para gisingin siya at gawin ang nakasanayan ko na ay biglang nagring ang phone ko.
Kinuha ko ito at tiningnan ang caller ID bago sinagot. "Napatawag po kayo Dean?"
"Ibinalita sakin ng mga subject teachers niyo na pumapasok na raw ang anak ko sa morning classes. That's a big improvement,Coby. Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang tahasan ng misyon. Congratulations." Napangiti ako sa sinabi ni Dean.
Ako nga rin ay masaya sa mga naging pagbabagong nangyayari kay Baril dahil sakin. Hindi ko nga alam kung bakit napapasunod ko siya. Dahil na rin siguro sa pagiging madaldal ko.
Tsaka namimilit ako eh!
"Thank you, Dean." Nakangiti kong sabi habang dahan dahan ng naglalakad sa hallway papunta sa condo ni Gun.
"But I also want to ask you a favor."
Favor? Tang-ina 'yan. Tinatamad ako.
"Ano po 'yun, Dean?" Magalang kong tanong at pilit na tinago ang pagdadabog sa boses ko.
"Every year, every last friday of June may nanaganap na Aquintance Party para sa mga students at ni isa sa mga party noong high school ay hindi dumalo ang Dark Angels, kahit isa sakanila."
Ayaw ngang pumasok sa school, ang umattend pa kaya ng party?
"Ano pong gustong niyong gawin ko doon?"
"I want you to make them attend the party, Coby. This is a special mission also and you will be given a price once you suceeded it."
Lumiwanag ang mukha ko sa sinabing 'yon ni Dean. Waahh! Gusto ko ng mga price price na 'yan!
"So are you in?"
"Yes Dean!" masigla kong sagot at hindi naitago ang excitement sa boses ko. Narinig ko naman siyang humalkhak sa kabilang linya.
"You're all hyped up now huh? Good luck to your mission,Coby."
"Thank you po." Huling sabi ko saka ko ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...