COBY'S POV
Lubos akong napahiya nung malaman ko na si Ate Gin pala ay nakakatandang kapatid ni Baril at ang sinasabing girlfriend ni Kuya.
Bakit ba hindi ko napansin 'yon?! Gin tsaka Gun. Magkatunog ang mga pangalan nilang dalawa. Tangina naman kasi Coby pinairal mo na naman 'yong kabobohan mo. Pumapangalawa ka naman kay Caden, eh!
Nasa living area kami ng mansion ng mga Buenavista. Nakatungo ako at nakatingin sa mga sapatos ko dahil wala akong lakas ng loob para tingnan sila sa mata dahil sa kahihiyang sinapit ko kanina. Pinagitnaan ako ni Kuya at ni Baril. Nandito rin sina Caden at Blake pati ang tatlo pang Dark Angels kasama si Ate Gin.
"Hindi lang para kay Ate Ginelle ang party na'to, Coby. Para din sa Dad nila 'to kaya lang hindi na gusto ni Tito na maisali pa." rinig kong pagpapaliwanag ni T-Rex.
Nanatilo naman akong nakatungo. "Me and CK are now in a relationship for almost two years now." sambit naman ni Ate Gin at sa kabila ng ginawa ko kanina malumanay pa rin ang pagkakasabi niya dun. Walang galit at hinanakit. "I can't believe you didn't tell him, babe." tukoy niya naman sa Kuya ko.
"I was planning to introduce you to him personally, babe but I forgot about it when I saw you. You're just so gorgeous." sambit naman ng Kuya ko. Nagawa pa talagang lumandi, eh.
"Stop it, CK." rinig kong ani naman ni Ate Gin na mahahalata sa boses na kinilig siya dun.
"Ang corny mo, CK." rinig kong sabi ni Zane.
"Hey, guys." may boses lalake ang biglang sumingit sa usapan dahilan para maiangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko at mapatayo.
Nakita ko ang isang lalake na nasa edad kwarenta na yata at kahawig na kahawig niya si Baril. Matamis ang ngiti niya at kasama niya si Dean.
Siya yata 'yong Dad ni Baril. Nakipag manly hug ang mga lalake kay Tito. Maliban saming tatlo nina Blake at Caden. Nakipagbeso beso naman ang iba kay Dean.
"Welcome Back, Tito." sambit naman ni Shawn.
"Long time no see gangsters." Sabi niya habang tinitingnan kami isa isa at nung mapunta sakin ang tingin niya ay mas naging malaki ang guhit sa labi niya.
"I bet you already heard or read about him, Dad." napalingon ako sa nagsalitang si Baril. "This is Coby Rodriguez, my boyfriend." dagdag ni Baril sabajy hila sa bewang ko.
"Hello po, Ako po si Coby." naglahad ako ng kamay sakanya at malugod niya naman 'yong tinanggap.
"I'm George Buenavista. I'm Ginelle and Gunther's Dad. Nice to see you ag- I mean nice to meet you, Coby." nangunot ang noo ko sa naging pag-utal niya pero hindi ko nalang 'yon binigyan ng pansin.
"I want to officially introduce myself." nabaling ang atensyon ko sa nakangiting babae sa gilid. "I'm Ginelle Kate Buenavista. I'm Gun's older sister and CK's girlfriend. Nice to meet you." nahihiya ko namang nilahad ang kamay ko at nakipagshake hands.
Kahit hindi ko pa lubos siyang kilala alam ko ng mabait ang girlfriend ni Kuya. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang pinila ng kapatid ko.
"Sorry talaga sa ginawa ko kanina, Ate." nakayuko kong sambit.
Dapat kang magsorry, Coby! Sa ginawa mo pa naman kanina! Ang kapal na nga ng mukha mo dahil nandito ka pa, eh!
"Hindi ko kasi talaga alam na girlfriend ka pala ni Kuya at kapatid ka ni Baril. Nagulat lang talaga ako. Sorry po talaga." dagdag ko ng may buong sinseridad.
"It's nothing, Coby. Naiintindihan naman kita, eh. No worries." ngumiti si Ate Gin sabay tapik sa balikat ko.
Ang bait talaga niya
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...