CHAPTER 32: Dark Prince

1.3K 114 30
                                    

COBY'S POV

"Oh my goodness he really is back, girls!"

"OMG! Bakit pa siya bumalik dito? We dont need him here"

"Yeah right. Ang peaceful na nating lahat. Everything is fine and Gun and Aya are doing fine too! His existence stresses me!"

"Alam mo ikaw teh ang OA mo! Stress ka kasi alam mong mas maganda siya sayo kahit lalake siya!"

Habang naglalakad kami papuntang canteen dinig na dinig ko ang mga usapan ng mga estudyante. Hindi na talaga 'yon mawawala pa.

Ano pa bang inaasahan ko, eh sadyang madami talagang chismosa dito!

"And for what I have heard sila na daw ni Rex?"

"Oh really bess? My god! Pagkatapos niya kay Gun kay Rex naman? He's disgusting."

Pagpapatuloy pa ng mga bulung bulungan hanggang sa makaupo kami sa isang table.

Ang dadaldal ng mga tangina hindi nalang binibigyang atensyon ang mga mukha nilang nakaka imbyerna!

"These bitches really need a slap on the face." galit ang mukha ni Blake habang nakatingin sa table ng mga babaen nakatingin samin. 

"Oo nga. Ansama sama ng sinasabi nila sayo, Coby." segundo naman ni Caden na tumitingin na sa counter na nasa malayo. 

"Hayaan mo nalang sila, Coby." sambit naman ng dinasaur na nasa tabi ko. "Wala lang ata silang magawa sa mga buhay nila. They're just jealous because you have me." napangiwi ako sa huli niyang sinabi. 

"Asa ka naman." ani ko na ikinatawa niya. 

"Bili na kami ng kakainin ah? Gutom na gutom na 'tong kaibigan mo." pagtutukoy niya kay Caden na agad nagliwanag ang mga mata. 

"Buti naisip mo 'yan, Roxy! Gutom na talaga ako." tugon ni Caden sabay hawak sa tiyan.

"Kailan ka ba nabusog, Caden?" pambabara ko pa sakanya na ikinanguso niya. 

"Ansama mo sakin, Coby." nakangusong reklamo niya.

"So is it really true?" biglaang tanong ni Blake sakin habang nasa counter na ang dalawa.

"Ang ano?" naguguluhan kong ani.

"Yong sinabi ni Rex na may relasyon kayo."

Napaisip ako sa sinabi niya. 

Sasabihin ko ba ang totoo kay Blake o 'wag nalang? Mapagkakatiwalaan naman ang isang 'to kaya sasabihan ko nalang siya.

"Tungkol dun.." binitin ko ang sagot ko. Lumingon lingon ako sa paligid at siniguradong walang tao. "Wala talaga kaming relasyon, Blake." pag amin ko na nagpamaang sakanya.

"Wala kayong relaysyon?!"

"Ay sige i-announce mo nalang sa buong school." sarkastikong ani ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya.

"Pasensya na." aniya nung mapagtango ang ginawa niyang pagsigaw. "Wala kayong relasyon?" pag-uulit niya ng pabulong.

"Oo nga." iritado kong sambit.

"Galing niyo naman umarte." natatawa niyang ani. "Eh para saan ba ang pagpapanggap niyo?" 

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam,eh." Naningkit ang mga mata niya na waring tinitingnan ako ng maigi. "Oh anong tinitingin tingin mo saking gago ka?"

"Aminin mo nga sakin, Coby." sumandal siya sa upuan sabay krus sa mga braso. "Hindi ka pa ba nakakapag move on kay Gun?" 

Tumawa ako ng malakas na naging dahilan ng pagtingin sakin ng ibang kumakain. "Ako? Hindi pa nakakapagmove on?" tumawa ako ulit "Kahibangan 'yan Blake. Bakit mo naman iisipin 'yan" 

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon