Since I don't want Rowzhi to wait until 3 AM here's the update Yobea's! Enjoy the pain- ay! I mean the chapter!
CK'S POV
After spending hours out in the carnival, we decided to spend the rest of the night in the party that Blake's parents hosted for their visitors. Pagkatapos kong ihatid si Ginelle sa room ay bumaba ako ulit upang makisali sa inuman.
"Punta na ako sa kwarto, T-Rex. Magpapahinga na ako." Paalam ni Coby sa gitna ng pag-iinuman namin.
Syempre pagkain lang sakaniya, hindi ko siya pinapayagang uminom.
"Are you okay, Coby?" nag-aalala kong tanong sabay hawak sa noo niya to check if he has a fever. Kanina ko pa din kasi napapansin ang pamumungay ng mata niya. It's as if he's in pain.
Tumango siya sa tanong ko. "Napagod lang yata ako, Kuya."
"Sige, hatid na kita sa kwarto." sambit naman ni T-Rex.
"Magpahinga ka na rin, Caden." biglang singit ni Zane. "Samahan mo na si Coby sa kwarto niya."
Ngumuso naman ang kausap niyang kasalukuyang kumakain. "Zone naman, kumakain pa ako,eh. Mamaya na" pagdadabog nito.
"Hindi ka pa nabusog sa mga pinabili mo sakin kanina?"
"Uy konti lang kaya pinabili ko 'noh. Grabe ka naman sakin.
"Go join Coby in the room. I'll buy you food promise."
Lumiwanag naman kaagad ang mukha ni Caden.
This boy do really love food.
"Sabi mo yan ah?" anito habang tumatayo na.
"Oo nga sige na." pagmamadali naman ni Zane.
I took a glimpse at Blake, Zane's boyfriend. Nakatungo lang siya at tahimik.
Pagkatapos guluhin ang buhok ng kapatid ko at makapagpaalam ay pumunta na sila sa hotel room. Ang nandito nalang ngayon sa table namin ay si Blake na pinagigitnaan ni Shawn at Zane. Tahimik lang silang tatlo.
I have a strange feeling about them.
BLAKE'S POV
Kanina pa kami hindi nagkakausap ng matino ni Zane. Nung nasa carnival kami kanina naging abala siya sa pagpapakain kay Caden. I even saw him smile to him, he even laugh. Nitong mga nakaraang araw, laughing and smiling seems so hard for him to do to me but he can easily do that to Caden.
I admit I'm jealous. I know I shouldn't be because Caden is my friend and he's not Zane's type but I just couldn't help it.
Nagpasalamat ako nung bumalik na si Rex. Hindi ko na kaya ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Panigurado akong may nararamdaman din si CK na mali sa aming tatlo kaya nanatili nalang din siyang tahimik.
Nagsimula silang mag-usap ni Rex at nakisabay kami ni Shawn pero nanatiling tahimik lang si Zane.
"We have some issues with our vocalist so I am inviting anyone in our crowd to sing with our band for tonight." napalingon kami sa host na nasa maliit na entablado na nasa mismong harap namin.
"Ikaw, Zane. Kanta ka." biglang ani CK na hawak ang isang baso ng alak.
"Hindi ako marunong kumanta, CK. Wag mo kong pinagtitripan diyan." natatawang ani naman ni Zanicus.
"Oh come on. Kanina ka pa tahimik diyan baka dumaldal ka na pagkatapos kumanta." biro ni CK.
"Oo nga, Zane. Isang kanta lang naman, eh. Gawin mo na para kay Blake." nagulat ako sa biglang sabi ni Rex. Nagtama ang tingin namin ni Zane at ngumiti siya. 'Yong may halong lungkot.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Fiksi RemajaMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...