A/N;
Happy Pride Month y'all!-YBA
COBY'S POV
Tingin ng tingin pa rin ang mga estudyante nung naglalakad ako, kasama sina Blake at Caden pati ang Dark Angels, sa hallway papunta sa parking lot. Walang tigil sa kakatalak si Caden kung gaano siya ka excited para bukas. First time niya yatang maka attend ng gantong party. Hindi na nakakapagtaka
Pagkatapos nung ganap sa swimming pool ay naging tahimik na ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng isang Gunther Kurt Buenavista sakin.
At hindi ko rin aakalain na gaganti ako sa halik niya! Putang-ina!
Ano ba kasing iniisip ko? Bakit ako nadarang sa halik niya? Ano bang meron dun? Dapat hindi ko na ginawa yon eh. Nakakahiya! lalake ako! lalake siya! straight ako! ayokong lumiko!
"You'll ride in my motor." Utos ni Baril sakin na nagpatigil sakin sa pagbukas ng pinto ng kotse ni Blake. Nakasakay na si Caden sa loob. Sina Shawn, Rex at Zane naman ay napatigil sa ginagawang pag susuot ng helmet.
"Hindi na." Tanggi ko na hindi lumilingon sakanya. Napahigpit ang kapit ko sa pinto ng kotse.
Ayokong makipagtalo sakanya ngayon. Hindi pa ako nakakarecover sa ginawa niyang paghalik sakin kanina. Nahihiya pa akong harapin siyang muli. "Mas safe ako rito, Baril. Hindi ako sanay sa pagsakay ng motor alam mo naman siguro--"
Natigil ako sa pagsasalita nung bigla niya akong hilahin sa braso, paharap sakanya. Sinalubong na naman ako ng walang ka emosyong emosyon niyang titig. "Ride or die." May diin at mabagal niyang ani sa mismong harap ko.
Hindi ko alam pero may kakaibang epekto sakin ng mga salitang 'yon. Sinabi niya ang mga salitang 'yon ng seryoso na seryoso at aaminin kong may kakaiba akong takot na naramdaman.
"S-Sige." Ang tanging nasabi ko.
Shet nautal pa!
Nilingon ko ang tatlong Dark Angels na kasalukuyan ng nakasakay sa kanya kanyang motor at binigyan nila ako ng tingin na parang nanghihingi sila ng paumanhin para sa inasta ni Baril.
Gaya ng nakasanayan na ay siya ang naglagay ng helmet ko at tinulungan akong makasakay. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at kusa niyang pinulupot ang mga 'yon sa bewang niya.
Inistart niya ang motor at pinainit ang makina nito at ganun din ang ginawa ng tatlo pa.
"Anong pang inaantay niyo!" Biglang sumilip si Caden sa bintana ng kotse ni Blake. "Excited na ako! Arat na!" hyper niyang ani at narinig kong tumawang napapailing ang tatlo. "Aray ko naman Blake!" Reklamo niya nung biglang inisarado pataas ni Blake ang bintana kung saan naipit ang leeg ni Caden. "Ba't mo naman ginanon? Masakit 'yon! Ansama mo!"
Nagtanguan ang tatlo saka sila naunang umalis. Sumunod kami ni Baril at huli naman ang kotse ni Blake.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Baril sa motor niya pero hindi na ako natakot pa dun. Nasanay na din siguro ako. "Your lips are sweet, shorty." Biglang ani Baril habang nasa daan kami na nagpakunot sa noo ko at nagpainit sa ulo ko. Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapadaing siya sa sakit.
"Gago ka talagang tang ina ka! Ano bang pumasok sa isip mo at bigla mo kong hinalikan kanina ha?!" Nagkaroon ako ng lakas ng loob na pag-usapan ang nangyari dahil na rin siguro sa inis ko sakanya.
Sino ba namang hindi maiinis kapag hinalikan ka ng kapwa mo lalake? Babae matatanggap ko pa!
"Well, I just felt the urge to kiss you." malandi niyang saad at kinurot ko na naman siya ulit. "Ouch! You're being a sadist again, shorty."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...