Happy 13k Reads! Last chapter lang nung mag 12k tayo! Da best talaga kayo! Thank you Yobea's! Enjoy Reading!
COBY'S POV
Pagkatapos ng biyahe namin sa himpapawid sakay ng private plane na pagmamay-ari nina Baril ay muli na naman kaming bumyahe sakay ng isang maliit na cruise ship. Wala kaming ibang kasama kundi ang captain ng barko at si Titus.
Wala akong ka alam alam kung saan ako dadalhin ni Baril. Basta ang alam ko ay nasa Palawan kami.
Pagkatapos naming mapagkasunduang lumayo kasama ang isa't isa ay nagpaalam kami sa mga magulang namin pero hindi sinabi ni Baril kung saan kami pupunta.
Syempre, gaya ng laging nangyayari, tutol si Kuya CK pero konting lambing lang ay kaagad naman siyang pumayag. Pinabaonan niya pa ako ng isang daang bilin na wala akong natatandaan kahit isa.
Payapa akong pinagmamasdan ang asul na dagat dito sa open-balcony ng barko. Napakasarap ng simoy ng hangin at napakalamig. Lahat ng mga problema at pagod mo ay kaagad na mawawala.
Huminga ako ng malalim.
Ito ang kailangan naming pahinga pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Sa gitna ng panonood ko sa mga alon ay bigla kong naramdaman ang dalawang kamay na kumapit sa bewang ko mula sa likod.
Sa amoy pa lang niya ay alam kong si Baril 'to. Pinatong niya ang baba niya sa ulo ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap niya sakin.
Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay na nakapulupot sakin at bahagyang sumandal sakanya.
"This feels nice." Halos pabulong niyang ani.
Ngumiti ako.
Ang malakas at malamig na hangin ay pinapasayaw ang buhok ko at ang suot kong floral na polo. Napakasarap sa pakiramdam.
"Should we just stay here in this cruise, shorty?" Maya maya'y tanong niya.
"Hindi pwede, Baril." Tanggi ko at bumusangot "Excited na nga ako sa pupuntahan natin,eh tapos gusto mo pang manatili dito."
"It's just I wanna be with you here all alone." Malambing niyang ani. Ngunit ang boses niyang 'yon ay biglang nagpalit ng tono. "And also to remake that scene in 365 days."
Malakas ko siyang siniko na bahagya niyang ikinadaing saka ko siya hinarap. "Baka nakakalimutan mong may kasama tayong dalawang tao dito! Kung ano ano na namang kalibogan ang naiisip mo, dyan! Tangina ka!"
Muli siyang humawak sa bewang ko at hinila ako palapit. "It's because it's been a couple of weeks since the last, shorty. I just.." humigpit ang kapit niya sa bewang ko at tumitig sa mga labi ko. Naging dahilan 'yon para atakihin ako ng hiya. Gamit ang nakakadarang niyang boses ay nagsalita siyang muli. "I just want my little sweetheart so badly.."
Ang mukha niya'y dahan dahan ng gumalaw papunta sakin. Bagaman, nadadarang ay nagawa kong pigilan ang dalawa niyang mga balikat. "Why?" puno ng pagkadismaya ang boses niya.
Lumunok ako at sumulyap sa paligid, tinitingnan ko kung may tao.
Mahirap na, baka makita kaming naghahalikan! Tangina, nakakahiya kapag nangyari 'yon!
"Hindi tayo mag-isa dito." Pilit kong nilabanan ang pag-uutal ko.
Lumitaw na naman ang pilyo niyang ngisi. Naramdaman ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa pisngi ko. "My pikachu is so cute when you blush."
"P-Pikachu ka diyan?!" Singhal ko with matching hindi mapigilang utal.
"Yeah, you're like pikachu. Cute, tiny but can electrecute everyone who tries to mess with you." Kinindatan niya ako. Naramdaman ko ang paglipat ng mga kamay niya mula sa bewang papunta sa likod ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...