COBY'S POV
Pagmulat ko sa mga mata ko ay wala na sa tabi ko ang taong yumakap sakin kagabi. Hinanap ng mga mata ko ang mukha niya pero nalibot nalang nito ang buong kwarto pero walang Baril akong nakita.
Nasaan na naman kaya ang bastardong 'yon?
Tiningnan ko ang wall clock na nasa dingding at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para hanapin siya at hindi naman ako nabigo nung makita ko ang bulto niya mula sa nakabukas na glass door ng veranda. Pinapasayaw ng hangin ang kurtinang nakasabit doon. Hinawi ko 'yon at nakisandal sa railings ng veranda habang humihithit ng sigarilyo.
"Nandito ka lang palang gago ka. Akala ko san ka na naman nagpunta ,eh." sambit ko sakanya habang pinapaypayan ang mga usok papalayo sa gawi ko dahil ambaho.
Nilingo niya ako at saka ngumisi. Bumuga isiya ng usok bago nagsalita. "Were you looking for me shorty?" may pambubuyo ang tono ng pananalita niya. "You really want to see me first thing in the morning,huh?"
"Ang aga aga inaasar mo na naman ako diyang gago ka. 'Wag mo kong simulan, Baril." pagbabanta ko sakanya na tinawanan niya lang ng marahan.
Sa halip na katakutan tinawanan lang ako! Tangina niya!
Katahimikan ang pumalibot samin sa iilang mga minuto. Nakatingin si Baril sa kawalan, sa mga puno na nakapalibot samin habang pinagpapatuloy ang paghihithit at wala akong ibang nagawa kundi tingnan siya.
Mukhang may malalim siyang iniisip. Ano naman kaya 'yon?
Nagpeke ako ng ubo at napagdesisyunang putulin ang katahimikan na pumapaligid samin."Lalim ng iniisip natin ah?"
Gaya ng inaasahan ay lumingon siya sakin. "How did you know? You dived into it?"
Minsan may pagkapilosopo din 'tong gangster na'to, eh
"Gusto mo ng batok, Baril?" pinakita ko sakanya ang palad kong handa ng batukan siya. Marahan siyang tumawa. 'Yong tawa na sakto lang. Hindi malakas, hindi rin mahina at masarap sa pandinig.
Matunog ang naging pagbuntonghininga niya tsaka nilagay ang yosi niya sa astray. "I'm just thinking about the movie that we watched last night."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano namang tungkol dun? Masaya naman 'yong ending ah? "
Sinandal niya ang likod niya sa railings habang nakatingin sa kawalan. "I don't really like the idea them forgetting everything and went back to the very beginning."
May kung ano akong nahihimigan sa mga salita niya. Para bang may malalim siyang pinanghuhugutan.
"Para din naman 'yon sa ikabubuti ng lahat, Baril." sambit ko. "Kinailangang alisin ni Mew at ni Mewtwo ang mga alala nilang lahat at ibalik sa simula para hindi na nila maalala pa 'yong masakit na nangyari." Pagpapaliwanag ko pa para naman gumaan 'yong pakiramdam niya.
Hindi ko inaasahang magiging ganito siya kalungkot dahil lang sa isang cartoon movie.
"But if you're the one to choose, shorty." tumingin siya mismo sa mga mata ko. "Would you want to just erase your memories in order to forget all the pain?"
Bakit naman kaya niya ako tinatanong ng ganitong klase ng tanong? Sagutin mo nalang Coby para maging ayos na ang bastardong 'yan.
"Kung ako siguro ang papipiliin." Binalik ko sakanya ang tingin ko at nakita ko ang mga mata niyang naghihintay ng sagot. Napakasarap titigan ng mga 'yon at hindi ko alam kung bakit ganun ang dulot na pakiramdam sakin.Binabaliw ako ng Buenavistang 'to. Malakas akong umiling sa isip ko at nag-isip ng isasagot sa tanong niya. "Katangahan man kuni88g isipin pero mas gugustuhin kong maalala ang sakit. Kasi diba ang magiging dahilan ng sakit na 'yon ay ang taong minamahal mo at kahit sinaktan man ako ng taong 'yon ay pinasaya din naman niya ako. May mga paghihirap man na nangyari ay hindi naman mawawala ang masasaya. Kaya ayokong makalimot dahil gusto kong manatili sa isip at puso ko ang masasaya naming alaalang dalawa."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Fiksi RemajaMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...