Happy Valentine's Day! Kaway kaway sa mga single diyan!
COBY'S POV
Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ang baril na nakatutok sa ulo ko. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko habang titig na titig ako sa parehong mukha nina Baril at Kace na punong puno ng pinaghalong dugo at pasa. Nangangamba namang nakapanood sakin sina Shawn, InZane at T-Rex.
"Put the gun down, shorty please.." rinig ko ang pagmamakaawa ni Baril habang umaakmang lalapit sakin. Kita ko sa mukha nilang dalawa ang kaba at takot sa maaring susunod kong gagawin.
"Schatzi, w-wag mong gagawin 'yan.." pagmamakaawa naman ni Kace.
"Pagod na a-ako.." mangiyak ngiyak kong sambit. "Pagod na akong makitang magsakripisyo para sakin ang lahat ng tao sa p-paligid ko. Wala akong ibang idinulot kundi gulo sa pamilya n-niyo.."
"Shorty, p-please.. don't say that-" Napunta ang tingin ko kay Baril. Nakaramdam ako ng sobrang guilt sa puso ko. Habang walang tigil siyang kakahanap sakin ay nakikipaghalikan ako sa kakambal niya.
"Mas lalo lang naging komplikado ang mga buhay niyo nung bumalik a-ako.." mahina lang ang pagsasalita ko pero sigurado akong naririnig hanggang sa mga pwesto nila. "Nagpapatayan kayo para makuha lang ako.." gumaralgal ang boses ko kasabay ng walang tigil na pagluha ko. "Sabihin niyo.. A-Ano bang meron sakin at kahit pagpapatayan ay kaya niyong gawin?!" nanatili silang dalawa na tahimik. Hindi makasalita. "Magkapatid kayong dalawa! Maayos ang buhay nating tatlo noon paano tayo napunta sa ganitong sitwasyon?! Bakit kailangan humantong pa sa ganito?!"
Ang nangangatog kong mga paa ay tuluyan ng nawalan ng lakas at napaupo ako sa buhangin. Hawak pa rin ang baril ay naitakip ko ang aking mga palad sa mukha ko at humagulgol ng humagulgol.
Hindi ko na alam anong gagawin ko. Ang komplikado kong buhay ay naging mas komplikado pa lalo na ngayong hindi ko alam kung sinong pipiliin ko sakanilang dalawa.
Patuloy pa rin ang pag-iyak ko kahit naririnig ko ang pag-ikot ng chopper at paglanding nito sa kung saan. Ilang segundo ang lumipas at rinig ko ang tumatakbong yabag ng kung sino papalapit sa gawi ko pero hindi ko nagawang tingalain ito hanggang sa makarating ito sa mismong harap ko.
"Coby!" mabilis niyang kinuha ang baril na nasa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. "Nag-alala ako ng todo sa'yo.."
Dahil sa tinig niyang 'yon ay parang mas naging lugmok ako. Yumakap ako sakanya pabalik at mas naging malakas ang pag-iyak ko. "K-Kuya.."
Naramdaman ko ang mainit niyang palad na humaplos sa likod ko. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko isang tao lang ang laging handang dumamay sakin. Sa lahat ng tao siya lang ang nakakaintindi sakin. Ang taong kailanman ay hindi ako iniwan. Ang taong laging inuuna ang kapakanan ko bago ang sarili niya. Napakaswerte ko sa kapatid kong 'to.
"Shhhh… Kuya's here… I'm here.. It'll be fine, Coby.." bumulong siya sa tenga ko para patahanin at pagaanin ang loob ko.
Ilang minutong naging ganoon lang ang posisyon. Walang ibang maririnig sa loob ng isla kundi ang paghagulgol ko at ang kalansing ng posas. Kung sino man ang pinosasan ay hindi ko na nagawang alamin pa. Dala ng pagkaubos ng lakas at ang panghihina ko ay unti-unti akong nakatulog.
….
"Kailan ba siya m-magigising, Blake?"
"Ano ka ba? Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo, Caden."
"Eh panong hindi ko maiiyak eh ayaw niyang gumising huhuhu."
"Sampung oras palang siyang tulog. Kung makaiyak ka diyan parang isang taon siyang nacoma,eh."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Novela JuvenilMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...