I cried while making this chapter so you should too! Char! Happy Reading! 😅
COBY'S POV
Pagkatapos kong ayusin ang sarili, punasan ang mga luha at ngumiti ay mabigat ang loob kong tinype ang password ng condo ni Baril at pinasok ito. Hindi na masyadong magulo ang condo gaya ng dati. Nakahinga ako ng maluwag.
Buti nalang hindi na naman siya nagkalat! Nakakapagod kaya maglinis nalang lagi
Nilibot ko ang paningin ko sa buong condo at nagbuntonghininga.
Baka eto na ang huling pagkakataon na makakapasok ako sa condo niya kaya lulubusin ko na.
Dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng mga ingredients sa ref at nagluto ng agahan para sa aming dalawa. Saming dalawa lang. Maaga akong pumunta dito para hindi kami maabutan ng tatlo. Gusto kong siyang masolo kahit ngayon lang.
Pagkatapos makapagluto ay pinuntahan ko na siya sa kwarto niya. Payapa siyang natutulog sa kama niya. Nagdadalawang isip pa tuloy ako kung gigisingin ko siya o hindi pero dahil wala akong hiya malakas ko siyang hinampas sa braso.
"Gising na Baril!" sigaw ko sa mismong tenga niya. Umungol siya sa sabay talikod sakin.
Aba ayaw talaga bumangon!
Marahas ko siyang hinawakan sa balikat at muling hinarap sakin. Nakapikit pa rin siya at bahagyang nakanguso ang labi.
Hindi na tulog ang tarantado!
"Oh, ano 'yang panguso nguso mo diyan ha?" nakangisi kong ani at nanatili siyang nakanguso pa rin.
"Kiss me and I'll be out from bed in no time." Namamaos ang boses niya.
"Tsss."
Naramdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko at pagliliparan ng mga paru-paru sa tiyan ko. Kahit ganun pa man ay nilapat ko ang labi ko sa labi niya. Isang simpleng lapat lang 'yon at nung subukan kong lumayo na ay hinawakan niya ang batok ko. At bago pa man ako makalayo ay naramdaman ko na ang malilikot niyang dila sa bibig ko. Naramdaman ko rin pati ang piercing niya sa dila.
Hinila niya ako sa bewang at pinagpalit ang posisyon naming dalawa at ako na ang nasa ibaba niya.
"You really like me kissing you, huh?" pang-aasar niya pa sakin pagkatapos niya akong halikan.
Nag-iwas ako ng tingin sakanya. "H-Hindi ko gusto noh. G-Ginawa ko lang 'yon para ano.." nag-isip ako ng rason at sumulyap sa nakakaasar niyang mukha. "'Wag mo nga ako tingnan ng ganyan." sabi ko sabay ismid sakanya.
"Why?" ngisi niya. "You fell inlove with this face though." aniya sabay hawak sa chin niya.
Tama nga naman siya.
"Tsaka 'diba sabi ko alisin mo lahat ng piercings mo? Bat may isa pa diyan sa dila mo ha?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Why would I remove this one? It's your favorite, sweetheart. Especially when we're kissing." mabilis ko siyang hinawakan sa noo at marahas na tinulak palayo. Tatawa tawa naman siyang nagpadala nalang.
"T-Tigilan mo ako diyang bastardo ka!" shet nautal pa. "Bilisan mo na at maligo ka na! Ang baho baho na ng hininga mo." ani ko at naglakad papunta sa pinto.
"It's not. And even if it is you still kissed me though. You even moaned." muli niyang pang aasar sakin at mabilis ko naman hinagis ang isang frame na nakita ko sa dingding pero tangina hindi pa siya nasapol.
"Tangina ka talagang gago ka!" buong galit kong sigaw sakanya. "Bilisan mo na diyang tarantado ka! Isa pa Baril at masasapak na talaga kita diyan!"
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...