Happy 9k Reads!
COBY'S POV
Isang linggo ang lumipas. Isang linggong wala akong ibang ginawa kundi mag-isip. Isang linggong halos hindi ako makatulog sa gabi. Isang linggong hanggang ngayon ay walang paramdam si Baril at hindi ko pa rin nakikita si Kace. Isang linggo na ang lumipas at hindi ko pa rin alam kung sino ang pipiliin sakanilang dalawa. Hindi ko sila pwedeng piliin pareho. Hindi ako pwedeng maging makasarili.
Nakaupo ako sa isang bench sa gitna ng park. Palubog na ang araw at nauubos na ang oras na ibinigay ni Kuya CK sakin. Naisandal ko ang dalawang siko sa tuhod ko at napahilamos ako sa sarili ko.
Sino bang pipiliin ko? 'Yong unang taong minahal ko? O 'yong pangalawang kailanma'y hindi ako iniwan?
"Hindi ko alam.." wala sa sarili kong sambit habang nakatungo. "Hindi ko na talaga alam.."
Ibinalik ko sa harap ang paningin ko nung may narinig akong nagsalita sa katapat na bench sa hindi kalayuan.
"Sige na Kuya Tyson magpose ka na." tinig 'yon ng isang batang may hawak na camera habang pinipilit ang Kuya niyang halata sa mukha ang hindi pag sang -ayon.
Sila 'yong dalawang batang nakipag-agawan namin ni Baril sa isang pikachu balloon dahil gusto niyang ibigay sa kapatid niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"I don't want to, Charlie. We don't need pictures." iritado namang tugon ng nakatatandang kapatid.
"Kailangan, Kuya. Para may memories tayo para sa pyuchur." pamimilit ng maliit na bata habang inaangat ang isang braso ng Kuya niya. Nakayukom ang kamao ni Tyson at itinaas naman ni Charlie ang hintuturo at gitnang daliri nito, paporma ng isang piece sign. "Ayaaann…"
Umismid ang nakatatanda at malakas na nagbuntonghininga. Hindi niya matitiis ang kapatid niya. "Basta bilisan mo ah? I look dumb in this pose."
"Hindi kaya.. ankyut mo nga Kuya,eh." ani naman ng isa saka umatras ng iilang hakbang at nilagay ang camera katapat ng kanyang mukha.
Click Click
Kasabay ng pagtunog ng camera ay ang pagflash din ng alaala naming tatlo dito sa parke, sa parehong bench na tinatanaw ko, sa kinauupuan ng dalawang bata.
Flashback..
"Here goes the ice cream!" malakas ang naging pagsigaw ni Kace at napatingin kami ni Aya sa kambal na papalapit na sa direksyon namin. May dala dala silang tig dadalawang ice cream sa magkabilang kamay. Makulay at hindi mapawi pawi ang ngiti ni Kace habang blanko lang ang mukha ni Baril.
Di naman halatang napipilitan lang siyang sumama.
"Para saking pinakamamahal.." inabot sakin ni Kace ang strawberry flavored ice cream sabay upo sa tabi ko.
"Thank you, Kace." nakangiti ding tugon ko.
Si Baril naman ay tahimik na inabot kay Aya ang isang dala niya.
Umismid ang babae kay Baril na bored na umupo.
"Nag-enjoy ako ngayong araw, Schatzi.." biglang nagsalita ang katabi ko at napunta sakanya ang atensyon ko. Nilagay niya ang braso niya papunta sa balikat ko at hinila ako palapit pa sakanya. "Matagal tagal na rin nung huli tayong nagdate."
"Ikaw kasi, eh. Lagi kang busy." kunwaring nagtatampong sambit ko.
"I'm sorry, Schatzi. Alam mo namang madami lang talaga akong inaasikaso 'di ba?" paghingi niya ng paumanhin sakin.
Ngumiti ako upang bawiin ang sinabi ko kanina. "Ano ka ba, ayos lang 'yon. Naiintindihan ko naman,eh." nag-iwas ako ng tingin. "Ba't kasi sa'yo pa pimanage ang isa niyong branch sa Germany? Madami naman ata kayong tauhan na pwedeng utusan, eh. O 'di kaya 'yang walang silbing kakambal mo." masama kong nilingon ang parang walang buhay na si Baril na tahimik lang na kumakain. Nung mapansin niya ang pagsulyap ko ay tinaas niya ang dalawang kilay niya.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...