CHAPTER 42: First

1.4K 112 36
                                    

Sorry for keeping you all waiting! Nagkasakit at naging busy lang. Enjoy this chapter

SOMEONE'S POV

 "The gangs and mafia are in a complete chaos, boss. Pinaghahanap nila ang salarin sa nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Ano ho ang gagawin natin?"

While I'm busy holding my binoculars here inside a hotel building, eyeing the near hospital room where the love of my life is currently at, one of my men suddenly barged in and disturbed my sight seeing. 

"Are the Maniacs still in the place we provided for them?" tanong ko sakanya sabay upo sa mahabang sofa.

The Maniacs are the gang we hired together with the drug lords, Brandt and Stein for the conspiracy that we did two years ago. 

"Yes, boss. Doon pa rin sila umuuwi at nagsistay. Walang may alam ng lugar na 'yon kaya kampante ho tayo." sagot niya. 

"Lead the Buenavistas to them." utos ko na ikinakunot ng noo niya 

"Ano boss?" Hindi siya makapaniwala.

"You heard what you heard. I don't need those stupid minions anymore. They're waste of money." wika ko. 

"Pero paano kapag ilaglag tayo ng mga 'yon, boss?"

I smirked. "By now, the Buenavistas probably know that it's me. Hindi na nila kailangan pa tayong ilaglag." 

"We'll get in trouble, boss." 

Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng sofa. "We won't. Just trust me. I am the Dark Emperor, Martin. Baka nakakalimutan mo." 

"My apologies, boss." yumuko siya bilang pagpapaumanhin. "I'll go ahead and do what you've commanded me." 

Tumango ako bilang sagot. He head to the door and exited without looking back at me. 

I continued what I did earlier.

Coby is sitting on the hospital while talking to a doctor that I predict to be a physichologist. He's trying to cope with the trauma that I've caused him.

I hate myself for doing that to him but I had no choice back then. My heart breaks everytime I remember his scream and cries. The beggings that haunt me every night. I'm such a fool for hurting the person I love. 

Konting tiis nalang at makukuha na kita ulit. Wait for me. I'm taking you back,  Scahtzi..


CK'S POV

Grandpa Maximus Buenavista hired the best pyschologist for Coby. Mom, Dad, Tito Karen and Tito George never left Coby's hospital room to assist him while the Comet Knights, Dark Angels and Magnus' mafia are still in the search. 

Hanggang ngayon hindi pa rin nag-iimprove ang kalagayan ni Coby. Lagi pa rin siyang balisa, takot. Sumisigaw at umiiyak nalang bigla. Nagwawala siya at umabot pa sa puntong sinasaktan na niya ang sarili niya. Lagi namang nakaalarma ang mga Doctor at agad naman nilang tinuturukan ng pampakalma si Coby kapag nangyayari 'yon.

Sa tuwing gumigising siya tuwing umaga, ayaw niyang kumain at hindi siya umiimik. Sa tuwing kinakausap naman siya ng mga Pyschologist ay tipid lang ang mga nagiging sagot niya at minsa'y tumatango lang. Hindi mo alam kung nakikinig ba siya o hindi. 

Ni ako ay hindi na niya nagawang kausapin pa. Sa tuwing nagtatanong ako ay parang wala siyang naririnig at tumutunganga lang. 

Noong isang gabi nga nung makatulog ako habang nagbabantay sakanya ay nagising nalang ako na duguan na ang mga pulsuhan niya. Sinubukan niyang patayin ang sarili niya gamit ang syringe. Sa sobrang pag-alala ko ay hindi ko siya napigilang sigawan ng todo na iniyakan niya ng ilang oras.

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon