Welcome 2021 and Happy 6k Reads!
COBY'S POV
Nanginginig man ang buong sistema ko ay nagawa kong tumayo muli. Naghanap ako ng orasan at hindi naman ako nabigo nung may nakita ako malapit sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko nung makita ko kung anong oras na. 5:55 na ng hapon, limang minuto nalang at aalis na si Baril at hindi ko na siya makikitang muli.
Hindi na ako nag-alinlangan pa at dali dali akong lumabas ng condo saka sumakay sa elevator pababa. Halos magkanda dapa dapa na ako sa daan papunta sa mainroad.
Please, Baril hintayin mo ko.. papunta na ako sa'yo…
Kaagad akong sumakay nung may tumigil na taxi sa harap ko.
"Sa airport po tayo, manong." hinihingal kong utos sa driver.
"Kapit ng mabuti, iho. Magpapaturbo tayo." pamilyar sakin ang boses ng driver. Tiningnan ko siya at hindi nga ako nagkamali ng hinala.
"Manong driver?!" hindi ko makapaniwalang ani.
Siya 'yong lagi kong nasasakyan sa tuwing nagmamadali ako at ngayong naalala ko na ang lahat, hindi lang siya isang ordinaryong taxi driver, siya ang personal driver ni Baril noon.
Mabilis ang naging pagmamaneho niya at ganun pa man ay nagawa niya akong silipin sa rearview sabay ngiti.
"Sa tingin ko'y bumalik na ang iyong alaala, iho." nakangiti niyang ani at kita mo sakanya ang saya at tuwa.
"Opo, manong. Ngayon pa kung kailan paalis na si Baril ng Pilipinas." nangangamba kong ani.
Nagawa niyang magovertake sa mga kotseng mabilis din ang pagpapatakbo.
Bilib din ako sa driving skills ni manong.
"Wag kang mag-alala, iho. Maabutan pa natin siya. Kapit ng mabuti." ginawa ko ang sinabi niya at kumapit ako sa seatbelt na nakasuot sakin.
Ilang mga traffic lights pa ang nilabag ni Manong at nangamba ako nung narinig ko na ang sirena ng mga pulis. Pinapatigil kami dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng taxi.
Tangina, bakit ngayon pa?!
Hindi natinag si manong at pinagpatuloy niya ang pagdadrive hanggang sa makarating na kami sa harap ng airport.
"Puntahan mo na ang Dark Prince, iho. Lubos akong natutuwa dahil sa wakas ay magkakasama na kayo." hindi pa rin nawawala ang kanyang mga ngiti.
Tumango naman kaagad ako. "Salamat ho." buong sinseridad kong ani at mabilis akong lumabas.
Rinig ko ang palapit na sirena, sinyales na parating na ang mga pulis. Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at kaagad akong pumasok sa loob.
Punong puno ng mga tao ang airport na may dalang kanya kanyang bag at maleta. Iba-iba ang kanilang nilalakad na direksyon at dahil hindi ako pinagpala ng katangkaran ay nahirapan akong hanapin si Baril sakanila. Tumakbo ako papunta sa terminal.
"Ano ba 'yan!"
"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!"
"Bulag ka ba?!"
Ilang tao na ang nabundol ko. Ang mga dala nila'y nahuhulog pero hindi ko sila nagagawang tulungan at humihingi nalang ako ng paumanhin saka umaalis na kaagad.
Nung makarating ako sa harap ng terminal ay hinarangan ako ng dalawang guard.
"Nasaan po ang ticket at passport niyo?" tanong nito sakin.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...