BLAKE'S POV
"How was your vacation, everyone? Did you have fun?"
"Bitin Ma'am!"
"Kulang pa po!"
"Extend! Extend! Extend!"
Nasa official room kami at dahil unang araw ng panibagong semester ay hindi pa muna nagleksyon ang teacher namin. She is just asking us what happened during our long vacation and stuff.
Hindi ko mapigilang mapalingon sa likod kung nasaan ang apat na Dark Angels na nakikisabay lang sa trip ng iba habang tahimik lang si Gun na nakatingin sa kawalan. Napaiwas kaagad ako ng tingin nung magtama ang mga mata namin ni Zane.
Naalala ko tuloy 'yong nangyari samin sa resort isang gabi.
Flashback..
"Baba muna ako guys. Gonna get some air." sambit ko sa dalawa kong kasamahan sa kwarto at dumiretso na sa pintuan.
"Bakit? Wala bang air dito sa kwarto natin, Coby?"
"Bobo, meron! Pag ganun ang sinabi ng isang tao gusto niyang mapag-isa tas makapag-isip isip ganun!"
"Ahhh ganun pala 'yon? Pero bat hindi niya nalang sabihin ng diretso na gusto niyang mapag-isa?"
"Ewan ko sayo, Caden! Nakakabobo ka na rin minsan, eh."
Napailing nalang ako habang naririnig ang usapan nila habang papalabas ako. I should go back immediately 'cause Caden will be beaten up in no time if I left him with Coby.
Pumunta ako sa maliit na garden na meron ang guest house at umupo sa bench doon. Tahimik na ang paligid at ang liwanag ng buwan at sa isan light pole ang nagsisilbing liwanag ko sa dilim. Napapikit ako nung dumaan ang sariwang hangin.
This feels nice…
"Bakit mag-isa ka lang dito?" napadilat ako kaagad nung may marinig akong boses. Mabilis ang naging paglingon ko kay Shawn.
"Kasi wala akong kasama?" sarkastiko kong ani na naging dahilan ng bahagyang pagtawa niya.
"Ngayon, hindi ka na mag-isa. Nandito na ako." nakangiti niyang bati na para bang isang malaking bagay 'yon.
"Wow, Thank you ah? Laki mong tulong." napailing nalang ako at muli nalang tumingin sa buwan na pinalilibutan ng mga bituin.
Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa gitna naming dalawa hanggang muli siyang nagsalita. "I'm worried about Gun and Coby's relationship." nilingon ko siya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Gun is still not over Aya but there he goes, being in a serious relationship with your friend." naging matunong ang naging pagbuntonghininga niya. "I just don't want them to suffer more damage once Aya came back."
You're wrong, Shawn. Really wrong..
"Wag mo na sila problemahin." sambit ko. "Just let them be with each other for as long as they want 'cause we don't know when will the destiny tear them apart again." wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa harap. "And Gun's Aya already came back."
"Anong ibig mong sabihin, Blake?" nanlaki ang mga mata ko nung ma realize ko ang mga sinabi ko.
Loko ka Blake! Bakit mo nasabi 'yon?
Magkadugtong ang mga kilay na nakatingin sakin si Shawn. "Ang ibig ko sabihin umalis ka na, gusto ko mapag-isa." pagsisinungaling ko pa sabay ismid sakanya.
Ang mga kilay ko naman ang nagdugtong nung tumawa siya. "You act like a lady on her period, Blake."
"Anong sabi mo?!" may paghahamon sa boses ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Novela JuvenilMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...