COBY'S POV
Umaga na at pauwi na kami sa guest house kung saan nandun din ang iba naming mga kasama. Buhat buhat ako ni Baril kasi hindi ko magawang maglakad dahil sa nangyari kagabi.
Pakshet ka Coby! Ba't ginawa mo 'yon kagabi? Bakit mo sinabi ang mga salitang 'yon?! Talagang nababaliw ka na,eh! Nakakahiya!
Buhat ako ni Baril sa paraang kung saan ako komportable. Nakalagay ang mga kamay ko sa leeg niya, nakasandal ang ulo ko sa balikat niya, nakapulopot ang dalawa kong paa sa bewang niya at nakalagay ang dalawang kamay niya sa hita ko para d ako mahulog. Piggy Front Ride ata 'to!
Naiimagine niyo? Kung hindi wala akong pake! Problema niyo na 'yan. Tangina kayo!
Panay ang tingin ng mga tao habang dumadaan kami pero wala din akong pake!
Sa daan namin biglang nagsalita si Baril. "Does it still hurt, shorty?"
Sumama ang mukha ko sa tanong niya. "Tinatanong mo pa talagang tarantado ka. Kasalanan mo 'to, eh!" naiinis kong sabi sakanya habang hindi pa rin inaalis ang pagkasandal ng ulo ko sa balikat niya.
Tumawa siya ng marahan."You begged me to do it, Sweetheart."
'Yan na naman 'yong Sweetheart niya pero oo nga naman. Ako nagsabi na gawin. Tangina naman kasi nabaliw lang ako kagabi.
Biglang uminit ang magkabila kong pisngi. "H-Hindi mo kasi dinahan dahan, eh."
Tangina! Pag-uusapan ba talaga namin 'yong nangyari kagabi?!
"I was gentle last night, shorty." sabi niya ket hindi naman. Pinasok nga niya ng malakas,eh! Tas ang laki pa! Sinong hindi masasaktan dun! "Face me, sweetheart." utos niya at kaagad naman akong sumunod.
Tumigil siya sa paglalakad saka tiningnan ang kabuuan ng mukha ko at ngumiti. Nakakatunaw ang mga titig niya.
"B-Bakit, Baril?"
Lumaki 'yong ngiti niya. "You're so cute when you're blushing, sweetheart." nanlaki ang mga mata ko nung bigla niya akong hinalikan. Isang mabilis na dampi lang 'yon pero nakakagulat pa rin.
"B-Baril maraming tao dito." sabi ko sakanya habang tumitingin sa mga taong nasa samin ang tingin.
He smirked. "I don't care." ngumiwi ako sa sagot niya.
Oo nga naman. Nakakalimutan ko palang isang Buenavista 'tong kausap ko. Isang dakilang Buenavista na walang pakialam sa mundo.
"Coby!" May narinig akong tinig sa kung saan kaya mabilis akong umalis mula sa pagkakabuhat ni Baril at napangiwi ako nung maramdaman ko ang sakit sa likod ko.
Nakakamatay 'yong sakit tangina!
Mabilis namang umalalay si Baril sakin habang naglalakad kami papalapit sa tumatakbo,ng sina Coby at Blake.
"Kagabi ka pa namin hinahanap 'tol. Saan ka ba-" nilingon niya si Baril bago nagpatuloy. "Saan ba kayo galing?" nag-aalalang sabi niya.
"Oo nga, Coby. Kanina ko pa nga tinatawagan 'yong phone mo pero may babaeng laging sinasabi na 'You don't have enough load balance to make this call-" hindi na niya natapos ang sasabihin nung nakatanggap siya ng batok mula kay Blake.
"Bobo! Wala ka kasing load kaya ganun!" natatawang sabi ni Blake.
"Ahhh ganun pala 'yon? Kailangan pa gumastos? Sayang sa pera." nakanguso niyang sabi at natawa nalang kami.
"Gunther." biglang lumitaw sa kung saan si Kuya CK. Nanggagalaiti siya sa galit at umiigting ang mga paa niya pasugod kay Baril at nanlaki nalang ang mga mata ko nung bigla niya itong suntukin.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...