Happy 12k Reads!
COBY'S POV
Walang ibang maririnig sa apat na sulok ng emergency room kung hindi ang mga hikbi ko. Ang bawat paghinga ko ay parang napakahirap at napakabiga. Sa mga sandaling 'to ay parang mas gusto ko nalang mamanhid.
Rinig ko ang mga hikbi ng iba ko pang kasama sa kwartong 'to pero mas namutawi ang malalakas kong paghagulgol sa yakap ni Kuya CK. Walang tigil siya sa pagpapatahan sakin pero patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong mawawala siya sakin. Hindi ako nakapaghanda at kailanman ay hindi ako magiging handa na gumising ng walang Baril sa tabi ko.
Nawalan na ako ng pakialam sa mundo. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na akong umiiyak. Kahit ilang balde pa ng luha ang ibuhos ko ay hindi nun mababawasan ang sakit sa dibdib ko.
"Baril.. Baril... Baril... Baril.." kahit nanghihikaos sa paghinga ay walang tigil kong sinambit ang pangalan niya. Na para bang magkakaroon ng himala at bigla nalang siya lilitaw sa harap ko.
"Gun, anak!" Bigla ay narinig ko ang pinaghalong gulat at iyak ni Dean.
"Gun?!?!" Hindi makapaniwalang sambit naman ni Ate Ginelle.
Pero hindi ko nagawang makakilos. Nawalan ako ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko at nakasubsob lang ang ulo sa leeg ni Kuya.
"Coby..." may kung sino na tumawag sa pangalan ko. Ang boses na 'yon sa minamahal ko. Napangiti ako.
Nagsisimula na akong makarinig ng mga bagay bagay...
"B-Baril..." mas lalo akong napahikbi nandahil dun. "B-Baril..."
Gusto ko pang marinig ang boses mo..
"Sweetheart..." para na akong nababaliw. Umiiyak ako habang nakangiti.
Napakasarap sa tenga ng boses niya. Kung alam ko lang na 'yong tawag namin kanina ay ang magiging huli, sana sinulit ko na.
Walang tigil pa rin ang pag-iyak ng mga tao sa paligid ko pero sa pagkakataong 'to ay may nahihimigan akong saya at galak sa mga hikbi nila.
Nagtaka ako.
Nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa direksyon ko. Hinawi ni Kuya CK ang buhok ko kaya napatingala ako mula sa pagkakasiksik sa leeg niya. Ang mga mata niya'y mamula mula at bigla siyang ngumiti sakin bago tumingin sa kung saang direksyon.
Sinundan ko ang direksyon na kanyang nilingon at...
Nakita ko si...
"B-Baril...?"
Nagkarera ang mga luha mula sa mata ko pababa sa pisngi ko nung makita ko siya..
Nakatayo..
Nakangiti..Naghiwalay ang mga labi ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bigla ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko at walang lumabas na tinig mula sa bibig ko.
Muli kong nilingon si Kuya CK.
Tumango siya at ngumiti na kinokompirma ang mga pag-aalinlangan ko. Na totoo ang nakikita ko.
Tumingin ako kina Dean, kina Mama at kina Shawn at nakangiti din silang nakatingin sakin ng may luha sa mga mata. Pati si Aya ay nandito na rin kaya mas lalo akong nagtaka.
Nilipat ko ang tingin ko kay Baril.
Naghihintay siya na lapitan ko.Kahit nanghihina ang mga binti ko ay nagawa kong tumayo. Dahan dahan akong humakbang papalapit sakanya. Nanginginig ang mga binti ko. Kasabay ng bawat paghakbang ko ay ang pagdagundong ng malalakas na pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Fiksi RemajaMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...