CHAPTER 14 : Drunk

1.8K 125 61
                                    

Happy 1k Reads!

BLAKE'S POV

"Umalis ka na, Shawn." pagtataboy ko sakanya nung nasa harap na kami ng mansion namin. Sumandal siya sa kotse niya.

"Hindi mo lang ba ako iimbitahang pumasok?" sabi niya habang sumisilip silip sa nakabukas na pinto ng gate.

"My mom's at home, Shawn. You can't come in." inismiran ko siya and he just smiled.

"So, gusto mo 'yung solong solo mo ko ganun?" Napailing nalang ako nung sumilay ang isang pilyong ngiti sa labi niya.

"Fuck you." inismiran ko siya. "Go home now." utos ko at hindi ko na siya hinantay pang makapasok sa kotse niya at nauna na akong pumasok sa gate namin.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad papasok sa mansion namin. "What's with that smile, Blake?" Napatingala ako sa nakangiti kong ina.

May halong panunuya ang ngiti niya at bahagya pang sinilip ang gate nakabukas na gate namin. Napailing nalang ako sakanya at nauna ng pumasok. "Sino 'yun anak? Siya ba 'yung lagi mong kausap gabi gabi?" Tanong niya habang sumusunod sakin.

"It's not what you think it is, Mom." Paliwanag ko saka nilagay ang bag ko sa sofa at umupo. "He's just calling me for a non-romantic reason."

Tumango tango naman siya pero halatang hindi ko napaniwala dahil nakangiti pa rin siya. "He's kinda cute, Blake. Parang nakita ko na siya somewhere." Natigil saglit ang mama ko para mag-isip. "What's his name by the way?"

Napabuntonghininga ako sa kakulitan ng mama ko. "Shawn Davis, mom." Nanlaki ang mga mata ng mom ko. Halatang hindi makapaniwala.

"Oh my God! I knew it! Is he the son of Sean Davis, Blake?! The CEO of the biggest liqour company in the world?!" Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.

"Oo, Mom. Wag ka ngang mag exaggerate. You act like he's a God or something."

"Oh my goodness, son." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sakanya. "Does he like you?" Kumunot ang noo ko.

"Ofcourse not. Why would he?" may pag-aalinlangang ani ko at may parang kumurot na naman sa dibdin ko sa sarili kong tanong. "He's straight."

"Then make him bend, son! You have to own him." Bahagya kong hinawi ang mga kamay niya.

"'Yan ka na naman mom ,eh" reklamo ko sakanya.

"He's so duper rich and handsome, Blake. Nasa kanya na lahat and base sa mga naririnig kong conversation niyo every night he's mabait." Nag igting ang tenga ko sa sinabi niya.

"Wait. Nakikinig ka sa usapan namin gabi gabi?" natigilan siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. "Narinig mo ba lahat, Mom?" nangangamba kong ani. Hindi niya pwedeng malaman na may nangyari na samin ni Shawn.

Lumiit ang mga mata niya na tumingin sakin at para akong sinusuri. "Bakit? May hindi ba ako pwedeng marinig?" tumikhim ako saka naglakad papunta sa dining table na may nakahanda ng pagkain. "Tell me, Blake. I'm your mom I have to know everything that's going on with my son."

"It's nothing mom." pagsisinungaling ko pagkatapos sinubo ang isang piraso ng omelet.

"I'm not pretty convinced. But make him yours, okay? He's got everything."

Hinarap ko siya. "Kung gusto mo talaga siya ikaw nalang magjowa dun, Mom. " nakatanggap naman ako ng marahang hampas galing sakanya at tumawa ako.

"Wag mo nga sabihin 'yan. You're dad is way more handsome kaya nga ang gwapo gwapo mo eh kasi mana ka sakanya." hinawakan na naman niya ang magkabilang pisngi. "Madami ngang nagkakandarapa sayong babae, eh. Sayang hindi mo sila type." pabirong ani ng mama ko at saka sabay kaming nagtawanan.

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon