Happy 10k reads! Woo!
SHAWN'S POV
It's been a week since the choosing day. Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita sa kung sino ang pinili ni Coby kina Gunther at Gunner. Hindi namin mahanap si Kurt at hindi namin alam kung nasaan na si Kace. Ilang araw namin silang hinanap bago sinabi samin ni CK na sa araw na'to ay makakabalik na si Coby kasama ang taong napili niya.
That's why here we are, in our homeroom together with my classmates/ gangmates patiently waiting and nervously looking at the door.
Tahimik kaming lahat kaya simpleng paghinga ng katabi kong si Rex ay naririnig ko. Ramdam ko din ang tensyon ni Blake habang nakahawak sa kamay ko.
Napangiti ako nung mapalingon ako sakanya. Pagkatapos nung araw na 'yon, kung saan bigla nalang niya akong niyakap sa balkonahe ng Private Room ay magkasama na kami. We sorted things out and talked. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang saya ko nung sinabi niyang mahal niya ako at handa na siyang makasama ako biglang boyfriend niya.
Yes, we are in a relationship now.
Siguro ay nagkausap na sila ni Zane at nagkaroon na ng closure. In our first few days together I still felt how hurt he is. I saw him crying for nights and I know Zane is the reason behind it. Naintindihan ko naman 'yon dahil alam kong ilang taon din silang nagsama at minahal niya din si Zanicus. But few days more, he became happier like nothing before.
Naging mas palatawa na siya. Lagi siyang naglalambing at nakita ko kung gaano na siya kasayang kasama ako.
I don't really know about what happen between him and Zane but I know that in their relationship they are hurting each other and I know that I'm the reason of it. Zane is in pain knowing that Blake has feelings for me too and Blake is hurting because of the love he has for me. Everything is not in place and I'm the one who messed it up.
Kaya pagbalik ni Zane dito, sisiguraduhin kong hihingi ako ng tawad sakanya. Kung hindi niya ako mapapatawad kaagad then I'll earn it. Sa ngayon, wala muna akong ibang aatupagin kundi si Blake.
"Why are you looking at me like that?" suplado na naman ang tono niya.
"Nothing." ngiti ko. "You're just so beautiful." komplimento ko sakanya sabay kindat.
"Loko loko." He looked away trying to hide his smile but the redness of his ears shows that he was moved by what I said.
"Takte! Kailan pa ba sila darating?" bigla ay nagreklamo na si Rex. "Hindi na ako makapaghintay. Kinakabahan na ako."
"Tss.. wag kang kabahan hindi ka kasali sa pagpipilian." bara ko sakanya at napanganga siya sabay maarteng humawak sa dibdib niya.
"Porke't sa'yo na si Blake at may jowa ka na ginaganyan mo na ako, Shawn ah?" eskaherado niyang ipinakita sakin ang nasasaktan niyang mukha.
"Pero totoo naman, Roxy eh." bigla ay lumitaw sa kung saan ang may dalang sampung stick ng hotdog na si Caden. "Wala ka sa pagpipilian kaya kumalma ka." me and Blake held back our laughs at halos maarte ng maiiyak si Rex.
"Pati ba naman ikaw, Caden?"
"Arte arte mo." nguso ni Caden. "Eto oh maghatdog ka nalang!" napalitan ng excitement ang mukha ni Caden. Rex's eyes widen when Caden shoved the hotdog right into his mouth. "Eto sa'yo! sa'yo! tapos sa'yo! sa'yo nama 'yan! Masarap 'yan kainin mo na! Huy ikaw mukhang unggoy eto sa'yo!" hindi na namin mapigilan ang pagtawa nung isa isa niyang pinamigay ang sampung hatdog sa mga kaklase namin. Hindi 'yon nagkasya.
He stood in the middle after all the distribution he did. "Yeeeeeey! Dahil wanky palowers na si otor mamimigay ako ng hatdog! Ideya ni hatdog @Luxaphiel 'yan!"
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Подростковая литератураMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...