COBY'S POV
Limang buwan na ang nakalipas..
Limang buwan na ang nakalipas mula nung lisanin ko ang Pilipinas at nagpakalayo layo papuntang Canada. Malayo sa gulo, malayo sa panganib, malayo sa mga Buenavista
Malayo sakanya..
Sa loob ng limang buwang 'yon, umiyak ako, nagdusa, naging walang saysay ang buhay ko pero sa loob din ng limang buwang 'yon natuto ako, bumangon mula sa pagkakabagsak at naging masaya.
Kinalimutan ko ang mga sakit, Kinalimutan ko ang mga alaala,
Kinalimutan ko ang lahat ng mga nangyariKinalimutan ko siya..
Syempre hindi ko 'yon magagawa ng mag-isa. Tinulungan ako ng mga magulang ko, ni Kuya at ni T-Rex
Nung araw na nakita ko sina Baril at Aya na naghahalikan, nandoon siya. Kinuha niya ako, hinila papalayo at sumama siya sakin papuntang Canada. Nung unang mga araw ko doon aaminin kong hindi naging madali para sakin. Hindi ako kumain, hindi ako nakakatulog at walang tigil ang pag-iyak ko hanggang sa naubos na ang luha sa mga mata ko.
Sinabi ko sa sarili ko, kahit masakit, ang mga katotohanang dapat noon ko pa alam. Tinatak ko sa isipan ko ang mga sinabi sakin ni Shawn at napagtanto kong sinayang ko ang mga luha ko para sa taong kailanman hindi magsasayang ng luha para sakin.
Dahil dun, sinubukan kong maging masaya ulit, ng wala ng dala dalang sakit at hindi naman ako nabigo dahil makalipas ang mga buwan ay masasabi ko ng malaya na ako, malaya sa mga kutsilyong tumarak sa puso ko.
"Sigurado ka bang handa ka ng makita muli siya, Coby?" Sa gitna ng biyahe namin papunta sa grand opening ng cafe-resto ni Cooper ay biglang nagsalita si T-Rex. Halata ang pag-aalala sa mga mata niya.
Mahal na mahal niya talaga ako
Ngumiti ako bago sumagot sakanya. "Oo naman, T-Rex ako pa ba. Matagal na 'yon at nasisigurado ko sayong kahit makita ko pa silang nagjujugjugan hindi na ako masasaktan pa." pagbibiro ko na nagpatawa sakanya.
Oo, bumalik ako dito sa Pilipinas. Hindi naging sang-ayon ang pamilya ko nung una pero nung makita nilang nakamove on na talaga ako at dahil sa pamimilit ko ay pinayagan na nila ako.
Isa pa hindi na sila mag-aalala pa na mapupunta sa panganib ang buhay ko dahil lahat ng tao sa mundo ay alam ang pagbabalikan nina Aya at Baril. Nawala na ako sa kwento. Oo, alam ko din ang tungkol dun. Naging headline 'yon sa mga dyaryo at nagtrending sa social media. Hindi na rin ako mapipilit ng mga magulang ni Baril na bumalik sakaniya dahil alam kong hindi sila 'yong tipo ng tao na namimilit. Dahil wala na akong nararamdaman pa kay Baril wala na silang magagawa para pabalikin ako sakanya.
Saka andito naman si T-Rex, poprotektahan ako ng dinasaur na'to.
"Oh anong nginingiti ngiti mo sakin ha, Coby?" nakangisi niyang ani nung maramdaman ang pagtingin ko sakanya.
"Wala, wala." pagmamatay malisya ko pa. "Na realize ko lang na ampangit mo pala."
"Pangit daw pero tinitigan niya." panunuyo niya pa sakin na ikinaismid ko.
"Magdrive ka na nga lang diyan." naiinis kong utos sakanya sabay tingin sa bintana ng kotse.
"Alam mo bang wala pa akong pinagdrive na babae sa kotse ko?" maya maya'y aniya.
"Ahhh so mga lalake lang pala?" sarkatisko kong sambit. Tumigil kami sa isang interseksyon dahil nag-ilaw pula ang traffic light. Lumabi siya sakin.
"Hindi rin noh! Anong akala mo sakin bakla?"
"Oh bakit mahal mo ko?"
Lumitaw na naman ang isang nakakalokong ngisi sa labi niya. "Oh anong nginingisi ngisi mo diyan?" kunot noo kong tanong.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
JugendliteraturMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...