CHAPTER 29 : Birthday

1.2K 112 9
                                    

This chapter should be posted on Saturday pero dahil nagloko si Wattpad at hindi ako hinayaang mag-update due to some unknown reasons ngayon ko lang na publish! Anyways, Enjoy this chapter!

REX'S POV

Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at bigla ko nalang siyang hinalikan sa gitna ng pag-uusap namin. Alam kong hindi ko pwedeng gawin 'to dahil alam kong pagmamay-ari siya ni Gun, ng Dark Prince. Isang malaking gulo ang pinasok ko pero handa naman akong harapin 'yon mapasakin lang si Coby.

Napabalik ako sa wisyo nung marahas niya akong tinulak. Kita sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka. Napahawak siya sa labi niya. "T-Rex bakit mo.." mabilis siyang tumayo. 

"Coby, magpapaliwanag ako-" tumayo din ako para makapagpaliwanag sakanya pero hindi ko na nagawa 'yon nung mabilis siyang tumakbo papalayo.

Anong ginawa mo, Rex?

Napasabunot ako sa sariling ulo dahil sa inis na nararamdaman ko sa sarili ko. 

Paano kapag magbago ang pakikitungo niya sakin dahil sa nangyari?

"Job well done, Rex." bigla akong nakarinig ng boses ng babae at paglingon ko sa pinanggilangan nun ay nakita ko si Aya na papalapit. 

"Anong ginagawa mo dito?!" inis kong sambit. 

"Chill." natatawa niyang tugon. "I'm just here to watch the kissing show. I didn't want to forget this wonderful scene so I.." pinakita niya ang phone niya sakin. "I took a picture." 

Ano?!

Inabot ko ang phone niya para agawin ito pero mabilis niyang inilayo. "Burahin mo 'yan, Aya." matigas kong utos na ikinatawa niya. 

"Too bad. I don't want to, Rex. "I will use this when the time comes. " lumapit siya ng isa pang hakbang sakin. "You like Coby right?" naging seryoso ang tono niya. Nanatili akong tahimik. "I like Gunther too so let me have this photo of you and Coby will be yours in no time." 

Nag-iwas ako ng tingin sakanya at hindi na sumagot. Naiinis ako sa sarili ko kasi may parte sa kalooban ko na sumasang-ayon sa plano niya. 

"Good." tinapik niya ang balikat ko. "See you around." kaway niya bago umalis.

Gusto kong mapasakin si Coby pero sa ganito bang paraan? Dapat kinuha mo ang phone ni Aya, Rex! At burahin ang litratong kinuha niya. Takte, bakit hindi mo ginawa 'yon?!

Nababaliw na ako.

COBY'S POV

"You need to come out, bro." nasa labas si Kuya ng pinto ko habang nakasandal naman ako dito, nakaupo habang nakayuko sa dalawa kong tuhod. "It's your birthday. We need to celebrate it. Everyone is here already." malumanay niyang sabi na hinihikayat ako. 

Pero kahit anong paghihikayat niya, kahit nandoon na lahat sa baba, sa party, kung wala naman si Baril ano pang dahilan para pumunta ako doon? 

"Including Gunther." napatingala ako galing sa pagkakayuko dahil sa gulat. Dali dali akong tumayo at binuksan ng bahagya ang pinto.

"A-Anong sabi mo, Kuya?" pagtatanong ko ulit dahil baka mali lang ako ng narinig kanina. 

Ngumiti siya at binuksan ko ng malaki ang pinto saka siya pumasok. "Gunther is here too so you need to come out and see him." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Gusto mo siyang makita 'di ba?" 

Ngumiti ako ng mapait. "Makitang kasama si Aya?" Nawala ang ngiti ng Kuya ko at ang kamay niya ay lumipat sa buhok ko. 

Totoo naman ang sinabi ko. Kung nandito si Baril paniguradong nandito rin si Aya pero mas mabuti na ring makita ko siya kahit kasama ng babaeng 'yon kaysa hindi ko siya masilayan.

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon