Happy 5k Reads!
COBY'S POV"A-Anong g-ginagawa mo-"
Hindi ko natapos ang sasabihin nung biglang marahas na dumapo ang labi niya sa labi ko. Mabilis ang pagkilos ng mga 'yon na nagdudulot ng panghahapdi.
"T-Tama na a-ano ba..!" gamit ang lahat ng lakas na meron ako ay nagawa ko siyang itulak. Hindi pa rin nawawala ang galit niya. Masama pa rin ang tingin niya sakin.
Ano bang ginawa ko para magalit siya ng ganito?
"Did he touch you?" madiin niyang tanong sakin na naging dahilan ng pagtataka ko.
"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan-"
"Did he fuck you!?" napaigting ako nung malakas siyang sumigaw sabay hampas sa metal na sinasandalan ko. "Did Rex fuck you?"
Napamaang ako sa sinabi niya.
Saan niya naman narinig kahibangang 'yon? Bakit naman siya magagalit? Kung ginawa man namin ni T-Rex ang bagay na 'yon wala na siya dun kasi may mahal na siyang iba at bakit ako nasisiyahan na makita ang pagseselos sa mga mata niya? Tangina, Coby.
Huminga ako ng malalim at napapalunok na nakipaglaban sa mga masasama niyang tingin. "Paano kung sabihin ko sa'yong oo?" Kusang lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. "Paano kung may nangyari nga samin ni Rex? Ano bang pake mo?" Bahagya siyang napaatras at natigilan sa sinabi ko. "Di ba mahal mo si Aya? Di ba mahal mo siya?!" Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko ng hindi ko namamalayan. "Di ba hindi mo na ako mahal?! Di ba wala ka ng pakialam sakin?! Kaya bakit ka nagagalit ng ganyan ha, Gun?!" Sa unang pagkakataon ay tinawag ko siya sa pangalan niya. "Bakit ko nakikita ang pagseselos sa mga mata mo gayong wala kang karapatan! Sabihin mo sakin! Bakit-?!"
"'Cause you're mine!" Malakas niya akong tinulak muli sa pader. Nanlaki ang mga mata at napamaang ako sa isinigaw niya. Hindi ko inaasahan 'yon. Hindi ko binigyan ng pansin ang likod kong nanakit. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang punong puno ng emosyon. "You're fucking mine, Coby. You're mine! Goddamit!" Malakas niyang sinuntok muli ang pader Saktong pagtunog ng elevator at ang pagbukas nito ay lumabas siya.
Iniwan niya akong nakatulala sa ere at hindi makapaniwala. Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Masikip ang dibdib ko at para bang napakahirap huminga.
Sa unang pagkakataon ay tinawag niya din ako sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit napakasarap nung pakinggan mula sakanya. Nanghina ang mga tuhod ko at hinayaan kong magpadaos-dos ang katawan ko paupo.
Ano na naman 'to, Baril? Guguluhin mo na naman ang puso ko. Hindi pa ba sapat ang mga luhang binuhos ko para sa'yo? Hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan ko sa'yo? Bakit ka ganito? Bakit mo pinaparamdam sakin 'to?
Nilagay ko ang ulo ko sa dalawang braso ko at nagpatuloy sa pag-iyak.
BLAKE'S POV
"Everyone is going to the festival. I invited them and said that they're free." Sabi ko sakanya habang abala siya sa pagbabasa isang libro.
Me and Zane are currently in the library to do some research about the assignment. Kanina pa ako kausap ng kausap sakaniya at nag-iisip ng kung ano anong pag-uusapan ngunit isang tango o kaya'y simpleng sagot lang ang tinutugon niya. Hindi gaya ng dati na siya ang mas madaldal saming dalawa.
"That's gonna be fun, baby." Ngumiti siya ng saglit saka tinuon ulit ang atensyon sa librong binabasa.
Ang isa pang nakakapagtaka ay nagbabasa na siya ng libro ngayon. Dati rati nangongopya lang siya kay Rex o kay Gun.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b)
Teen FictionMeet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilala niya ang taong magpapabago ng pagkatao niya. Hindi lang nito guguluhin ang buhay niya, pati na rin...