Chapter 1: Curiosity

1.1K 35 34
                                    

Alexandrite's POV

I'm Alexandrite Flora Snow.
Ang tamang pronunciation ay (A-lek-zan-drayt Flo-ra Snow)
15 years old.
Pink ang favorite color.
I'm a Uranophile. Uranophile means a person who loves the things that can be found in the sky. (Moon, stars, sun and clouds)
Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso.
Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap. Sakto lang. Yung kakain ka ng higit tatlong beses sa isang araw at kayang bumili ng mga gusto at pangangailangan sa araw-araw.
May dalawa akong bestfriend. Hindi nila ako iniiwan at palaging handang dumamay sakin.

Ipapakilala ko na din sila

Yung isa ay si

Safyra Jade McFadden.
15 years old
Ang tamang pronunciation ay (Sa-fi-ra Jeyd Mak-fa-den)
Pinakamaliit saming tatlo.
Black ang favorite color.
She's an Astrophile. Astrophile means a person who loves stars.
Malakas sya mang-asar at mambara kaya masarap sapakin pero kahit na ganyan sya ay mabait naman. Pero depende yon sa sitwasyon.
Apat silang magkakapatid at sya ang bunso. Yun ang sabi nya. Di ko pa naman nakikita ung mga kapatid nya eh.
Kagaya ko, hindi rin sila mahirap at hindi rin mayaman. Sakto lang din

At ung isa pa ay si

Thyreze Luna Lumiere
15 years old
Ang tamang pronounciation ay
(Ti-riz Lu-na Lu-mi-ye-re)
Blue ang favorite color
She's a Selenophile. Selenophile means a person who loves the moon.
Palagi silang magkakampi ni Safyra pagdating sa pang-aasar sakin. Masarap sila pag-untugin. Tatlo silang magkakapatid at sya ang pangalawa. Sabi nya lang din. Di ko pa nakikita mga kapatid nya eh.
Hindi rin sya mahirap at hindi rin mayaman. Sakto lang

Naiintindihan namin ang isa't isa. At tanggap namin ang ugali ng bawat isa samin kahit na hindi pa namin nakikita yung iba. Problema ng isa, problema ng lahat.

Kapag naiisip ko yung mga kagaguhan namin napapangiti na lang ako. Naguumapaw kasi mga kalokohan nila eh.

"Nginingiti-ngiti mo jan?? In love ka na?" Nakangising tanong sakin ni kuya. Sya si Drake Pierson Snow. (Dreyk Pi-yer-son) ang pronunciation. Kahit kelan talaga to napaka-abnormal.

"Baka naman nag-iisip kung ano itsura ng prince charming nya hahahaha" sabat ni kuya Clyde. Clyde Emerson Snow ang full name nya.

Bakit ba nandito tong mga to? Hiwalay ang mga kwarto naming tatlo ah!

"Ano ba kasi ginagawa nyo dito?" Iritang tanong ko kila kuya

"Naghahanap ng palaka" sagot ni kuya Drake

"Nangingisda" sagot ni kuya Clyde

"Walang palaka sa kwarto ko at walang isda dito!!" Sigaw ko sa kanila. Lagi naman kaming ganito eh.

"Hahahahahahaha. Tumayo ka na para makapasok ka na at baka ma-late ka pa. Mamaya mo na pangarapin ung prince charming mo." Sabi ni kuya Drake sabay takbo palabas ng kwarto ko at sumunod na din si kuya Clyde dahil kapag hindi sila lumabas kaagad ay baka masira yung eardrums nila.

"Haaaaaa!!!" Malakas na tili ko. Wala sila mama kaya hindi ako mapapagalitan hahahahahha

Nung makarating ako sa school ay nakabusangot na ko. Pano ba naman kasi aasarin ka ng kagigising mo lang.

Ako ang nauna don sa dalawa kaya nakatunganga lang muna ako. Maaga pa naman eh. 7 ang pasok at 4:30 ako nagigising. Ayos na din yon para pwede pa ko tumunganga paggising.

"Ayos ka lang? Nakabusangot ka eh." Puna ni Safyra sakin

"Oo naman. Kaso nga lang may pang-asar sa bahay kanina" Sabi ko habang hindi inaalis ang pagkakabusangot

"Pinagtulungan ka?" Pag-uusisa pa ni Safyra

"Oo. Lagi naman eh"

"Buti nga ikaw, dadalawa lang eh akin tatlo eh. Mga siraulo pa lahat."

"Good morning!" Masiglang bati ni Luna

"Morning"

"Morning din" Sabi ni Safyra

Maya-maya lang ay dumating na yung teacher namin at nagsimula na magdaldal tungkol sa lessons. Ganon lang ang nangyari.

Lessons hanggang dumating ang recess kaya nagpunta na kami sa cafeteria at kumain pero napatigil kami dahil sa tanong ni Luna.

"Saan kaya galing mga pangalan natin no? Sino kaya nag-isip nung akin" tanong ni Luna samin

"Pag-uwi mo mamaya itanong mo yan sa mama mo." Sagot ni Safyra sa kanya

"Importante pa ba yon? Basta para sakin ang mahalaga ngayon ay may pangalan ako. Tapos!" Sabi ko pero nagtaka ako ng magkatinginan silang dalawa.

'Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Ano ba kasi tong putanginang pakiramdam ko na to?! Bakit parang may tinatago sila sakin? Hindi pangkaraniwan ang naging reaksyon nila.'

Dapat ko malaman yon. Pero paano? Ni hindi ko nga alam kung saan sisimulan eh. Hays.

Nung natapos kami kumain ay bumalik na kami sa room. Tahimik lang ang dalawa. Nakapagtataka kadalasan kapag ganitong oras ay hyper sila.

Hanggang sa matapos ang klase sa araw na to ay tahimik lang sila habang ako naman ay lutang. Sana lang ay patulugin ako nito.

Nung nakauwi na ako ay wala pang tao sa bahay. Kaya naghalungkat na lang ako ng pagkain. May tinapay naman sa ref kaya nagluto na lang ako ng pancit canton. Maya-maya lang ay biglang dumating si kuya Clyde.

"Marami ba yung sinalang mo na pagkain?" Tanong sakin ni kuya

"Oo. Marami naman"

Tapos pumanik na si kuya sa kwarto nya para magbihis at pagbaba nya ay luto na ung sinalang ko kaya sabay na kami kumain.

Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ko sa kwarto ko at kinuha ung libro na hindi ko pa tapos basahin. Habang binabasa ko iyon ay may isang word na naiwang nakatatak sa isip ko. 'Reincarnation' nakalahati ko naman na ang libro at hindi naman iyon makapal kaya konti na lang ang babasahin ko.

Bukas ko na lang itutuloy. Nangangati na talaga ung kamay ko. Gusto ko na malaman ang meaning ng reincarnation. Binuksan ko ang dictionary ng phone ko. Hinanap ko doon ang meaning ng reincarnation.

Reincarnation- the rebirth of a soul in a new body.

So, ibig sabihin mabubuhay ka ulit pagkatapos ng pagkamatay mo. Pero hindi agad-agad. Yun ang nabasa ko sa google.

Hanggang sa maggabi, may tanong na naiwan na nakatatak sa isip ko.

'Sino ba talaga ako? Ano ako sa pastlife ko?'

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon