Chapter 20

56 4 0
                                    

Alexandrite's POV

Totoo ang sinabi ni Eri kanina. Meron ngang pumunta dito at lahat sila ay may suot na singsing na pare-pareho ang itsura at disenyo.

Ano to? Kasapi sila sa isang pangkat?

Dumukot ang isa sa kanila sa suot nitong bag at yung parang powder ay inilalaglag nila sa sahig at ganon din ang ginawa ng lahat ng kasama nya.

Kung titignan silang mabuti ay malalaman mo na mayroon silang ginuguhit sa sahig gamit ang powder na nakalagay sa mga bag nila.

Nung matapos sila sa ginagawa nila ay biglang umilaw ng kulay puti yung powder na nasa sahig.

"Umupo ka sa gitna ng simbolo," utos ng isa sakin. Malamang ay matanda na s'ya base na din sa boses.

Sumunod na lang ako sa sinasabi sakin. Pagkaupo ko ay tumingin ako sa kanya at nakita ko na yumuko s'ya na ginaya naman ng iba.

May paulit-ulit silang binubulong pero hindi ko 'yon masyadong marinig.

Lumiwanag ulit yung powder na nagkalat sa sahig at sa sobrang liwanag non ay napapikit na lang ako.

Pagkalipas ng ilang segundo ay dumilat na ako at ang una kong napansin ay yung powder sa sahig. Naiba yung pwesto non.

Tumayo ako at pinagmasdan 'yon. Hugis bulaklak. Ano ibig sabihin non?

Magtatanong na sana ako pero biglang nagsalita yung isa, "bulaklak. May kakayahan ka na magpalabas ng kahit anong bulaklak. Hindi lang 'yon. Magagawa mo din kontrolin ang bulaklak sa paligid mo kung gugustuhin mo. " Sabi nito. 'yon lang? Ano matutulong ng bulaklak sakin?

"May iba pa kaming gagawin. Paalam," pagkasabi non ay bigla nalang silang naglaho pati ang mga powder na nagkalat sa sahig.

"Kaya mo raw magpalabas ng bulaklak. Tara, subukan natin!" Hindi pa ko nakakasagot pero bigla na lang akong hinila ni Thyreze palabas ng bahay.

Hindi ko kaya. Hindi ako marunong. Hindi ko 'to magagawa.

"Gawin mo na," utos sakin ni Safyra. Wow ah. Kung alam ko lang kung paano edi kanina ko pa nagawa.

"How?" Taas kilay kong tanong.

"Mag-concentrate ka at subukan mo," sabi ni Venz na sinunod ko naman kaagad.

Naramdaman ko na humangin ng malakas kaya naman dumilat na ako.

Wala namang nangyari ah.

"Ayoko na nga. Tinamad na ko."

I'm so fucking useless. Wala na ngang kwenta yung kapangyarihan ko, hindi ko din naman mapalabas. Bwisit na buhay to.

"Magmu-mukmok ka na lang ba dyan?" Napalingon ako kaagad sa pinto nang makarinig ng boses galing doon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung sasagutin ng isa pang tanong ang tanong ko," sagot nya habang nakatingin sakin at bakas ang inis sa mukha nya.

"Tinatanong ko?" Lumabas na lang s'ya at padabog na isinara ang pinto.

Ano na naman bang problema ng taong 'yon?

Safyra's POV

"Saan pupunta yon?" Tanong ko kay Thyreze na katabi ko lang.

"Dapat tinanong mo yan kay Marcus bago s'ya lumabas," sagot nya. Nagtatanong lang ng maayos eh.

"Ang weird kaya. Hindi naman n'ya ugaling lumabas-labas diba?" Patanong na sabi ko.

"Hindi nga. Lalabas lang s'ya kung may pupuntahan s'ya o kaya kukunin sa kung saan," sabi nya habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa libro na binabasa n'ya.

"Kakaiba yung aura nya kanina. Parang pikon o inis o kung ano man," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Sinara n'ya yung libro na binabasa n'ya at humarap sakin.

"Kailan ka pa naging usyosera?" Tanong nya.

"Nagtataka lang usyosera agad? Nagtataka lang naman ako. Malay mo kasi nag-away sila ni Flora, diba?" Sabi ko.

"Wala naman tayong narinig na sigawan," sagot n'ya.

"Malay mo hindi naman sila nagsigawan," katwiran ko.

"Ewan lang. Imbestigahan ba natin?" Tanong nya at tumango naman ako.

"Kailan pa kayo naging curious sa buhay ng iba?" Napalingon ako sa likuran ko dahil sa tanong ni Steven. Buti naman at hindi sila nagbabangayan ni Fyrix.

"Mas maganda kung hahayaan n'yo muna yung dalawa. Labas naman na tayo sa kung ano nangyayari sa kanila," sabi ni Fyrix at naupo sa upuan katapat ng inuupuan namin.

"Oy, Fyrix. 'wag ka ngang kill joy. Mag-iimbestiga lang naman eh. Hindi ka naman siguro papayag na laging maingay 'tong bahay na 'to diba?" Tanong ni Steven.

"Tsk. Ano bang balak n'yong gawin?" Iritang tanong ni Fyrix.

"Kami ang mag-iimbestiga kay Flora dahil baka may makita kayo na hindi n'yo dapat makita. Mamamaalam kayo ng maaga kapag nalaman 'yon ni Marcus," sabi ni Thyreze habang naka-krus ang mga braso.

"Sige. Kami na kay Marcus dahil wala akong balak mamatay ng maaga. Bago matulog, sasabihin namin kung ano ang nakita namin at ganon din ang gagawin nyo," sabi ni Fyrix sabay tayo at labas ng bahay.

Yown! Ayos toooo!!

"Sana hindi tayo awayin ni Flora kapag napansin nya na minamanmanan natin s'ya," mahinang sambit ni Thyreze.

"Bakit naman tayo aawayin?" Tanong ko.

"Kasi nga parang wala na yung privacy n'ya," bulong n'ya.

"Aatras ka na kaagad? Hindi pa nga nagsisimula eh," komento ni Steven. Nakikinig pala to.

"Manahimik ka nga! Wala naman akong sinabi na aatras ako," katwiran ni Thyreze.

Sige lang. Magbangayan lang kayo.

Napalingon ako kaagad sa gilid ko pagkarinig ko ng yapak ng paa.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kaagad kay Flora pagkakita ko sa kanya.

"Sa labas, maglilibot lang," sagot nya saka dumiretso sa labas.

Tumayo ako para sundan s'ya ng tahimik at naabutan ko s'ya na naglalakad at parang sigurado s'ya sa daan na tinatahak n'ya.

Sobrang weird.



Author's note:

From now on, I will no longer use bold letters specially on the dialogues. I've read on a website that you shouldn't use the bold letters on dialogues and that's what I would do.

Also, I will use third person's POV on the other chapters because it's much easier to describe. You will notice some changes in my typings so please bear with me. We've got a long way to go.

My next update might take so long because I'm so busy with school works and my other novel to be published on paid platforms. Anyway, stay safe everyone.

Love lots,

-Sephi.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon