Chapter 30

45 2 0
                                    

Kasalukuyang nasa library si Flora para tumingin ng libro na makakakuha ng interes niya. Karamihan sa libro ay mga medisina, napansin niya rin na hindi nakaayos ang pagkakalagay ng mga libro. Halo-halo sa isang shelf ang iba't ibang kategorya ng libro.

"Nakakahilo naman yung ayos nito. Kaya pala kanina pa ko walang mapili, ganito pala yung pagkaka-salansa." Inalis niya ang mga libro sa unang shelf at ibinukod ito sa sahig depende sa kategorya ng mga ito. Ang pinakamaraming kategorya ng mga libro na una niyang inalis ang nagmay-ari ng unang shelf.

Buong araw siyang nag-sorting ng mga libro at nang matapos siya ay saka niya lang napansin na may isa pang libro sa sahig. Wala itong title at kulay itim lang ang libro.

'Marami naman akong nakitang libro na kulay itim pero parang kakaiba to.'

Nang buksan niya ito sa pinakagitna, may nakatagong susi sa loob ng mga gupit na pahina na pinaglagyan ng susi.

Mukha itong normal na susi pero nagkulay kalawang na ito. Nang hawakan niya ito ay kusang umusod ang isang lamesa. Lumapit siya dito at napansin na may maliit na butas kung saan kasya ang susi na hawak niya.

Ipinasok niya dito ang susi at kaagad na lumitaw ang liwanag na hugis pintuan. Kusang gumalaw ang kanyang mga paa at dinala siya sa loob ng liwanag kung saan natagpuan niya ang pamilyar na itsura ng tatlong tao na nasa harapan niya ngayon.

"Hey, how are you?" Tanong sa kanya ng isang lalaki na sa itsura nito ay mas matanda lang ito sa kanya ng ilang taon.

Sa hindi malamang dahilan, nagluluha ang kaniyang mga mata at hindi niya alam ang dahilan. Pakiramdam niya rin ay kilala niya itong mga nasa harapan niya.

"Ang laki mo na, Flora." Sabi ng babae na kahawig niya. Dahan-dahan namang lumapit sa kanya ang isa pang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa babae.

Nang tuluyang makalapit sa kanya ang lalaki, idinikit nito ang noo sa noo ni Flora at pumikit. "Ang layo na ng narating mo, anak."

Naiyak si Flora sa hindi malamang dahilan at bigla niyang naalala kung saan niya nakita ng mga taong nasa harap niya. Sa painting niya nakita ang mga ito kasama ang batang kamukhang kamukha niya.

"Hindi mo pa rin nalalaman ang lahat. Magpunta ka sa bayan at hanapin ang pinakamatandang babae na nabubuhay, alam niya ang lahat." Unti-unting naglaho ang kanyang ama hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.

"Palagi kaming nakamasid sa iyo, mag-iingat ka, anak." Sumunod naman na naglaho ang kanyang ina.

"Si Marcus pa rin pala," ngumiti sa kanyang kanyang kuya mula sa nakaraang buhay. "Mag-iingat ka palagi."

+++

"Dito ba yon?" Tanong ni Flora sa mga kaibigan at tumango naman ang mga ito.

"Kanina pa namin kayo inaasahan," sabi ng ginang na nagbukas ng gate para sa kanila. "Pasok kayo."

"Matagal na rin nung huli tayong nagkita, mahal na prinsesa." Bati ng matanda na nakaupo sa tumba-tumba na upuan. Kapansin pansin ang sobrang kulubot na nitong balat dahil sa katandaan maging sa boses nito ay halata na ang katandaan. "Maupo kayo para ako'y makapagpahinga na. Napapagod na ako sa buhay ko at hindi na rin ako makakilos ng maayos."

Sumunod naman ang magkakaibigan at kaagad na nagsimulang isiwalat ng matanda ang kanyang mga nasaksihan noon. "Aba, hanggang ngayon pala ay kayo pa din." Puna nito kay Flora. "Mahal na prinsesa, ikaw ay habulin ng gulo at kapahamakan noon pa man. Likas sa iyo ang pagiging matigas ang ulo, tinatakbuhan mo ang mga kapahamakan imbis na sumunod sa sinasabi ng iyong ama na huwag ka lalayo sa palasyo dahil kaya ka nitong protektahan."

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon