Chapter 13: Like a psycho

58 6 0
                                    

Alexandrite's POV

"Ialis nyo na sya dito bago tuluyang ma-suffocate. Ilagay nyo na din sa aquarium nya." Sabi ko sa mga kaklase kong lalaki. Tumayo naman sila saka lumapit sa babae.

"Wag nyo ko hawakan!" Matinis na sigaw nya. Ang sakit sa tenga.

"Ikaw!" Sigaw nya ulit saka may tinuro sa bandang likod. Tinignan ko kung ano yung itinuturo nya at halos lumuwa na yung mata ko nang makita yung tinuturo nya. Tao yung tinuturo nya.

Ano nga ulit pangalan non? Sya ata yung Marcus. Nagulat pa ko kasi imbis na nakaayos yung suot nya sa uniform ay hindi yon nakaayos.

Maluwag yung necktie nya tapos nakabukas yung dalawang butones ng polo nya sa taas. My virgin eyes!

"Be my boyfriend."

Aba! Napakakapal ng pagmumukha nito ah. Hindi naman ako nakarinig ng kahit na anong sagot mula dun sa lalaki. Nandilim yung paningin ko. Parang gusto ko manapak.

"Hoy wag ka ngang snobber!" Sigaw nya ulit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napatayo ako saka sya sinuntok ng malakas. Tumama yung kamao ko sa kanang pisngi nya.

Tumumba sya at dahil may mga lalaki sa likod nya ay nasalo sya bago bumagsak sa sahig.

Agad namang tumayo sila Thyreze at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. Para namang susuntukin ko yan ulit eh bumagsak na nga. o:-)

"Boom, tulooooggg!"

"Knock out!"

"Tignan nyo kung humihinga pa!"

"Nahimatay!"

"Tatayo pa yan!"

"Mamaya pa tatayo yan!"

"Bilangan nyo!"

"10.."

"9.."

"8.."

"7.."

"6.."

"5.."

"4.."

"3.."

"2.."

"1.."

"Wala! Tulog na to!"

"Dalhin nyo na yan sa clinic."

"Ano naman sasabihin namin pag nagtanong kung ano nangyari dito?"

Sabihin nyo naalis sa tubig kaya nahimatay-,-

Binuhat na nila yon at inilabas sa room. Kasalanan nya kung bakit sya nakatulog. Kung hindi sya pumunta dito hindi nya mararanasan yon. Epal kasi eh.

Bakit kaya ganon na lang yung inis ko nung sinabi nya yung 'be my boyfriend'? Kumukulo talaga yung dugo ko. Kung kuto lang sya malamang kanina ko pa yon tiniris. Eh kaso higad kasi yon eh. Ay hindi pala kasi isda sya. O baka naman pwet ng manok kasi putak ng putak? Ano ba bagay sa kanya?

Tumingin na lang ulit ako sa bintana at hindi na pinansin pa ang ingay nila.

Ano nga ulit yung pangalan ng lugar? Zichana? Zimoria? Zushira? Aaahhh! Nakakabaliw to.

"Namumula yung mukha mo." Sabi ni Thyreze. Kinuha nya naman yung salamin na binibigay ni Safyra at binigay sakin.

=_=

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon