Chapter 16: Who are they?

51 6 0
                                    

Alexandrite's POV

"Pilitin mo umangat!" Tarantang sigaw ni Marcus. Dahil sa takot na pati sya ay mahulog, pinilit ko na iangat ang sarili ko habang hawak nya ang isang braso ko.

Nung malapit na ko maka-ahon ay hinila nya ko ng malakas kaya tumama ako sa dibdib nya at natumba kami pareho.

Agad akong umalis sa ibabaw nya dahil baka hindi sya makahinga. Alam ko din naman na mabigat ako. "Ang bigat mo. Ano ba kinakain mo?" Tanong nito sakin habang nakasalampak sa sahig.

"Pagkain malamang! Kung hindi mo ko hinawakan kanina edi sana hindi ka nagrereklamo na mabigat ako!" Inis na sigaw ko sa kanya. Alam ko namang mabigat ako, hindi nya na kailangan pa sabihin yon.

"Pasalamat ka nga kasi hinawakan kita eh. Kung hindi kita hinawakan malamang patay ka na ngayon!" Sagot nya sakin. Aba! Palaban to ah. Tignan lang natin kung sino unang susuko satin.

"Ano ba ginagawa mo dito kasi?! Diba nandon ka sa canteen? Oh bakit ka nandito?"

"Wag mo na lang alamin."

"May katagpo ka dito no?"

"Tch. Mandiri ka nga sa sinasabi mo."

"May nakakadiri pala don? Di ako aware."

"Manahimik ka na nga! Ang sakit sa tenga ng boses mo!" Sigaw nya habang nakatakip sa tenga. I wiiiinn!!

Inirapan ko na lang sya at napatingin sa paligid ng may maalala. Hinarap ko yung gawi kung saan may biglang sumulpot na naging dahilan para mahulog ako don sa butas.

Sinundan ko pa iyon ng tingin at pinuntahan ang pinanggalingan ng sumulpot kanina. May mga sirang upuan na nakatambak dun sa pinagmulan ng kung ano kanina.

Walang ibang daan at medyo malamok din dito. Ano ba yung nilalang na yon?

"Ano tinitignan mo?" Nasampal ko ng malakas si Marcus paglingon ko sa kanya nang dahil sa gulat.

"Ay! Hala! Sooooooorryyyy!! Di ko sinasadya!" Kahit ako ay nagulat sa pagsampal ko sa kanya. Dahil sa taranta ay hinawakan ko yung magkabilaang pisngi nya kaya napalapit sya sakin saka ko niyakap. Hawak naman ng kaliwang kamay ko yung pisngi nya na nasampal ko habang yakap sya.

Takte pag ako sinampal nito, puputok labi ko tas may kasama pang dugo. Hindi na din sya pumalag habang yakap ko sya. Pero mukang mas tamang sabihin na nakasubsob hehe.

Inangat ko yung mukha nya at tinignan yung pisnging nasampal ko. Nakahinga ako ng maluwag nung makita na hindi naman bumakat yung palad ko sa mukha nya.

"Anong ginagawa nyo dyan?" Tanong ni Safyra samin. Umiling lang ako at nakita ko naman yung pang-asar na ngiti ni Thyreze.

Imbis na pumunta ako kila Thyreze ay binaybay ko pa ang lugar na to at tinignan lahat ng espasyo kung nandon yung sumulpot kanina. Hindi ko talaga alam kung ano yon kaya hinahanap ko para makita ko ng maayos.

Nung wala akong makita na kahit na anong bakas nito ang inilagay ko ang magkabilaang kamay ko sa beywang ko. Langya. Asan na yon?

"Ano ba hinahanap mo?" Tanong ni Thyreze nung makalapit sya sakin.

"Bakit sya nung nagsalita hindi mo nasampal?! Eh bakit ako bigla mo na lang sinampal?! Nagtanong lang naman ako sayo non ah!" Sabi ni Marcus habang nakaturo kay Thyreze. Natawa na lang ako sa inasta nya na parang bata.

"Yung dahilan kung bakit ako muntik malaglag." Sagot ko saka nilibot ulit ang paningin. Mukhang wala na dito yon.

Naglakad na ako paalis sa kitatayuan ko at nilagpasan ang butas na maghahatid sana ng kamatayan sakin.

Sa susunod na makita ko ulit ang nilalang na yon, malamang hindi na ko mabubuhay.









"Kuya?" Tanong ko nung may marinig akong mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang heartbeat ko.

Nung buksan ko ang pinto ay agad namang pumasok sila kuya at sinara yon. Pansin ko din ang panginginig ng mga kamay nila.

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanila dahil hindi man lang sila nagsalita pagpasok nila. Tinakpan lang ni kuya Drake ang bibig ko at sinenyasan ako na wag maingay. Ano ba kasing nangyayari? Wala naman silang sinasabi na kahit ano eh.

Nakarinig kami ng mga yabag papalapit sa pinto kaya napa-atras kami. Unti-unti na din akong nakakaramdam ng kaba. Nung tumigil ang yabag ng mga paa ay humarang sila kuya sa harap ko pero nakikita ko pa din ang pinto.

Kung mananakot sila, wala pang halloween. Sana masaya na sila sa kagaguhan nila. Masyadong totoo eh. Saka sino bang nasa tamang katinuan ang mananakot at papasok pa sa bahay ng may bahay at gabi pa! Madilim na sila pumunta. Sana ginawa na nilang hatinggabi. Nahiya pa eh.

Gumalaw ang door knob. Indikasyon na pinipihit ito mula sa labas. Pabilis ng pabilis ang galaw ng door knob at pabilis din ng pabilis ang heartbeat ko. Hanggang sa tumigil ito at dahan-dahang bumubukas ang pinto.

Nung tuluyang bumukas ang pinto ay tumambad sa amin ang mga tao na nakasuot ng itim na hood. Kapansin-pansin ang marka sa likod ng palad nila. Lahat sila ay may pare-parehong marka sa likod ng palad.

Anong ibig sabihin ng marka na yon? Para saan?

Napaatras ako nang iangat nung nasa unahan yung kamay nya at ikinumpas ang kamay nya papunta sa kaliwa nya. Kasabay ng pagtalsik ni kuya Clyde. K-kuya! Hindi ko magawang magsalita. Parang umurong ang dila ko.

Inulit nya yon at si kuya Drake naman ang tumalsik. Napa-atras ako nung biglang napunta sa harapan ko yung naging dahilan kung bakit tumalsik sila kuya.

Kitang-kita ko ang ngisi nung tao na yon kahit na naka-hood sya. Ano ba to? Babae o lalaki?

Naramdaman ko na lang na lumulutang ako. Nung titignan ko sana kung gaano na ko mataas mula sa sahig ay naramdaman ko na lang yung kamay sa leeg ko. Hindi pa naman yon ganon kahigpit.

"Bitawan mo yung kapatid ko!" Nahihirapang sigaw ni kuya Clyde. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nung makita ang kalagayan ni kuya. Mukhang iniinda nya yung likod nya.

Inangat nitong lalaking nakasakal sakin yung kaliwang kamay nya. Umangat din si kuya Clyde at napalayo ng kaunti sa pader saka tumalsik ulit sa pader.

Hindi ko napigilan ang inis ko ng dahil sa nakita ko. Paglingon ko sa kabila ay nakita ko na nakaupo si kuya Drake. May dugo na din sa sahig.

Huminga ako ng malalim at inipon ang lakas ko sa baywang ko hanggang sa talampakan. Masyadong naka-focus ang tingin nung sumasakal sakin sa mukha ko kaya hindi nya napansin na iniangat ako ang paa ko.

Hindi naman iyon napapansin ng mga kasama nya dahil hindi naman nakikita. Ibinuhos ko ang 25% ng lakas ko at sinipa sya. Tinamaan sya sa sikmura nya kaya nabitawan nya ko at napaatras habang hawak ang sikmura nya.

Alam ko na ngayon ang kahinaan mong hinayupak ka. Sige, sabihin na nating wala nga akong laban sa laki ng katawan nya at sa lakas nya. Pero kaya ko namang hanapin ang kahinaan nya.

Pagkabagsak ko sa sahig ay hindi naman ako napa-upo. Idinipa ko ang braso ko at pinakiramdaman ang paligid. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang kakaibang pwersa na nagmumula sakin.

Ramdam ko ang pag-usad ng pwersa mula sakin hanggang sa masakop ng pwersa na yon sila kuya. Unti-unti na silang nakakakilos ng maayos. Tumigil na ang tuluyang paglaki ng kakaibang pwersa na yon nung nasakop nito sila kuya.

Unti-unti silang nakakakilos ng maayos. Nung kaya na nila tumayo ay tumayo sila at lumapit sakin. Ibinaba ko na ang braso ko at pinagmasdan yung mga nakasuot ng hood na nakatingin lang samin. Hawak pa rin nung isa yung sikmura nya na nasipa ko.

Ilang saglit pa ay bigla na lang silang naglaho. Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Huminga ako ng malalim at ramdam ko na lumalaki ulit ang kakaibang pwersa na galing sakin.

Nung masiguro ko na wala na sila dito ay huminga ako ng malalim at ramdam ko na unti-unting naglalaho ang pwersa na yon.

"Ayos lang ba kayo pareho?"

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon