Chapter 22

59 5 0
                                    

"Kung isa ka ngang prinsipe, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Flora.

"Flora, yung pananalita mo," mahinang sita sa kanya ni Thyreze.

"Bakit? Anong meron sa pananalita ko?" Napailing na lang ang nagpakilalang prinsipe ng marinig ang binulong ni Flora.

"Pinapabigay nga pala ng hari." Inilabas ng prinsipe ang anim na sobre at iniabot yon sa kanila.

"Bakit kami imbitado?" Napahilot na lang sa sentido si Safyra ng marinig ang tanong ni Flora.

"Hindi ko alam."

"Pano nalaman na nandito kami?" Tanong ni Fyrix.

"Hindi ko alam."

"Ikaw ang fifth prince diba? Bakit ikaw ang inutusan?" Usisa ni Marcus.

"Ang ikalawa at ikaapat, hindi alam kung saan ang tinutukoy, ang ikalawa at ikatlo, ayon, nag-away at kung sino daw ang mananalo, s'ya ang maghahatid. Kaso, nasagi nila yung paso na pinaglalagyan ng Icydanrion, isa sa mga bulaklak na makikita sa boundary ng Leithis at Vorghieli."

"I'm out. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi n'yo." Naglakad na si Flora papunta sa kwarto at habang nasa hagdan, naisip n'ya ulit ang ibon.

"Dapa!" Nilingon n'ya ang ikalimang prinsipe at magsasalita pa lang s'ya pero bigla na lang nabasag ang bintana sa gilid n'ya kasabay ng pagpasok ng ibon.

Pumagaspas ang malalaki nitong mga pakpak at lumipad ito papunta sa kanya. Sa takot ay napa-atras s'ya hanggang sa naramdaman n'ya ang hawakan ng hagdan sa likod n'ya.

Bigla na lang itong lumipad papunta sa kinatatayuan n'ya. Sa gulat ay napa-atras s'ya pero dahil mababa lang ang hawakan ng hagdan, nahulog sya. Ipinikit n'ya na lang ang mga mata n'ya at hinintay ang pagbagsak sa sahig.

Naramdaman n'ya ang malakas na pagbagsak n'ya sa sahig pero hindi ang sakit na dapat ay kasama nito.

Nang tignan n'ya ang ibon ay wala na ito sa kinalalagayan nito kanina. Dahan-dahan syang tumayo habang inaalala ang nangyari kanina.

Isa lang ang nabuong tanong sa isip n'ya. Paano niya nalaman na parating na ang ibon?

"Tignan mo, Flora. Umiilaw yung invitation oh." Agad naman na lumingon si Flora at ginawa din ang ginagawa ni Thyreze. Itinaas n'ya ang invitation letter at itinapat iyon sa liwanag galing sa bintana.

Kumunot ang noo n'ya ng makita na hindi umilaw ang sa kanya. Ang nakita n'ya lang ay bakas ng isang bulaklak na may lilimang petal na hugis puso.

"Lymoras?" Hindi n'ya napansin na napalakas pala ang dapat ay bulong lang.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Safyra kahit na narinig n'ya naman ng malinaw ang sinabi ng isa.

"Ha?"

"Bakit mo binanggit ang Lymoras?" Tanong ni Safyra.

"Tignan n'yo yung mga invitation n'yo. Itapat n'yo sa liwanag." Utos ni Flora na ginawa naman ng lahat pero umilaw ang mga ito.

"Umilaw. Ano ngayon?" Hinablot ni Steve ang invitation ni Flora at itinapat sa liwanag at umilaw ito.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Fyrix sa kanya. Tumingin na lang s'ya sa bintana at inisip ang nakita n'ya.

"Malamang naghahanap lang s'ya ng atensyon." Agad na sumama ang timpla n'ya nang marinig ang boses ni Eri pero wala s'ya sa mood makipag-away ngayon. Masama ang kutob n'ya dahil ang Lymoras, ay walang iba kundi ang bulaklak na sumisimbulo sa kamatayan ayon sa nabasa n'ya.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon