Chapter 17: Visit

61 4 0
                                    

Alexandrite's POV

Habang kumakain kami kasama sila mama ay wala ni isa samin ang nagtangka na sabihin sa magulang namin ang nangyari kanina.

Malamang kasi ay hindi iyon paniniwalaan dahil wala namang naiwan na ebidensya.

"May nagpunta ba dito?" Tanong ni mama. Nagkatinginan agad kami nila kuya ng dahil sa tanong ni mama.

Hindi kami nakasagot kaagad. Natigil kaming lahat sa pagkain at ni isa ay walang nagsalita.

"Mga nakasuot ng itim na hood. Tama?" Tanong pa ni mama. Dahan-dahan namang tumango si kuya Drake.

"Pano mo nalaman yon ma?" Tanong naman ni kuya Clyde. Ngumiti naman si mama.

"Sinabi sa panaginip ko. Hindi ko na sinabi sa inyo dahil ang sabi sakin nung babae, kaya nyo naman lampasan ang mangyayari na yon." Sabi ni mama habang nakangiti. Para bang panatag na panatag sya na hindi kami mapapahamak.

"Ma,yung babae ba na nakita mo sa panaginip mo, sya din ba yung nagsabi na dapat ay may Flora ako sa pangalan?" Tanong ko bigla. Basta na lang kasi pumasok sa isip ko yung tanong na yon.

"Oo. Sya yon."






"Alexa, sabog ka na naman ba?" Tanong sakin ni Safyra. Nasa canteen na kasi kami.

"Always naman yang sabog eh." Sagot sa kanya ni Thyreze. Tumingin na lang ako sa malayo dahil nasagot naman na ni Thyreze ang tanong nya.

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Safyra. Sabihin ko na kaya? Ayy bahala na basta sasabihin ko.

"Kahapon, may nagpunta sa bahay. Mga naka-itim tapos may marka sila sa likod ng palad nila. Lahat sila, pare-pareho ang marka." Mahinang sabi ko. Hindi naman sila nakakibo kaagad. Tama na siguro na yun lang ang alam nila. Hindi na nila dapat malaman yung ginawa ko.

Napa-angat ako ng tingin nung biglang dumilim. Lumabas ako sa canteen at hinagilap ang araw. Yung araw.. natakpan na ng kulay itim na usok.

Biglang may humila sakin papunta sa canteen. Hindi ko na tinignan yung humila sakin dahil ang paningin ako ay nasa araw na nahaharangan na ng itim na usok.

Pagtingin ko sa humihila sakin ay nakaramdam ako ng kakaibang pwersa kay Thyreze. Sya kasi ang humihila sakin.

"Wag kang aalis dyan. Hindi ka dapat mawala sa paningin namin." Mariing utos ni Thyreze sakin. Pinalibot ko naman ang paningin ko sa canteen. Nakahinto lahat. Tanging kaming anim lang ang gumagalaw.

Alerto sila sa paligid habang ako naman ay naguguluhan sa nangyayari.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko na nakapalibot na sa amin yung itim na usok. Huminga ako ng malalim at ikinumpas ang kamay ko. Imbis na mawala ang usok, naging tao lang ito.

"That air, won't work on us. Pwede kami maging tao kapag gusto namin at sa ganong paraan, hindi kami matatangay ng hangin papalayo." Napa-atras ako papunta kay Marcus nung magsalita yung isa sa kanila.

Yung marka, meron sila! Posible kaya na.. sila yung pumasok sa bahay kahapon?

"Ano bang kailangan nyo?" Galit na tanong ni Safyra. Napangisi naman ang kaninang nagsalita.

"Sya." Sagot nito at itinuro ako. Hinawakan naman ni Marcus ang braso ko.

"Hindi namin sya ibibigay sayo." Mariing sambit ni Marcus. What the heck was happening? May nakalimutan ba ko? Bakit wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila? Mukhang hindi ako updated.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon