Chapter 15: Is this the end?

48 6 0
                                    

Alexandrite's POV

Nakatanggap na ko ng limang pangyayari na muntikan ko na ikamatay. Kanina nung papasok ako, nalaglag yung bakal na dala-dala nung truck at muntik ako tamaan pero bigla na lang lumihis yung bakal papunta sa unang direksyon.

Nababaliw na nga siguro ako. Pero pwede din namang namalikmata lang ako dahil imposible na mangyari yon. Konti na lang kasi ay madadaganan na ko non pero biglang umusod yung bakal at sa ibang direksyon yon nahulog. Ano yon tinulak ko? Eh ang bigat-bigat ng bakal na yon eh.

Ano namang kaya susunod? Nakaka-lima na eh, hanggang kailan ako tatagal? Last ko na siguro to dahil mukhang pinagbibigyan lang ako na makasama ang mga mahal ko sa buhay.

Mamamatay ba kong hindi man lang nakikilala yung nagbigay ng kwintas sakin? Saklap naman ng buhay.

Totoo kaya yung feelings ko sa taong yon? Ramdam ko pa din na gusto ko yung tao na yon kahit na hindi ko naman yon kilala. Wait nga. Gusto ko yung nagbigay ng kwintas tapos unti-unti na kong naa-attract kay Marcus. Ang gulo. Pero attracted pa lang naman ako kaya hindi ko na lang muna iisipin yon.

"Tara na, punta na tayo sa canteen." Aya samin ni Steven. Sumunod na lang ako dahil wala ako sa mood makipag-usap.

Sumusunod lang ako sa kanila at nakayuko habang naglalakad. Hindi ko na alam kung matatakot ba ko sa sitwasyon ko o ano. Naguguluhan na ko.

Nung nakarating kami sa canteen ay pinaupo na nila ako. Sila na lang daw ang bibili ng pagkain ko kaya inabot ko na yung pambayad at tumunganga na lang don.

Nung nilapag na yung pagkain ko ay kinain ko na yon. Ramdam ko naman na napatingin sila sakin. Malamang ay nawi-wirduhan na sila sa kilos ko.

Napapansin kaya nila na ilang beses na ko muntik mamatay? Dapat na kaya ako lumayo bago sila madamay?
Argh! Hindi ko na alam yung gagawin ko!

"Alexa, yung tinidor." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Safyra kaya tinignan ko yung tinidor na hawak ko. Nabitawan ko yon kaagad dahil nabaluktot ko na pala yon ng hindi napapansin. Lagot ako nito kay kuya.

Yumuko na lang ako sa lamesa at hinayaan ang ingay ng paligid. Grabe epekto nung mga pangyayari na yon. Naaapektuhan yung buong pagkatao ko at ng pag-iisip ko.

Hanggang kailan ba to? Gusto ko na to matapos pero..kung matatapos to, tapos na din ang buhay ko. Kamatayan ko lang ang magiging kalayaan ko sa mga banta na to.

"May problema ba?" Tanong ni Marcus sakin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa presensya nitong nilalang na to. Bumibilis ang heartbeat ko bigla.

Umiling lang ako kahit na nakayuko ako. Narinig ko naman ang buntong-hininga hininga nya. "Yung totoo." Demand pa nya. Hambalusin ko kaya to? Sinabi na ngang wala eh.

Buntong-hininga ako bago tuluyang magsalita. Demanding tong nilalang na to eh. "Meron. May problema ako, malaking problema." Napipilitang sagot ko. Labag sa loob ko to fisti.

"Ano naman yon? Baka makatulong kami." Sabi ni Thyreze. Hindi ako nakasagot kaagad dahil bigla akong kinabahan. Pano kung madamay sila? Ayokong may madamay na mga tao na wala namang kinalaman dito.

"Wag nyo na lang alamin." Sagot ko saka nanahimik ulit. Ayoko mandamay dahil ang sabi nga ng boses sa isip ko, 'once you landed your foot on that place, death will follow you wherever you are. There's no safe place when that time comes.'

Pakamatay na kaya ako para matapos na to at para wala na ding madamay na iba? Hindi ko kakayanin kapag nadamay ang pamilya ko dito.

Nakakapanghina malaman na ang paraan lang para matapos to ay ang kamatayan ko. Sino ba kasi ako?

"Hoy!" May sumigaw at hindi yon kalayuan samin. Hindi ko na lang pinansin dahil magulo ang isip ko at wala naman akong mapapala kapag pinansin ko yon.

"Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang sumuntok sakin?!" Sabi nya saka hinablot ng malakas yung balikat ko kaya napaayos ako ng upo bigla. Masakit yon ah.

"Pano mo naman nasabi yan?"

"Bwisit ka! Ang sakit ng pisngi ko non!"

"Tinatanong ko? Gusto mo dagdagan ko pa?"

"Ang kapal ng mukha mo na suntukin ako."

"Mas makapal ang mukha mo. May makapal kang make-up at pagmumukha."

"Epal. Oh, hi Mr. Hottie." Sabi nya saka inayos ng konti yung buhok nya. Kingina baka may malaglag na kuto tapos salung-salo pa ng ulo ko WAAAAAA kadiri!!

Napatingin naman sila sakin maliban kay Marcus dahil may kinakalikot sya sa cellphone nya. Kumulo ang dugo ko ng ilapat nya yung kamay nya sa balikat ni Marcus. Tanginaaaa aalisin mo yung kamay mo o puputulin ko yan?!

Palipat-lipat ang tingin nung lima sakin saka sa ginagawa nung babae— kung sino man ang impakta na yan.

GUSTO KO NA PUMATAAAAYYY.

"Kung sino ka mang impakta ka, please lang, umalis ka na bago ko tuluyang sirain yang pagmumukha mo." Nagulat ako sa salitang bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hala. May sariling utak na yung bibig ko? San nakalagay?

Nakakagigil kang impakta ka!

"Wag ka nga makialam! Akin sya kaya humanap ka ng iyo!" Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa narinig ko. Nabi-bwisit ako.

Kahit na ramdam ko na ang pagdidilim ng aura ko ay ngumiti ako. "Do you wanna die early?" Sabi ko saka pinakawalan ang pinaka-matamis na ngiti ko. Pero nagmumukang creepy ata dahil napa-atras sya.

"Hindi mo ko matatakot sa ganyan!"

"Ow. Sinabi ko ba na matakot ka?"

"Wala namang nakakatakot sayo."

"Wala nga."

Inirapan ko sya saka dinampot ang bag ko at naglakad palayo sa kanila. Baka manghiram na yon ng mukha sa aso kapag nasapak ko pa ng isang beses.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong sigaw. Dahil sa kuryosidad ay hinanap ko ang pinanggagalingan nito at napadpad ako sa likod ng mga classroom na naging tambakan na lang.

Sumigaw ito ulit kaya hinanap ko ang eksaktong lugar kung saan iyon galing. May hukay dito kaya gumilid ako para malampasan ang mga yon.

Nung nakalagpas ako sa may hukay ay naglakad ako ng dahan-dahan. Nagulat ako dahil may biglang sumulpot sa harap ko. Anong klaseng nilalang yon?

"AAAAHH!" Napasigaw ako nung nalaglag yung isa kong paa sa butas. Pero hindi naman ako tuluyang nahulog dahil napakapit ako sa lupa. Unti-unti nang dumudulas ang kamay ko kaya kumakapit ako ulit ng mahigpit.

Nangangawit na ko. Hindi ko na kaya. Mamamatay na ba ko ngayon? Sayang naman at hindi ko man lang nakilala ang taong yon.

Unti-unti na kong nakakabitaw. Nangangawit na din ako kaya hindi ko na pinilit pang kumapit ulit. What's the sense of holding in soil if your hands will just slip?

Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinihintay na tuluyan akong malaglag. At tuluyan na ngang dumulas ang kamay ko.

Katapusan ko na ba?

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon