Chapter 28

44 3 0
                                    

Author's note.

Hi hello, sobrang pasensya na po sa sobrang tagal ng update. Masyado po kasi akong na-busy sa acads lately then, a lot of things happened kaya hindi ako nakapag-sulat ng update.

Alam ko po na naiinip na kayo kahihintay kaya pinilit ko po sa busy sched ko and yep, here it is.

Recommend ko lang po yung Heaven by your side, a story consists of 21 parts, maiksi lang po siya. Try niyo din po basahin para may nabasa naman kayo habang wala pa pong update sa fearless. Just visit my profile po and you will see it there.

I'll stop right here, enjoy reading!

~•~

“Ano na gagawin natin? Tutunganga na lang dito at hintayin na mapabagsak nila ang puno na ‘to?” Umiling si Marcus bilang pagtutol sa sinabi ni Thyreze.

“Kailangan natin kumilos bago nila tayo maunahan.” Nang mapalingon si Steve kay Flora, nanlaki ang mga mata niya. Nakalutang si Flora habang payapang nakaupo sa lumulutang na malaking bulaklak.

"Effective! Yippee!" Napalingon sila sa sigaw ni Flora at kagaya ni Steve, nagulat sila at kalaunan ay natuwa dahil sa wakas, nagising na ni Flora ang kapangyarihan niya.

"Totoo ba 'to?" Masayang tumango ng sunod-sunod si Flora at sunod-sunod na nagpalabas ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.

Sa wakaaaaaassss!

Naputol ang kasiyahan nila nang umuga ang sanga na tinutungtungan. Nang sumilip sa ibaba si Flora, nakita niya na gumagawa ng paraan ang mga lobo para maabot sila. Wolves on top of another pack of wolves, creating a wedge made of wolves.

Talagang sinusubukan nila kaming abutin. Delikado kami kapag nagtagal pa dito. "Flora!" Napasigaw si Thyreze nang makita kung paano tumalon ang lobo maabot lang si Flora pero bigo ito.

"Alis na tayo?"

"Hindi natin matatakasan ang mga 'yan. Kung matakasan man natin, mahahabol tayo niyan." With no other choices left, they created an orb where the six of them will fit, as the orb, reached the soil, it popped immediately.

Kaagad na humabol ang mga lobo sa kanila kaya nagpalabas ng sandamakmak na bulaklak si Flora para mapabagal ang paghabol ng mga ito sa kanila.

Nang makita na nakalusot na ang iba sa mga ito, nagpalabas siyang muli ng mga bulaklak pero hindi gaya ng kanina, mas kaunti ito.

"Safyra! Gumawa ka ng apoy!"

"Hindi puwede! Baka masunog itong gubat!"

"Kahit sa palad mo lang! Maliit lang na apoy ang kailangan ko!"

Kahit na hindi alam ni Safyra ang binabalak ng kaibigan, sinunod niya ito. Kaagad na pinalapit ni Flora ang isang bulaklak at agad naman itong umapoy. Ikinumpas niya ang kamay dahilan para dumikit sa umaapoy na bulaklak ang iba pa.

Gamit ang apoy na pinalabas ni Safyra sa palad niya, nakagawa siya ng maraming bulaklak na umaapoy at ito at kaniyang pinalulutang para hindi makalapit sa kanila ang mga lobo.

Nang matanaw ni Flora ang bubong ng mga bahay, huminto siya sa pagtakbo at hinarap ang mga lobo. Huminga siya ng malalim at inalis ang kontrol sa mga umaapoy na bulaklak. Hinayaan niya na ang hangin na mismo ang tumangay sa mga ito papunta sa mga lobo saka mabilis na humabol sa mga kaibigan.

...

"Sa oras na matuklasan niyo na ang dahilan ng pag-atake ng mga lobo, maari na kayong bumalik." Pagbabasa ni Marcus sa sulat na pinadala sa kanila ng reyna gamit ang alaga nitong ibon.

"Simula ng napunta tayo dito, hindi lumapit sa atin ang mga lobo. Hindi ko alam kung tumigil na ba sila o may hinihintay lang." Ipinatong ni Thyreze ang nakabukas na libro sa kanyang mukha.

"Paubos na yung nakaimbak nating pagkain," anunsiyo ni Steve na kagagaling lang sa kusina. Napahinto siya nang makita na aapat lang silang naroon. "Nasaan si Flora saka si Fyrix?"

"Ewan. Sabi ni Flora titingin-tingin lang siya sa paligid ang kaso hindi pa din bumabalik." Sumandal si Safyra sa sandalan ng sofa at iniunat ang mga binti.

"Nung lumabas si Flora, naging aligaga si Fyrix. Lakad ng lakad tapos nung umupo naman, tina-tap ng paulit-ulit sa sahig yung paa niya. Parang tanga lang." Napatayo sa pagkakaupo si Thyreze nang bumukas ang pinto at pumasok si Fyrixen habang nakasakay sa likod nito si Flora.

"Anong nangyari?" Kaagad na tanong ni Steve nang makita ang mga punit sa bestida ni Flora at may mga marka ng dugo.

Lumapit si Marcus at dahan-dahan na kinuha si Flora sa likod ni Fyrix at maingat na inilapag sa sofa.

"Yung mga bulaklak na pinalalabas niya, nagkaroon ng talim. Nagulat siya at aksidenteng naalis niya ang kontrol sa mga bulaklak. Biglang humangin kaya sa kanya napunta lahat ng bulaklak," mahabang litanya ni Fyrix.

Lumapit naman kaagad si Thyreze para tignan ang lagay ni Flora. Napabuntong hininga na lang ito nang makita na halos buong katawan ni Flora ay may sugat. Ang iba ay malalalim pero karamihan sa mga ito ay daplis lang. 

"Kaya ba yan paghilumin ng kapangyarihan mo?" tanong ni Marcus.

Umiling lang si Thyreze, "hindi ko alam pero susubukan ko. Huwag niyo akong sisihin sa kung ano ang kalalabasan." Itinapat ni Thyreze ang kanang palad sa dibdib ni Flora at may lumabas dito na kulay berdeng ilaw. Kasabay ng pagbalot ng berdeng ilaw sa katawan ni Flora ay ang pag-angat ng katawan nito ng kaunti mula sa sofa at ang paghangin ng damit na suot nito.

Nang mawala ang berdeng ilaw, dahan-dahan na bumaba ang katawan ni Flora at lumapat ito sa sofa. Pagtingin nila sa mga sugat ni Flora, wala itong pinagbago. Ni hindi man lang gumaling kahit na kaunti.

"Bakit ganito?!"

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon